34

37 6 18
                                    

Dear diary,

Lagi na silang magkachat nung Freya na yun. Napaka-haharot edi magsama sila, pake ko naman? Mas okay nga na dun na s'ya sa Freya na yun' para wala ng mangungulit sa'kin. Okay lang talaga.

Bihira na s'ya magchat. Busy nga siguro talaga. Okay lang naman sa'kin kung magkakagusto s'ya sa iba, mamatay na sila charottt. Pero basta bahala sila, amp.

Meron nga na one time, straight two days ni isang Hi o Hello wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi naman sa inaasahan ko s'ya ha pero parang ganu'n na nga, haha ewan ko ba gusto ko ako lang kausap n'ya. Ayoko na nagkakausap sila nung Freya na yun.

Hindi naman maganda, mas maganda ako. Mas matalino din kaya grr. Laki ng suso lang naman panlaban nya, meron din ako hindi lang sobrang laki gaya ng kanya. At least mas sexy naman ako, laki-laki ng tiyan nun e. Mas matangkad din ako, panlaban height ko no.

Teka nga, e bakit ko ba kinukumpara sarili ko sa kanya? Mas lamang ka, tandaan mo yan Hyria Naorizyl Santos.

Itanong ko kaya kay Freya kung sino yung nakakachat n'ya para malaman ko kung sino si Crey? Kaso galit may galit ata sakin yung Freya na yun. Tuwing nagkakatinginan kami hindi n'ya makakalimutan na magroll eyes. Tusukin ko mata n'ya 'pag ako napikon.

Hays! Pa'no ko naman kasi makikilala si Crey? Mygad naku-curious ako, sobra. Ayoko ng ganito, pakshet.

Natingnan ko na din one time yung friends list nya at mygad ako lang ang friend, ang creepy. Pa'no ko malalaman real name niya? Wala naman kasi akong kilalang Crey sa school o kahit sa ka-batch ko.

Eh bakit ko ba kasi pino-problema? Kung ayaw n'ya magpakilala e di wag. Ayoko mamilit baka pumayag.

-Hyria Naorizyl Santos

---

(A/N: Thanks sa pagsuporta, silent reader ka man o hindi.)

The Nights (Epistolary)Where stories live. Discover now