Chapter 2

17 5 0
                                    

Pagkaalis ni Ace sa campus bumalik na sa normal ang lahat na may pag kadismaya at inggit sa kanilang mga mukha.

Narinig ko pa ang mga bulungan sa hallway na

“Ang gwapo nung lalake noh. Pero yung babae parang lusyang na. HAHAHAHAHA.”

“Ginayuma ata nung babae yung guy noh. Hindi sila bagay.”

“Nakakapang hinayang yung lalake sis. Walang taste sa babae.”

“Ang kapal nung babae noh siya pa ang nagtago sa lalake. Like duh feeling maganda siya.”

Nagulat ako ng biglang may biglang humila sa akin paalis sa hallway.

“Bes huwag mo ng pansinin yung mga inggiterang iyon. Maganda ka noh inside & out.” Pag papakalma sa akin ni Bes.

Ay tae bakit nag blurred na ang paningin ko.

“Bes nandito lang ako kung papatulan natin yung mga babae na iyon mapapaaway lang tayo ng malala.” Pag papaalala sa akin ni Bes.

I’m so lucky to have this girl.

Magsimula ng lumipat ako dito, siya na ang naging kaibigan ko.

Umulit ko sa First Year bilang BS in Secondary Education Major in Mathematics.

Kagaya ng paalam ko kay Ace noong maghiwalay kami tinalikuran ko na ang pangarap kong maging  abogado.

Pumunta na kami sa First Class namin ngayong araw.

Pagkadating namin sa room agad akong pinag titinginan ng mga ka-block ko. Napansin ko rin ang mga bulungan nila habang nag lalakad ako sa harapan nila.

“Congrats January may pumapatol pala sa iyo.” Sarkastikong wika ni Nami sabay punta sa likuran para umupo na

“Bes ang gwapo ng jowabels mo ah parang artista lang ang dating kanina ah. Kung ‘di ka lang niya nilapitan kanina baka nag da moves na ako sa haraapan niya.” Tuwang tuwa na sabi ni Bes.

Napasapo na lamang ako sa noo ko.

“Bes naman ang ingay mo diyan.” Mahinang bulong ko sa kanya habang nakatingin sa mga matang nanlilisik na mula sa mga ka-block namin.

“Bes anong course niya ba?” Bulong narin sa akin ni Bes.

“Architecture. Ewan ko ba bakit yun ang napili niya iyon, samantalang alam niyang yun ang trabaho ng Ama ko.” Pabulong kong sabi.

“Woah! Architect pala siya in the future. May discount rin ba kami pag sa kanya nag pa design ng bahay? “ Singit ni Nami.

“Aba! Kailangan mo bang makinig sa usapan namin dyan bruhilda?” Sarkastikong wika ni Bes.

“What did you just call me?” Iritang tanong niya.

“Kelan ka pa naging bingi Nami?” Natatawang usal ni Bes.

“Tss. WHATEVER!” Sagot nito with matching irap pa.

Agad siyang lumabas sa room at nakita kong may tinawagan siya.

‘Request Backup bruhilda?’ Nakangisi kong usal sa aking isipan.

“Huwag mo ng pansinin yung bruhilda na yan.” Wika sakin ni Bes

Lumipas ang kalahating oras....

"Mukhang vacant nanaman natin Bes." Sabi sakin ni Carmen.

"Siguro nga Bes." Tugon ko.

"ANNOUNCEMENT: ALL THE PARTICIPANTS OF LIGA KOLEHIYO PLEASE PROCEED TO THE COVERED COURT RIGHT NOW. I REPEAT,ALL THE PARTICIPANTS OF LIGA KOLEHIYO PLEASE PROCEED TO THE COVERED COURT RIGHT NOW. THANK YOU."  Biglang narinig naming announce sa speaker ng building namin.

Choose Me, JanuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon