Pagkadating namin sa dinning room masayang nakatingin samin sila Mommy at Daddy pati parents niya.
"So,tuloy na talaga ang engagement Son?" Tanong sakin ni Mama.
"We need to know each other muna Mom. So I'm suggesting na we live together sa province nila Mamita without your control." Mahinahong kong tugon bago ko pinaupo si Phoebe sa upuan niya.
Nakita ko ang pag iba ng expression ng mga mukha nila. Kaya nagsalita akong muli.
"If you all don't agree to what I suggest. Then no engagement will happen." Seryoso kong sabi at napatingin sakin si Phoebe.
"Hijo are you sure you want to live together? I'm just concern to my daughter. What if she got pregnant?" Biglang sabi ng Mommy ni Phoebe.
"I know my place Tita. I'm mature enough to know what's wrong and right. I'm not into pre-marital sex so don't bother yourselves thinking anything." Deretsyo kong sabi kaya sabay-sabay silang nakahinga.
"And we already talked about it a while ago. We both agree with it." Dagdag ko.
Then we all eat on silence ng biglang nag salita si Daddy.
"Kelan mo balak na magsama kayo Ace?" Mahinahong wika niya.
"Well, after she graduated." Tugon ko while looking at Phoebe. She just gave them a sweet smile.
"Okay. But we will give you an allowance para pag naisipan niyong kumuha ng mga maids, kayo na ang bahala magpasweldo." Sabi ni Daddy.
We just nod and continue eating.
---
After ng dinner umuwi narin sila Phoebe.
"Are you sure Son you're going to live together? I thought you love January then you suddenly decide that?" Tanong sakin ni Mommy.
"I'm sure with it. Bakit sa punto mo Mom parang ayaw mo naman pala yung engagement, pero pinipilit niyo naman sakin." Tanong ko rin sa kanya.
"Well, I'm just testing you if you're lying or not. Go take a rest na babalik ka pa sa province bukas. Please tell your uncle Willy na hindi kami makakapunta ah marami kaming appointments bukas ng Daddy mo." Bilin ni Mama. I just nod my head and go to my room and rest.
---
Kinabukasan...
2a.m. palang ginising na nila ako. Uuwi na kasi ako kila Mamita at may pasok pa ako mamaya kaya kailangan ko ng makabalik.
---
Pagkarating namin kila Mamita I took a bath before preparing my things pang school.
"You don't want to take a rest muna Apo? Kakauwi mo lang kulang ka pa sa tulog." Wika ni Mamita.
"I already slept on the van Mamita. That's enough for me. Got to go... Your promise Mamita mamaya ko na tatanungin." Pagpapaalala ko sa kanya.
Tumango lang siya at hinintay na niya akong makalabas. I just waved my right hand and give her flying kiss.
Pagkarating ko sa school agad pinaalala sakin ni Icarus yung magaganap mamaya.
"Bro, you know I can't go sa restaurant niyo diba for sure nandoon si January. Make an excuse na lang hihintayin ko nalang kayo sa Mansion okay." Tugon ko sa kanya.
Hindi pa ako handa na makita ni January. This is not the right time. Marami pa akong gustong gawin para sa pag babalik ko sa kanya.
My comeback will be memorable to her.
...
January's POV
Ngayong araw ang Birthday ni Sir Willy at magkakaroon nanaman ng celebration sa restaurant. Lahat kami ay invited kaya napag isipan namin mag ambagan para sa ireregalo namin sa kanya. Pinag isipan namin kahapon kung anong ireregalo sa kanya. Alam naman naming kaya na niyang bilhin ang mga gusto niya.
Pagsapit ng gabi nagdatingan narin ang mga kakilala nila Sir. Willy nakita ko nanaman si Mamita Philomena. Kahapon lang magkausap kami umalis daw kasi yung paborito niyang apo kaya wala siyang makausap. Hindi ko na nga natanong kay Mamita yung pangalan ng apo niya pero baka si Sir Icarus lang iyon.
Nagdatingan pa ang mga iba't ibang magagarang mga sasakyan sa labas kaya mas lalo kaming naging busy para sa pag hahanda ng mga pagkain.
Bigla akong tinawag ni Mamita mula sa kitchen.
"Mamita bakit po?" Tanong ko sa kanya.
"May dala akong pamalit mo Apo mag day off ka muna ako ng bahala kila Willy." Wika ni Mamita sakin hindi ko alam isasagot ko.
"Ma, nandyan ka lang pala. Anong gagawin mo kay January? Nasaan nga pala si Alas?" Sabi ni Mam. Paloma
Alas? Sino yun?
'A-ace!?'usal ko sa isip ko.
"Hindi pa nga bumabalik sa mansion yun pagkatapos ng klase niya kanina baka nasa Mansion niyo na siya. Alam mo naman yun ayaw sa social gatherings." Tugon ni Mamita.
'Ayaw sa social gatherings!?' bakit parehas sila.
"Nga pala ipaalam ko muna sa iyo si January. Day off niya muna ah siya muna aalalay sa akin." Dagdag ni Mamita.
"Sure Ma. Oh I have to go kinakawayan na ako ni Willy." Usal ni Mam. Paloma
Mabilis lang lumipas ang oras matapos ng salo-salo at pagbibigay ng regalo kay Sir. Willy nagsi uwian na ang mga bisita.
"Mamita paano ko po ibabalik itong dress sa iyo?" Mahinang tanong ko.
"Pumunta ka nalang samin sa bisperas ng bagong taon ipapasundo na lang kita sa bahay niyo." Wika niya.
"Per-" naputol ang pagtutol ko.
"Wala ng pero pero mag tatampo ako sa iyo pag hindi ka dumalo sa amin." Malungkot niyang sabi sa akin.
"Sige mauuna na ako January." Pag papaalam niya sa akin.
Kumaway nalang ako pagka akyat niya sa van niya.
Papunta ako sa kitchen ng narinig ko ang boses ni Sir. Icarus na may kausap sa phone.
"Umiiwas ka nanaman bro. Antagal mo naman mag pakita sa kanya." Pang aasar niya
Lumapit ako ng kaunti para marinig ko yung sagot nung kausap niya ng bigla kong nabunggo yung vase.
"Sh*t" usal ni Sir. Icarus
Habang ako naman ay nakatulala lang sa nabasag na Vase.
[Bro ano yung narinig ko?] Sigaw nung lalake na nasa phone.
"Si January" Wika tugon niya bago niya inend yung call.
"So-sorry po Sir. Hindi ko po sinasad-" pinigil niya akong magsalita.
"Ako ng bahala dito aakuin ko na itong nabasag huwag ka nalang maingay ha. Punta ka na sa kitchen may sasabihin daw si Daddy sa inyo." Utos ni Sir Icarus.
"Salamat po Sir. Utang ko po iyan sa iyo." Mahinahong wika ko.
Agad kong tinungo yung kitchen dahil nakita ko narin papasok na doon sila Mam. Paloma at Sir. Willy na nakangiti.
11/03/2020
![](https://img.wattpad.com/cover/241081811-288-k922751.jpg)
BINABASA MO ANG
Choose Me, January
Ficção Adolescente[On-Hold/ Unedited] Si January ay isang responsableng anak at ang panganay sa labing-dalawang babaeng magka- kapatid. Namulat siya sa hirap ng buhay kaya nagkusa siyang tumulong sa mga pang tustos sa pangangailangan nila. Dumating si Ace sa buhay ni...