Chapter 3

12 3 0
                                        

Felt the urge to update. Na-inspire ako. Biglang dumami followers ko 😂 malaking bagay na sa akin yung ganun. Anyway, enjoy reading!

----

"Vacant na naman!" Sabi ko habang nag-uunat.

Kakatapos lang ng 2nd subject namin ngayong araw at vacant na naman. Okay na din ito at least may pahinga kami every after subject.

"Tara sa green field sa likod. Nandun kambal ko eh. Vacant din nun." Sabi ni Gab habang nagpo-phone. Siguro ka-chat yung kambal niya.

"Alam mo 2nd year na tayo pero ngayon ko lang ata makikita ng malapitan yang kambal mo. Bakit kasi hindi kayo magka-klase?" Sabi ni Carmie.

"Eh late kasi yun nag-enroll kasi pinag-iisipan niya pa yung course niya. Tsaka kaya naman hindi niyo nakikita yun kasi di nagtatagpo yung schedule ng mga section natin. Tuwing Wednesday lang nagsasabay yung mga vacant natin."

"Yung kambal mo lang ba nandun? O may mga kasama pa siya?" Tanong ko. Malay mo may iba pa pala. Kailangan ko maghanda. Hehe.

"Ay hindi ko natanong. Wait lang chat ko siya."

Agad siyang nagkalikot sa phone niya. Siguro para i-chat yung kambal niya. Maya-maya at lumingon siya sa amin.

"Kasama niya daw yung iba niyang tropa. Tatlo sila dun."

"Ah. Okay."

"Ano? Nai-introvert ka na naman?"

"Hindi ah. Ano lang... Hinahanda ko lang yung sarili kong makipag-interact sa iba."

"Naks. Congrats. Nagi-improve ka na. Okay na sayong makipag-usap sa iba?"

"Hmm. Actually, hindi pa din. Pero naisip ko din na palawakin yung circle of friends ko. Para ma-enjoy ko din yung college life ko. Lagi na lang kayong kasama ko. Iba naman sana."

"Hala! So ayaw mo na sa amin ganun? Sige, Coral. Okay lang. Salamat na lang sa lahat lahat." Sabi ni Carmie na may papunas-punas pa ng fake tears. Arte.

"Ang arte mo. Kahit naman lumayo ako sa inyo, hindi niyo pa din ako tatantanan."

"Wow. Ang lakas naman po pala. Grabe yung confidence." Sabi ni Gabby.

"Hindi confidence yun. I'm just stating the fact."

"Sabagay. May point ka. Kasi pag nawala ka, mawawalan kami ng panget sa grupo. Mawawalan ng pambalanse." Sabi ni Carmie.

Napatingin ako bigla sa kanya sabay batok.

"Aray!"

"Gaga ka."

"Labyu too."

"Ewan ko sayo."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa green field. As usual, maraming magjo-jowa ang nakalatag. Pero meron dun na isang grupo ng mga lalaki na nagtatawanan. Nakita ko yung isa na kamukha ni Gabby. Siguro yun na yung kambal niya.

"Gavin!" Tawag ni Gabby. So ayun nga yun.

Lumingon naman yung kamukha niya at kumaway sa amin.

"Gabby, baby! Halika kayo dito!" Sigaw naman nung Gavin.

Natigilan ako sa tawag nung Gavin kay Gabby. Seriously? Baby?

Pagkalapit namin, agad namang binatukan ni Gabby yung kapatid niya. "Adik ka! Anong baby ka dyan?! Kapag tayo napagkamalan, isusumbong talaga kita kay Mama. Napakaharot mo na naman ah."

Tawa lang ang itinugon ni Gavin. Napatingin naman siya sa amin nung kumalma siya. "May mga kasama ka pala." Sabi niya habang pinag-papalit-palit yung tingin niya sa amin ni Carmie.

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon