"Talaga bang okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." Tanong sa akin ni Carmie.
"Lah. Dati pa yan talaga tahimik." sabi ni Gabby.
"Hindi eh. Iba yung ngayon. Parang ang lungkot lungkot niya ngayon."
Naglalakad na kami palabas ng school dahil pauwi na kami. Medyo nakakapagod sa utak yung quiz kanina kaya hindi ako nagsasalita masyado. Isama mo pa yung iniisip ko kanina. Hays.
"Coral. Kung may problema ka, huwag kang mahiyang magsabi sa amin ah." sabi ni Carmie.
"Okay lang ako. Medyo pagod lang alam niyo naman kapag Thursday eh, nagiging zombie tayo pag uwi." sabi ko na lang para hindi na siya magtanong pa.
"Sabagay. May point ka dyan. Kahit ako din eh. Pagod na din."
"Oh tapos ngayon daldal ka ng daldal dyan. Pagod ka pala." sabi ni manang Gabby.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. 7pm ang out namin ngayon kaya panigurado, mahirap makahanap ngayon at traffic pa kasi rush hour.
9pm na ng makauwi ako sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Lumabas ako sa kwarto at pumuntang kusina. Naabutan ko doon si Reefer na kumakain.
"Oh. Anong oras na ah bakit ngayon ka lang kumakain?" tanong ko sa kanya.
"Kakagising ko lang kasi, Ate. Nakatulog ako kanina kasi nagrereview ako. Malapit na exam eh. Ikaw? Kakauwi mo lang?"
"Oo. Sobrang traffic eh wala pang masakyan." sabi ko habang nagsasandok ng pagkain.
"Ano yang nasa noo mo? Bakit parang may pasa?" sabi ni Reefer at tinuro yung noo ko kung saan ako natamaan ng bola.
Hinawakan ko naman ito at diniinan. Napangiwi ako sa sakit. Shemay. Nagkapasa pala! Sana pinalagyan ko ng cold compress sa clinic para hindi magpasa. Hays.
"Ano nangyari sayo te? May nang away ba sayo? Nakipagsabunutan ka ba? O natamaan ka na naman ng bola ng Softball?"
Natawa ako ng onti sa sinabi niya. Nakwento ko kasi sa kanila nila Mama yun kaya kapag may pasa ako, yan na laging sinasabi nila.
"Ha? Hindi ah! Natamaan ako ng bola kanina sa P.E. namin."
"Bola na naman? Habulin ka ng bola ah."
"Oo. Pati mambobola." bulong ko. Buti na lang hindi niya narinig.
"I-cold compress mo yan. Baka mamaga yan. Pangit ka na nga, lalo ka pang papangit."
Aba lokong bata to!
"Opo, Kuya Reefer." sabi ko at kumain na lang.
Pagtapos kumain ay kumuha ako ng ice bag at nagcold compress. Nararamdaman ko na ngang kumikirot kaya feeling ko mamamaga na talaga.
Sa kwarto na lang ako nagcold compress. Habang nakahiga sa kama, nakipagchat na lang ako sa GC namin.
Carmie: Coral, nakauwi ka na?
Coraline: Oo nakauwi na ako.
Gabby: magcold compress ka na Cors. Para hindi mamaga. Nakita ko may pasa na kanina eh.
Nagsend ako ng selfie ko na may nakalagay na ice bag sa noo ko.
Coraline: ATM.
Nakita ko namang nagseen na yung mga lalaki. Nako. Panigurado magtatanong na itong mga ito.
Michael: Hala! Ano nangyari sayo? Nakipagsuntukan ka? Dapat inaya ml kami!
Troy: Okay ka pa nung nakita ka namin sa gym ah. Anyare sayo?
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una
RomanceExpectation does not hurt, assuming does. Coral is a happy-go-lucky, go-with-the-flow and simple college student who has a loving brother, sweet and caring parents and crazy friends. Ayaw niyang pinapakomplikado ang buhay niya dahil para sa kanya, h...