68

35 5 8
                                    

Nandito ako ngayun sa labas ng bahay namin. Nasa may sidewalk ako inaantay kong dumating si Crey. Sinabi ko kasing gusto ko makipakita sa kanya ngayun. Hindi naman ako pwede umalis ng bahay so siya na lang pinapunta ko.

Maya-maya lang din ay dumating na siya. Mygad ang gwapo niya kahit simpleng white shirt lang suot niya. Lakas talaga ng dating niya kahit anong suot. Kaya minsan hindi ko talaga maiwasan magtaka na bakit ako nagustuhan nito e ang gwapo gwapo niya.

"Bakit mo ko inaya makipagkita? Miss mo na ako noh?" sabi niya at nagtaas taas pa ng kilay. Ngiting-ngiti siya samantalang ako ni isang ngiti hindi. Napansin naman niya yun kaya nagseryoso bigla ang mukha niya.

"Oum may sasabihin sana kong importante sa'yo." sabi ko sa kanya habng seryosong seryoso ang mukha. Kailangan natin gampanan ng maayos ang prank na ito.

"Ha? Ano yon?" tanong niya habang titig na titig sa'kin.

"Gusto ko lang sabihin na pinapatigil na kita sa panliligaw mo." sabi ko sa kanya. Tinitigan ko s'ya sa mata n'ya. Gusto kong malaman ang reaksyon niya.

"Yun lang ba? Ah okay sige titigil na ako. Salamat sa lahat. Mag-iingat ka palagi, Hyria." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ganon ganon na lang yun? Ganon mo ako kabilis bibitawan?" tanong ko habang nagsisimula ng kabahan. Hindi ganito yung ini-expect ko.

"Dapat pa ba akong mag-stay kung pinapatigil mo na ako, Hyria?" tanong niya habang titig na titig sa mga mata ko.

Hindi ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya basta isa lang ang alam ko. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Daig pa nito ang gripo.

Bakit ganito? Siya yung pina-prank ko diba? Sasagutin ko na siya pero ba't ganon? Bakit pumayag siya na tumigil na? Hindi na ba niya ako gusto o pinagtripan niya lang ako. Ano to? Bakit ganito?

Yakap-yakap pa din niya ako ng sobrang higpit, parang ayoko s'ya pakawalan.

Bumitaw na siya sa yakap niya at nagsimula ng maglakad papalayo sa akin. Hindi ko mapigilang mapaupo sa kalsada dahil sa nangyari ngayun lang. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa napatingin ako sa pares ng mga paa sa harapan ko.

Pagtingala ko ay nakita ko si Crey.

"Tang'na hindi ko na kaya...." sabi niya habang parang natatawa? "Yoko na Serene, umiyak na oh." sabi niya pero ni isa wala akong maintindihan.

"Huh?!" tangi ko na lamang nasabi.

Biglang lumabas si bes sa may tabing bahay namin dun sa may poste habang may hawak na phone. Halos mautas na siya sa katatawa.

"Tangina niyo mga gago! Ano to?" tanong ko dun sa hayp na Serene yun.

Tiningnan ko si Crey na nasa harapan ko habang tinutulungan ako tumayo. Hinawakan niya ang baba ko para itaas ang mukha ko at saka siya may kinuhang panyo sa bulsa niya.

"Kahit na ang cute mo umiyak, ayoko na umiiyak ka lalo na at ako pa dahilan. Huwag kana iiyak ulit, okay?" sabi niya at patuloy sa pagpupunas ng luha ko.

"Oh ano bes?? Kamusta?? Ayos ba? Hahahahahahaaa" utas na sabi ni bes. Halos maubusan na siya ng hangin sa kakatawa.

Tiningnan ko ng masama si Crey. Umiwas na lang siya ng tingin at nagkamot sa batok.

"Tanginaa lakas ng trip niyo akala ko ayaw mo na talaga sa'kin" sabi ko habang nagpupunas ng luha ko kasama na sipon, tumulo e haha.

Hinawakan naman ulit ni Creyon mukha ko.

The Nights (Epistolary)Where stories live. Discover now