Prologue

36 7 0
                                    

Love brings us happiness...

Ang hirap maging panganay mas lalo na kung labing-isa ang kapatid mo. Like hello, don't judge my Mom. Napaka-bait, mapagmahal at responsableng ilaw ng tahanan. Binubuhay niya kaming labing-dalawa ng mag-isa.

---

"Ace tara McDo tayo..." Aya ko sa boyfriend ko.

"Sige sige wait lang tapusin ko lang itong plates ko." Sagot niya sakin.

"Sana All magaling mag drawing." Puri ko sa kanya.

"Sana all ka dyan ako din mag dradrawing ng bahay natin noh." Pambibiro niya.

Sana nga Ace kung babalik tayo sa ganoon pagkatapos ng araw na ito.

'Sorry Ace... Sorry.' wika ko sa aking puso.

After an hour...

Dumating na kami sa mall. Inalalayan niya akong bumaba ng jeep.

'Mamimiss ko ito Ace...' sambit ko sa aking isipan.

Dumirestyo na muna kami sa Watson's.

"McDo sabi ko Ace hin-" pinigilan niya ako mag salita ng ilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Shhhhh... Bibili lang ako ng facial cream ko okay . Gutom ka na ba babe?" Wika niya.

"Gwapo  ka na Ace hindi mo na kailangan mag facial." Mahina kong bulong.

It really hurts Ace... Mas lalo ng tuwing tinatawag mo akong babe.

"Sige na bumili ka na diyan. Daan lang ako sa women's section ah." Paalam ko.

'Mas pinapahirapan mo lang ako Ace.' wika ko sa isip ko.

Tumungo na nga ako sa Women's section at nakatulala lang. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung ilang minutong lumipas na nakatingin lang ako sa cute na sanitizer sa harapan ko.

"You want that babe?" Biglang tanong ni Ace at natauhan ako sa pag ka tulala ko.

"Ah hindi babe... Let's go na?" usal ko.

'Mamimiss ko pang spoil mo sakin na parang anak mo.' kung pwede ko lang itong sabihin sa iyo Mahal ko.

"Just wait for me outside bayaran ko lang toh." Wika niya at tumango na lamang ako bilang tugon.

Pagkatapos niyang lumabas sa Watson's dumirestyo na kami sa McDo.

"What do you want babe?" Tanong niya.

'Let's break up, Ace.' wika ko sa isip ko.

"Sundae and Fries lang sakin babe." Tugon ko.

Tumango lang siya at nag order na. Pumunta na ako sa upuan sa may dulo kung saan kaunti pa lang ang tao. Nag palinga-linga si Ace sa kakahanap sakin kaya kinawayan ko siya.

Habang papalapit siya parang bumabaon ako sa kinauupuan ko.

Sorry Ace...

Agad kong inubos ang sundae at fries ko para makasalita na.

"Ace... Lilipat ako ng school." Mahinang wika ko.

"Ha? Bakit babe? Diba may Scholarship ka sa school?" Tugon niya sakin

"Pinapalipat ako ni Mama eh. Educ nalang daw kunin ko." Sabi ko.

"Sayang naman first sem mo sa Legal Management babe. Sure na ba yan?" Nag aalalang tanong niya.

"Oo..." Simpleng tugon ko at napainom siya sa coke float niya.

"Ace... Tapusin na natin toh. Hindi narin kita mabibigyan ng time mag woworking student narin ako." Mahinang wika ko.

"What the... January ano ba sinasabi mo?" Medyo napalakas ang boses niya.

"Mahalaga mga kapatid ko Ace. Pag aaralin ko pa yung mga bata kong kapatid." Pagpapaliwanag ko.

"Then why are you breaking up with me?" Mangiyak- ngiyak na tanong niya.

"I can't choose both Ace... Sorry." Wika ko at inayos ko na ang shoulder bag ko.

"Choose Me, January." Sabi niya.

Paano kita pipiliin? Paano ang mga kapatid ko?

"Sorry Ace... Let's end this." Malamig kong sabi sa kasintahan ko.

Hindi ko na siya hinintay pang makapag salita at umalis na ako.

Hindi pa pwede Ace...

Sorry... Hindi pa kita kayang piliin.

Sana mahintay mo ko.

Pagka labas ko ng Mall agad bumuhos ang ulan.

"Kung makikiramay ka naman sana pinagdala mo ako ng payong." Sigaw ko sa mga ulap habang ako ay nakatingala.

Biglang gumihit ang kidlat sa itaas kaya napasigaw na lamang ako. Agad akong bumalik sa silong ng Mall para magpatila ng ulan.

"Ano ka ba naman January... Tignan mo ginagawa mo." Iritang wika ko sa sarili ko habang pinapagpag ko ang pula kong bistida.

Kinapa ko ang bulsa ko para tignan kung may laman pa wallet ko.

"Kung hindi ba naman ako siniswerte wala ring laman..Anak ng.." Mahinang usal ko at natigil ito ng biglang may nag abot sa akin ng payong.

Agad umalis yung nagbigay nito sa akin at nagpaka basa sa ulan. Agad kong binuksan yung payong at hinabol siya.

"Teka lang uy... Sayo n--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng lumingon yung nag bigay.

"Sayo na yan. Sa susunod mag dala ka ng payong kung alam mong madilim ang ulap." Malamig na wika niya sa akin.

"Paalam." Dagdag niya at tuluyang nakatawid na sa may waiting shed.

"Ace... Mahal kita paalam." Mahinang wika ko at napako parin ang mga paa ko sa gitna ng daan habang siya ay nakalayo na ng tuluyan sa akin.

At doon tuluyang nag hiwalay ang landas namin ni Ace.

October 23,2007- 2:30p.m.

---

Love is Full of Sacrifices...

Bawat hakbang ng aking mga paa, tila ba isang barena na naghuhukay sa ilalim ng lupa.

Bakit ko ba ginawa ito?

Bakit ko ba pinili ito?

Bakit ganito ako?

Bakit ko siya hiniwalayan?

Bakit?

Lumipas ang mga araw at linggo. Enrollment na namin ng second semester at hindi ko man masilayan si Ace bago ko lisanin ang school naming ito. Kung sabagay napaka laki ng University na ito.

'Pero tadhana baka naman kahit saglit lang.' usal ko sa aking isipan.

Bago pa ako makalabas ng gate kasama ang mga papers ko. Tumingin ako sa paborito naming tambayan ni Ace. Yung puno ng mangga kung saan doon kami madalas mag hintayan habang may mga klase pa kami.

Kumurap pa ako para alamin kung totoo ba ang nakikita ko.

Malungkot na nakatingin sa akin si Ace ng biglang may yumakap sa kanyang babae at hinalikan siya. Agad akong tumalikod at binilisan ko ang lakad ko paalis sa University na iyon.

Ang tanga mo kasi January. Bakit mo pa kasi hiniwalayan mag LDR nalang sana kayo.

Salamat sa lahat Ace sana maging masaya ka na...

Kahit sa piling na ng iba.

09-16-2020

Choose Me, JanuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon