January's POV
April, 1988...
Gabi noon at may trabaho nanaman si Carissa.She's Beautiful, talented and charming. At the age of 15 nag tratrabaho na siya. A decade later she met someone that will make her world at peace.
That night she feels free from her cage.
She feels safe and loved. She really do her work well kaya satisfied rin ang customer niya.
"Nakapag college ka ba?" Tanong nung lalake habang binobotones ang kanyang damit.
"Hindi na po Sir." Maikling sagot niya habang sinusuot narin ang kanyang damit.
"Do you have a phone?" Tanong niya.
"Opo meron naman." Sagot ni Carissa.
Fastforward>>
After 1 year nagkita ulit sila at nabuo na ako.
Yes, I'm telling you how my mother and father met.
Ganito man ang trabaho ng Mama ko. I'm still proud of her and love her.
Pagkatapos kong mag isang taon nasundan na agad ako ni February the most beautiful among us. Nang tatlong taon na ako nasunda ulit.
At habang pinag bubuntis ni Mama si March bigla na lamang niyang nalaman na may pamilya pala si Papa. Paano ko nalaman? Sinabi samin ni Mama ang kwentong yan ng may isip na kami. Kaya naghanap buhay nanaman si Mama mag-isa para samin.
Hanggang sa naipanganak na si March, saktong buwan rin ng March. Bumalik nanaman si Mama sa pagiging "babaeng nagbibigay ng aliw" at isang araw may nakilala nanaman siya Engr. naman. Wala pa kaming kamuang muang noon at nadagdagan nanaman kami. Hanggang sa iniwan nanaman siya.
Pumalit naman isang lawyer inanakan nanaman siya at ganoon ulit. Ewan ko ba kay Mama kung anong ginagawa niya sa buhay niya. Balak niya atang kumpletuhin ang kalendaryo.
Hindi nga ako nag kamali kinumpleto nga.
Ang pinaka huli niyang naging kasama ay isang sundalo. Sa wakas wala ng sabit at mag papakasal na sila at mayroon narin silang tatlong anak si October, November at ang dala ngayon ni Mama si December.
Kaso nga lang isang araw nabalitaan nalang namin na nabaril si Tito Theodore. Kaya nawalan nanaman si Mama na katuwang na mag tataguyod samin.
"Uy ate nakatulala ka nanaman diyan sa family picture natin." Sabi ni February.
"Kulang pa si December dito." Tugon ko.
"Malapit narin manganak si Mama noh ate. Kamusta naman puso mo?" Pang aasar pa niya.
"Tumigil ka diyan February." Banta ko at inirapan na lamang siya.
Palibhasa itong babae na toh may boyfriend na talagang pinaglalaban siya. Edi SANA ALL.
"Mag hihiwalay rin kayo." Wika ko sa kanya bago ako pumunta sa kwarto namin para kunin ko yung bag ko.
"Bitter lang kasi lovelife mo ate." Ganti pa niya.
Ambilis din pala ng panahon... Parang nung kelan lang.
Ako nga pala si January Dela Vegas, 21 years old simple, responsable at mapag mahal na anak at ate. Mahirap maging panganay mas lalo na kung labing-isa ang kapatid mo. Sana naman tumigil na kakaanak si Mama. Apat na lalake ang pumasok sa buhay niya. Dahil ako ang panganay kaya napag desisyunan ko dati na patigilin na si Mama sa pagpasok niya sa club kahit buntis kasi nag e-extra parin. Tumigil muna ako ng isang semester para ako naman ang mag trabaho para sa amin.

BINABASA MO ANG
Choose Me, January
Jugendliteratur[On-Hold/ Unedited] Si January ay isang responsableng anak at ang panganay sa labing-dalawang babaeng magka- kapatid. Namulat siya sa hirap ng buhay kaya nagkusa siyang tumulong sa mga pang tustos sa pangangailangan nila. Dumating si Ace sa buhay ni...