FIRST DATE
Napagpasyahan kong magsuot ng lang ng oversized white shirt tapos maong shorts then white sneakers. Trip ko lang tsaka para comfy. Im not into high heels kasi.
Lumabas na ako ng kwarto ng makapaglagay ako ng cheek and lip tint. Nakita ko si Crey na busy sa kanyang cellphone.
Pinagmasdan ko ng maayos ang suot ni Crey. Naka-maong jacket siya then white shirt sa loob. Tapos shorts then white shoes plus his dog tag. Mygad ang simple lang naman ng suot niya pero ba't ang lakas ng dating?
Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong 1 and half hour din pala siyang nag-antay.
"Oy!" tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin saka ngumiti. "Sorry natagalan ako. Ang dami pang ritual e hahaha." sabi ko sa kanya at napatawa naman siya.
"Ritual daw. Haha okay lang." sabi niya at tumawa na. Gago ang pogi tumawa. Mygad.
Tumayo na siya at inilahad ang kamay sa harapan ko. "Ano hinihinge mo?" sabi ko sa kanya. "Yung bag mo, akin na." sabi niya. Wala pa akong balak ibigay ang bag ko kaso kinuha na niya sa balikat ko. Napa-nguso na lang ako.
"Hoy ang o.a! SLING BAG lang po yan! SLING BAG! Napakagaan niyan jusko!" sabi ko. Ang o.a kasi ang gaan-gaan lang kaya nun.
"Tsk kahit na." sabi niya at nauna na maglakad. Wala na akong nagawa, nasa kanya na.
Pagkalabas namin napatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumigil. Tiningnan ko siya ng kakaiba.
"Ba-bakit?" tanong ko at medyo nautal pa. Tanga mo Hyria bakit ka nauutal?
"Hindi ko dala yung car ko hiniram ni Ate, commute tayo sorry." sabi niya at napakamot pa sa batok. Napatawa naman ako.
"Sus yun lang pala e haha. Tara jeep tayo!" aya ko sa kanya at nauna na maglakad palabas ng subdivision. Malapit lang kasi sa entrance yung bahay namin. Siguro mga tatlong kanto lang layo niya.
Sa jeep nga kami sumakay. Hiyang-hiya ako, pa'no ba naman kasi itong si Crey magbabayad ng 500. Mygad ang rich kid kasi tapos sinabi niya sa'kin this is his first time riding a jeep. May kotse naman daw sila pero hindi pa siya pinapayagan magdrive ng mommy niya. How cute, takot sa mommy haha.
Sa mall ko na lang siya inaya, tinanong niya ako kanina tsaka ngayun kasi ang labas ng inaabangan kong movie. Next time na lang yung streetfood date namin. Libre niya yun, sabi niya sa'kin.
Mabilis kaming nakadating sa mall, may malapit naman kasi sa subdivision. Pumunta agad kami sa sinehan kasi malapit na magsimula yung inaabangan ko. Bumili pa kaming ticket tsaka ng popcorn, hindi pwedeng wala noon naku.
"Ano drinks mo?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Medyo napaiwas ako ng tingin, ang gwapo kasi kaya medyo nakakailang.
"Katulad na lang din ng sa'yo." sagot niya at tumingin na sa malayo. Napansin kong medyo ilang din si Creyon sakin.
Nang makabili kami ng foods at drinks ay pumasok na kami sa loob. Magsisimula na kasi maya-maya ang palabas. Napili namin na dun sa taas tapos gitna. Gusto ko kasi kitang-kita ko tsaka para malayo sa aircon.
Umayos na ako ng upo at pansin kong halos papuno na pala. Magsisimula na din yan mamaya at hindi nga ako nagkamali, nagsimula na. Nakaka-excite omg!
Inilagay ko na sa pagitan namin ang popcorn. Nakita ko naman si Crey na tutok na tutok na agad sa screen. Seryoso naman nito haha. Tumingin na lang din ako sa screen habang pautik-utik ang kuha ng popcorn.
YOU ARE READING
The Nights (Epistolary)
Teen Fictionedit ko to promise, tinatamad pa lang me HAHAHAHAHA