HER POV
Nagising ako dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko. Nakatulog pala ako dahil sa kakaiyak. Pakshet ang hapdi ng mata ko.
"Besh? Gising ka ba? Pasok na ako ha." Pakinig kong sabi ni Serene at bumukas na nga ang pinto ng kwarto.
Ngumiti ako sa kanya. Agad s'yang lumapit sa'kin at saka ako niyakap ng sobrang higpit. Bigla na lang akong napaluha dahil sa yakap niya.
Di ko mapigilang mapahagulgol dahil sa nangyari sakin kani-kanina lang.
"A-akala ko s'ya na p-pero pinagtripan lang n'ya ako" pautal-utal kong sabi sa kanya habang pina-pat niya ang likod ko.
"Nandito lang ako. Siguro naman may dahilan s'ya kung ba't n'ya ginawa yun. May plano SYA para sayo bebe." sabi nya sakin at umalis siya sa yakap para punasan ang luha ko.
"A-akala ko s'ya na yung seseryoso sakin besh" umiiyak kong sumbong sa kanya.
"Alam kong laos na 'tong sasabihin ko pero everything happens for a reason. Okay?" sabi n'ya sa'kin at patuloy na pinunsan ang luha ko. "Sa ngayun, maligo kana at gagala tayong dalawa. Diba sabi ko sa'yo magdi-date muna tayo." sabi nya at tinulak tulak ako papasok ng banyo.
"No choice" sambit ko na lang. Hindi ako titigilan ng babaeng yan hangga't di ako pumapayag. Sasama din naman ako para makapaglibang libang.
"Maligo kana diyan at ako na akong bahala sa isusuot mo" she said sabay wink.
"Broken ako dito tapos ganyan ka!" sambit ko.
"Sus mamaya kana magdrama, ampangit mo umiyak HAAAHHA" pang-aasar niya.
"Gago!" sambit ko sa kanya at pumasok na sa c.r.
Kung ayaw sa'kin ni Crey, sige bahala sya. Siya yung nawalan, not me. Pero pag bumalik siya tatanggapin ko naman. Marupok amputa.
Naligo na ako ng mabilis. Tamang ahit ng buhok sa kili-kili. Knowing Serene, sure ako na labas na ang kaluluwa ko sa ipapasuot n'ya. Duh.
Paglabas ko ay nakita ko ang hinanda niya. Di ako sure kung ano tawag sa damit na yun pero para s'yang bra lang tapos yung straps nya manipis lang na parang isang linya. Bralet top ata tawag? I dunno basta yun. Tapos white high waisted shorts, and white rubber shoes.
"Saan ang punta teh?" pang-aasar ko sa kanya na busy naman sa pagpapaganda.
"Dami mong alam, magbibis kana dyan at aayusan pa kita. Bobo mo pa naman sa make up!" sabi nya.
"Edi ikaw na marunong. Pake ko naman." sabi ko at nagbihis na. Oo, sa harapan niya. Nakita na namin buong katawan ng isa't isa kaya wala ng bago dun tsaka magkasama kami nyan lumaki kaya sanay na din.
"Sa harap ko pa talaga nagbibis! So ano pinapahili mo dyan? Yung suso mo?" asar nyang sabi, palibhasa maliit lang ang kanya.
"So?" mataray ko pang sabi. Parehas kaming attitude n'yan wag na kayo magtaka.
Nagbihis na ako ng mabilis at agad naman nya akong inayusan.
"Bakit kelangan naka make up pa? Akala mo naman may laban" sabi ko. O.a kasi kelangan may ganon? amp
"Arte mo sige lumabas ka ng ganyan kamugto yung mata, tanga nito." sabi nya at tinusok tusok pa ang pisnge ko.
"Tanga ka din." sabi ko na lang. Wala akong mailaban.
--
Pagod na pagod ang katawan ko kaya humiga ako sa kama. Napagod ako sa kagagala namin ni insan. Kung saan saan ba naman ako hinila. Ngalay na ngalay ang hita ko. Daig ko pa nag-marathon.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong kulay orange na ang langit. Ang bilis lumipas ng araw. Pasukan na bukas. Lunes na agad bukas kaya balik eskwela na agad.
Hays. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa messenger. Napatango na lang ako sa kawalan ng makitang wala pa din s'yang chat. So ano to? Ghosted na naman ako mga beh? Gago. Kaya ayoko na mag-entertain ng tao. Dadating tapos aalis din naman haha. Nakaka-ulol.
Binitiwan ko na lang ang phone ko at tumitig sa kisame. Kung kakalimutan ko s'ya ba't parang ang bilis naman kasi nagsisimula pa lang kami e tapos saka n'ya ako iniwan.
Nang maalala ko na naman ang nangyari sa akin kagabi hindi ko mapigilang matakot. Habang naglalakad kasi ako papuntang highway naramdaman kong may sumusunod sakin. Tapos pasimple ko s'yang tiningnan and nakita kong lalaki siya tapos naka-all black at alam mong walang gagawing matino. Naglakad ako noon ng mabilis, halos lakad-takbo na nga ang ginawa ko nun. Tapos nung medyo malapit na s'ya sakin nakapakinig ako ng parang may hinala ganon. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin kasi nung mga oras na yun ang gusto ko lang ay makalayo.
Hindi ko na lang din sinabi ang nangyari kina Mama kasi ayoko naman na pagbawalan na nila ako sa paglabas.
Natatakot na tuloy ako lumabas ng bahay. Kung bakit naman kasi hindi si kuya yung inutasan. Ay oo nga pala, may ka-date s'ya kahapon. Kalandian n'ya daplis na'ko mapahamak ng hindi man lang niya nalalaman amp.
Hindi ko namalayang dinalaw na ako ng antok dahil sa pagmumuni-muni ko. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa alarm ng phone ko. May pasok na nga pala.
Nagmadali akong maligo at mag-ayos. Maaga pasok ko ngayun kasi Monday. Sa mga nagtataka, g12 na ako. Im taking ABM, I want to take HRM sa college.
Yeah, i know. I'm too young for that so called love but someone told me walang pinipiling edad ang love.
Nagpaalam na ako kay Mama at umalis ng bahay.
I'm hoping na sana pagkauwi ko mamaya, may mari-recieve akong text na 'Hi, nakita kita kanina ang cute mo talaga.' Sana lang talaga.
Umaasa ako, Crey.
Kaso lumipas ang isang linggo pero ni isang tuldok wala man lang akong natanggap mula sa kanya. Kahit naapakan man o ano sana may dumating na message mula sa kanya.
At hanggang sa isang araw may nabalitaan ako na hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi kasi parang panaginip. Hindi ko alam kung totoo.
--
(A/N: Wag ka ng umasa bhie. HAHAHA, kawawang Hyria. What do you think guys? Biktima na kaya s'ya ng ghosting? Hmm. Thanks for reading and yeah I know ang lame ng story ko haha)
YOU ARE READING
The Nights (Epistolary)
Teen Fictionedit ko to promise, tinatamad pa lang me HAHAHAHAHA