Chapter 4

10 5 0
                                        

Ace's POV

Apat na taon ng nakalipas pero bakit habang tinititigan ko siya bumibilis parin ang pintig ng puso ko.

Oo, si January parin ang mahal ko. Wala ng iba.

October 23,2007

Hindi ko makakalimutan ang araw na yan.

Gumagawa akong plates ko noon dahil nga mag sembreak na kami. First year College palang kami noon.

Biglang pumunta si January sa condo ko habang nakasuot ng pulang bistida.

She's Beautiful inside and out. Legal Management ang kinuha niya kasi nga gusto niyang maging abogado someday. Siya ang panganay sa labing-dalawa na babaeng mag kakapatid. Alam ko ang hirap niya magsimula pa noong dati siyam palang sila noong mag hiwalay kami pero ngayon mag labing-dalawa na.

Napakabait niya at mapag kumbaba, mapag- alaga at mapag- mahal. Gagawin niya ang lahat para lamang sa mga kapatid niya kahit na siya ang nahihirapan.

She loves singing and playing chess. Dahil nga sa kanya natuto akong mag chess.

So ayun nga pumunta si January sa condo ko noon wearing red simple dress na may kakaibang ngiti. May problema siya alam ko. Kilala ko na siya eh magsimula noong grade 6 kami habang nasa camping napansin ko na lahat ng katangian niya.

She hide her sadness with her smile. Yung kahit nahihirapan na siya nakangiti parin siya. Hindi niya alam na napansin ko na sa kanya iyon dati pa. Nagpanggap akong walang alam pag malungkot siya para hindi na madagdagan problema niya.

Pagkapasok niya sa condo ko tinitignan niya lang akong nag dra-drawing na nangingilid ang mga luha sa mata niya. Potek hindi ako maka-drawing ng maayos ano kayang problema niya?

"Ace tara McDo tayo..." Aya niya sa akin.

'Shoot parang napanood ko na ito sa commercial.' usal ko sa isip ko

"Sige sige wait lang tapusin ko lang itong plates ko." Sagot ko.

'Pero paano ko ito tatapusin kung nakikita kong may problema ka nanaman.' usal ko ulit.

"Sana All magaling mag drawing." Puri niya na may mapait na tawa.

'Shit huwag ka naman ganyan January.'bulong ko ulit.

"Sana all ka dyan ako din mag dradrawing ng bahay natin noh." Pambibiro ko pero kaya kong totohanin basta ako lang ang una at huli mo January ha. Hindi ko kayang gawan ka ng bahay na kasama ang ibang lalake sa piling mo.

Makalipas ang isang oras na paghuhula ko sa problema niya tinigil ko na ang pag drawing ko. T*ng!n* hindi ako maka drawing bilog lang ako ng bilog dito. Bukas pa naman na ang deadline nito.

Inaya ko na siyang umalis. Sumakay kami sa jeep para matagal pa kaming magkapiling.

Hindi ko binibitawan kamay niya kahit na nag aabot kami ng mga bayad ng mga pasahero.

Dumating na kami sa mall. Inalalayan ko siyang bumaba ng jeep.

Ayokong dumirestyo sa McDo hindi ko pa kaya. Alam ko ang gagawin niya.

Kaya nag isip ako ng paraan para humaba pa ang oras namin magkasama.

Dumirestyo na muna kami sa Watson's.

"McDo sabi ko Ace hin-" Pag dadabog niya ngunit pinigilan ko siya mag salita ng ilapat ko ang hintuturo ko sa labi niya.

"Shhhhh... Bibili lang ako ng facial cream ko okay . Gutom ka na ba babe?" Wika ko na may mapait na ngiti. Buti hindi niya napansin.

Choose Me, JanuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon