HER POV
February 13 na pala ngayun, valentines day na bukas at the same time prom namin. Yung program sa umaga tapos sa gabi yung prom.
Nakahiga ako ngayun sa kama ko habang nakatitig sa phone ko. Umaasang may dadating na message mula sa kanya. Hays.
Nakapag-rent na kami kahapon ni besh ng gown. Silver napili ko tapos gold sa kanya.
Hindi ko mapigilang hindi mapaluha pag naiisip kong halos magda-dalawang buwan na pala simula ng mawala siya na parang bula. Halos gabi-gabi pa din ako umaasa na babalik siya. At halos gabi-gabi ko din siyang ipinagdadasal na sana magising na siya at kung gising na siya sana bumalik na siya sakin. Miss na miss ko na siya. Hinahanap hanap ko yung chats niya sakin lagi gabi-gabi.
Nakatulog na ako dahil sa mga iniisip ko. Nagising ako kinabukasan dahil sa alarm pati na rin sa bunganga ni Mama.
"Hoy Hyria, babaysot na ito. Gumising kana. May program pa kayo sa school ah!" pakinig kong sabi ni Mama dun sa baba.
"Opo gising na Ma. Sa lakas ba naman bunganga niyo hahaha" pabalik kong sigaw kay Mama para mapakinggan niya ako.
Pilit kong pinapa-sigla ang boses ko kapag nandito ako sa bahay. Ayoko na malaman nila na may pinagdadaanan akong ganito. Ewan ko ba pero naiilang akong mag-open sa kanila. T'saka sasabihin nila masyado pa akong bata para dito.
Wala dito si Papa nasa kabit niya. Mas pinili niya sila kaysa sa amin na una niyang pamilya. Pero ayos lang, masaya na naman kami kahit na kaming tatlo na lang. Bata pa lang ako ng iwan kami ni papa, I think 10 years old ako. Sobra yung iyak ko that time na nalaman ko na may iba na siyang pamilya. Na may kapatid kami sa papa. Although im not mad sa new family niya. Tanggap ko na, na hindi na kami yung nagpapasaya sa kanya.
Alam kong para sa iba sasabihin nila na masyado pang mababaw. Para sa akin oo, iba-iba kasi tayo ng katatagan. Mahina ako pagdating sa emosyonal, hays.
Half-day lang kami sa school para daw makapag-ready para sa ball. Hindi ako masyadong magpapaka-galaw mamaya sa school kasi ayokong ma-haggard noh tsaka ayoko mapagod, physically. Sobrang pagod na ako emotionally e.
Hindi na ako pumasok ngayun para sa program. Mapapagod lang ako. Mamayang gabi na lang ako sa prom. Wala akong partner, okay lang. Queen of the Night to, asahan niyo char.
--
Mabilis lumipas ang mag-hapon. Nakabihis na ako ng gown ko at ihahatid ako ngayun ni Kuya papuntang school. Medyo kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
Napag-usapan namin ni bes na sa school na lang magtagpo. Si Chase partner nun, edi sila na. Excited na akong makita si bes mamaya, im sure na ang ganda ganda nun.
Naka-sakay ako ngayun sa taxi, ihahatid daw ako ni Kuya then siya din ang susundo sa akin. Ayaw niya akong payagan na mag-isa bumiyahe. Two years older sakin si kuya so college na yan.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may school kung hindi pa ako tinawag ni kuya.
"Oy panget, bumaba kana diya bilis gusto ko na umuwi!" sigaw niya sakin tapos humarap naman siya kay manong driver. "Boss, antayan niyo ako. Salamat!" sabi niya.
Humarap siya sa akin. "Ihahatid kita hanggang dun sa entrance." sabi niya at nauna na sa paglalakad. Di man lang ako inalalayan, ang bad grabe.
"Kuya ano ba, uso kayang alalayan ako. Kita ng ang taas ng heels ko e!" sabi ko habang naglalakad. Lumingon sakin si Kuya Hiro tapoa tumingin sa paa ko. "Tsk!" sabi niya at bumalik. Kinuha nya kamay ko at inilagay sa may braso niya.
YOU ARE READING
The Nights (Epistolary)
Teen Fictionedit ko to promise, tinatamad pa lang me HAHAHAHAHA