63

52 4 10
                                    

Update muna bago magsagot ng modules. Lovelots to all.

--

HER POV

Bumangon na ako sa kama para sabihin kay Mama na may pupunta dito sa bahay ngayun. T'saka maglilinis pa ako ng bahay, nakakahiya kung makikita niya na madumi noh.

Nakita ko si Mama sa kusina. Bakit lagi na lang 'to nasa kusina?

"Ma.." tawag ko may Mama kaya napatingin siya sakin. "yung totoo sa kusina ka ba natutulog?" tanong ko sa kanya sa seryosong tono. Napa-aray na lang ako ng bigla niya akong pinalo ng sandok sa ulo.

"Ikaw na bata ka puro ka kalokohan. Ikaw patutulugin ko dito sa kusina gusto mo?" tanong niya at nagpatuloy na sa paghuhugas ng plato.

"Pede naman. Kung gusto niyo maubos agad stock natin ng pagkain hahaha" sabi ko kay mama kaya lumingon siya sakin.

"Ano ba kelangan mong bata ka ha? Kukuritin kita diyan sa singit e" pananakot ni Mama.

"Ma..." hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mama. Nahihiya ako na kinakabahan.

"Ano na naman yan? Ha?" tanong ni Mama.

Laging ganyan magsalita si Mama. Pasigaw, balakatak kasi yan sabi ni Lola haha. Akala mo lagi galit, pero hindi naman.

"May pupunta dito mamaya." sabi ko kay Mama at kumuha ng tasa sa lagayan, magti-timpla ako ng kape.

"Sino? Kaklase mo?" tanong niya at umiling naman ako kaagad.

"Kaibigan?" sabi ko na patanong din.

"Ako ba ay pinagloloko mong bata ka? Boyfriend mo?" sabi ni Mama na halata namang sigurado na sa sinabi niya. "Humanda ka sa Kuya Hiro mo mamaya. Makakatos ka niyon." pananakot ni Mama.

"Mama naman e. Kinakabahan na nga ako dito tapos tinatakot niyo pa ako lalo" sabi ko habang nakahawak sa braso niya. Inuga-uga ko ang kamay niya. "Maaaa ano gagawin ko mamaya?" tanong ko.

"Sino ba ang pupunta dito mamaya?" tanong pa din ni Mama. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at nang-halumbaba.

"Tanda mo Ma yung sinasabi ko sayo dati?" Tanong ko kay mama. Kumunot naman ang noo niya at tinitigan ako.

"Sino?" tanong niya. "Ma yung future husband ko? Haha si Laxus" sabi ko kay Mama.

"Aba! Nililigawan ka nun? Ano nakain nun at nagustuhan ka?" pagtatanong ni Mama kaya napasimangot ako.

"Ma ang ganda ko kaya. Amp." sabi ko habang ngusong-nguso. "Ano gagawin ko?" tanong ko.

"Aba malamang maglinis ka ng bahay. Mahiya ka naman sa future-husband mo." sabi niya. Napa-ngiti na lang ako, future-husband sarap sa ears mygaddd.

Tumango na lang ako kasi yun naman talaga ang balak ko. Tinapos ko na ang pagkakape ko at umakyat ulit ako sa kwarto.

Pagkadating ko sa kwarto ay agad kong inayos ang aking kama pagkatapos ay naghilamos muna ako. Pagkatapos kong maghilamos ay bumalik na ako sa salas para maglinis.

Ipinusod ko ang buhok ko para hindi sagabal sa mukha. May mga konting hibla ang nakalaglag dahil hindi kinaya sa kaiklian. Nakamalaking T-shirt lang ako at shorts. Ninakaw ko pa kay kuya tong damit na ito no hahaha.

Basang-basa ako ng pawis ng biglang may kumatok sa pinto, wala kasi kaming gate haha. Hinayaan ko na lang na si Mama ang magbukas, si Crey lang naman yun.

The Nights (Epistolary)Where stories live. Discover now