Chapter 8

9 1 0
                                    

"Boom bangag!"

Napakagaling naman ng bungad sa akin ng dalawang to.

"Hoy Halamang Dagat! Natulog ka ba? You look wasted and worn out." sabi sa akin ni Gabby.

"Manahimik muna kayo please. Inaantok ako."

"Ano kasing nangyari sayo at ganyan itsura mo?"

"Gagi ka. Ngayon ka pa nagbangag bangagan kung kailan Taxation. Tapos may quiz pa tayo sa Calculus at Quantitative Research mamaya." sabi ni Carmie.

"Eh kaya nga ako napuyat ngayon gawa ng inaral ko yung dalawang yun." sabi ko na lang para manahimik na sila.

Partly, kasinungalingan yung sinabi ko. Ang tunay na kadahilanan talaga na ng pagkapuyat ko ay si Harley.

Harley Dave: Coral coral coral!

Coraline: Ano ano ano?

Harley Dave: Perfect ako sa quiz!

Coraline: Aba sana all! Congrats!

Harley Dave: Tuloy ang lunch date natin haha

Date?! Fusha Pink! Putakte date daw!

Ayan. Yan ang convo namin kagabi. Hindi na ako nagreply kasi hindi ko alam ang isasagot. Gusto kong kontrahin yung sinabi niyang date eh. Pero gusto ko din naman yung tunog ng date. Pero bakit ko ba binibig deal to? Baka ako lang nag-iisip ng ganito?

Ganito ba talaga kapag first time may nainvolve na lalaki sayo? Putakte dapat sanay na ako eh! Sa sweetness ng kapatid at tatay ko eh alam ko na to i-handle dapat.

Pero bakit ngayon, simpleng bagay lang, big deal sa akin?

Ganito ba talaga pag crush mo?

Dahil nga hindi ako makatulog kagabi, kinuha ko na lang yung mga notes ko at nag-aral na lang para sa quiz namin. Ibinaling ko ang atensyon ko dito at tuluyan nang nawala sa isip ko na mag-reply. Kaso nung nakaramadam ako ng antok at patulog na, pumasok naman sa isip ko yung mukha niyang nakangiti, yung puppy face niya na nanghihingi ng favor sa akin. Putakte. Wala na. Namaalam na talaga yung antok.

Kaya nakapagdesisyon na ako, hindi ako titingin sa kanya para wala akong maalala na mukha niya at makatulog ako ng matiwasay.

"Ang sipag naman po pala. Pakopya ah."

"Gab, mas matalino ka sa akin. Huwag ako."

"Eh hindi ako nagreview eh."

"Kahit hindi ka magreview, makakasagot ka, kami ni Carmie, kailangan pa mag-effort. Kaya huwag kang mapagpanggap dyan."

"Masyado naman kayong tiwala sa akin."

"Tiwala saan, Ms. Leano?" napalingon kami ni Gab sa harap at nakitang nandyan na yung prof namin. Nagtawanan yung mga kaklase namin kasi nagdadaldal pa din kami kahit nandun na siya. Buti na lang cool yung prof namin.

"Kanina ko pa kayo kinakalabit eh kasi nandyan na si Sir eh." sabi sa amin ni Carmie.

Nagklase na kami at hindi yun nakatulong sa sakit ng ulo dahil wala akong tulog. Takte. Gusto ko na agad umuwi at matulog na lang. O baka hindi na lang ako kumain mamaya at matutulog na lang ako.

Natapos naman ang klase namin at mabuti na lang ay nasurvive ko kahit papikit pikit na ako. Buti na lang hindi tumitingin sa gawi namin yung prof.

"Ano kakainin niyo?" tanong ni Carmie kasi siya yung bibili ng pagkain namin.

"Mami lang sa akin." sagot ko at ipinatong ko yung ulo ko sa lamesa.

"Hindi ka magkakanin? Mapapagod tayo sa P.E. mamaya." tanong ni Gabby.

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon