January's POV
Marami nanamang customer dito sa Willy's. Dates, family dinner, business meeting at mga single na may naaalalang moments dito sa Willy's.
Marami ng mga suki dito sa Willy's minsan may mga proposal, birthdays, engagement party at break ups na nagaganap dito. Mataas naman kasi ang quality ng mga pagkain dito may pa piano pa para sa mga customers.
Masasabi ko din pang mayaman talaga itong Willy's eh. Pero may mga meals naman silang affordable ng iba.
May grill foods section, cafe section, street foods at classic section. By that masasabi kong malaki talaga itong Willy's, malapit narin mag holidays mas marami pang customer nun.
Pagkatapos ng shift ko binilisan kong umuwi. Pero bago pa ko makarating sa bahay may nakita akong BMW sa harap ng bahay at ibinaba ng nakared na polo si February.
Sino kaya yun? Bagong jowa ng kapatid ko? Bakit parang lasing si February?
Nang tumingin sakin yung driver nagulat ako dahil si Sir. Icarus yun anak nila Sir. Willy at Mam. Paloma sila yung may ari ng Willy's.
Pagkapasok ni February sinabihan ni Sir Icarus yung lalakeng nag hatid kay February. Pinatay nila yung ilaw sa kotse ng tumingin ito sa akin. Sino ba yun?
Pagkabukas ng ilaw wala na siya. Hala namamalik mata ba ako? Sino yun? Hala baka multo.
Nagmadali akong pumunta sa bahay at hinihintay ako ni Sir. Icarus sa harap kaya agad ko siyang binati.
"Good evening po Sir. Icarus" Bati ko at ngumiti pa ko sa kanya ang pogi niya ah.
Ngumiti din siya sa akin at sumagot ng "Good evening din Insan." Narinig kong may sumigaw sa Bluetooth earphones niya.
"Ay sorry January kausap ko kasi pinsan ko. Hehe. Good evening din. Kausapin mo kapatid mo brokenhearted eh. Buti nagkita sila nung pinsan ko kung hindi baka naiuwi na siya ng ibang lalake. Sige alis na ko." Paalam niya at sinarado na niya yung bintana ng kotse niya.
"Salamat po sa inyo Sir. ng pinsan mo." Wika ko at kumaway dahil umalis na ito sa harapan ko at umikot siya at sinundan ang pinuntahan nung pinsan niya.
Naestatwa na lamang ako sa harap ng bahay namin. Pinsan niya pero bakit umalis agad hindi ko man tuloy napasalamatan.
Sino kaya yun?
Pagkapasok ko sa bahay nakita ko agad si February na nakasalampak sa may sahig namin na umiiyak.
"Ate nag dilang anghel ka hiwalay na kami ni Benedict. Nakita ko siyang may kahalikang babae tapos sabi niya mas mahal niya daw yun." Sigaw sakin ni February.
Natigilan nalang ako sa sinabi niya. Naalala ko yung nangyari samin ni Ace nung huli namin pagkikita. May humalik din sa kanyang babae. Mahal niya kaya yun? Sila parin kaya?
"Ate naman bakit umiiyak ka narin. Pangit ba ako ate? Mabaho ba ako? Anong kulang sa akin?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Shhhh... Ikaw ang pinaka maganda sating magkakapatid, hindi ka mabaho at walang kulang sayo. Siya lang talaga ang hindi nakuntento para palitan ka niya. Walanghiya yang Benedict na yan ang ganda pa naman ng pangalan." Tugon ko sa kanya.
"You know ate. Ang swerte mo kay kuya Ace." Bigla niyang sabi.
"Bakit naman siya napasok sa usapan natin February?" Nagtatakang tanong ko.
"He really loves you until now. SANA ALL. " Mapait na ngiti sa mukha niya na winika niya sakin.
"Ano bang sinasabi mo February? Lasing ka lang. Halika na ipupunta na kita sa kwarto mo." Wika ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/241081811-288-k922751.jpg)
BINABASA MO ANG
Choose Me, January
Fiksi Remaja[On-Hold/ Unedited] Si January ay isang responsableng anak at ang panganay sa labing-dalawang babaeng magka- kapatid. Namulat siya sa hirap ng buhay kaya nagkusa siyang tumulong sa mga pang tustos sa pangangailangan nila. Dumating si Ace sa buhay ni...