After mag announce ni Sir Willy tungkol sa gaganapin naming Christmas Party sa Martes, inayos na namin agad yung buong restaurant bago nagsi uwian.
Oh sh*t bukas na pala yung simbang gabi mabuti maaga kaming pinauwi ngayon.
Pagkarating ko sa bahay dumirestyo na agad ako sa c.r para maglinis ng katawan bago matulog.
"Oh anak napaaga ka ngayon ah." Wika ni Mama pagka labas ko ng banyo.
"Opo Ma, birthday kasi ni Sir. Willy ngayon. Anong oras na Ma ah bakit gising ka pa?" Wika ko habang binobotones ang pang itaas kong pang tulog.
"Sumisipa si December anak eh. Gusto na atang lumabas." Mahinang wika ni Mama.
Agad akong nataranta at sisigaw na sana sa mga kapatid ko ng pinigil akong mag salita ni Mama.
"Biro lang anak. Iinom lang akong gatas." Masayang wika ni Mama at nag peace sign pa.
Napa bugtong hininga na lamang ako. Paano kaya reaksyon ko pag manganganak na talaga si Mama.
Hinintay ko munang maubos ni Mama yung gatas niya at makabalik sa kwarto bago ako pumasok sa kwarto ko at nag pahinga.
Nag paalam ako ng 3a.m. at ipinikit ko narin ang mata ko.
---
Kinabukasan..."Ate gising na kanina pa alarm ng alarm yang phone mo. Ikaw nalang hindi nakakapaligo malalate na tayo sa Simbang Gabi." Bulyaw sa akin ni March.
Ay potek... Oo nga pala.
Pagkabangon ko agad akong napahandusay sa lapag ng kama ko. Nakita ko ang pag pigil ng tawa ni March at tinulungan niya na akong makabangon.
Pag labas ko ng kwarto nakabihis na nga silang lahat ako nalang hinihintay. Takte.
Pagkalipas ng 10 minuto natapos narin akong maligo at 3:30a.m. na.
Nasa hapag kainan narin ang mga kapatid ko pati si Mama. Si February ang nagluto ngayon ng almusal.
'Sana masarap luto niya. Jusko broken parin itong kapatid ko na ito eh.' Wika ko sa isipan ko.
Agad akong tumungo sa upuan ko at saktong natapos nrin ng pagluluto si February. Pagkalapag niya ng niluto niya nag tinginan nalang kaming mag kakapatid.
"Oh bakit ganyan mga itsura niyo. Niluto ko yan ng maayos huwag na kayong maarte diyan." Malakas na wika niya.
"Maayos na pala ang sunog ate." Pang aasar ni May.
"Uy ang judgemental niyo ah. Makakain pa yan." Pag depensa ni February at kumuha siya ng tinidor tumusok ng isang hotdog at sapilitan itong nilunok.
"Oh tignan niyo buhay pa naman ako. Kain na malalate na tayo sa Simbang Gabi." Pag papaalala niya.
Agad na kaming nag si tusok ng hotdog at kumuha ng over toasted bread at kinain.
'Ang pait talaga grabe.' Wika ko ulit sa isipan ko.
Pati kapatid ko napangiwi nalang rin sa pait at sapilitang nilunok. Laman tiyan parin ito sayang.
Pagkatapos namin magsi almusal agad kaming nag toothbrush, nagpolbo at pabango bago maglakad papuntang simbahan.
Mabuti na lamang at malapit lang dito sa bahay namin ang simbahan. Pagpasok namin sa loob lahat kami ay nakatayo na. Nakapila narin sa labas ang mga sakristan at si Father.
Fastforward>>
Kinabukasan...
Agad kaming na excuse para sa final practice at pahinga namin para sa Liga Kolehiyo gaganapin sa Lunes(December 19,2011)
To be continued later...
11/14/2020

BINABASA MO ANG
Choose Me, January
Fiksi Remaja[On-Hold/ Unedited] Si January ay isang responsableng anak at ang panganay sa labing-dalawang babaeng magka- kapatid. Namulat siya sa hirap ng buhay kaya nagkusa siyang tumulong sa mga pang tustos sa pangangailangan nila. Dumating si Ace sa buhay ni...