PROLOGUE

115 11 0
                                    

Flashing lights. Screaming fans. The undeniable tension rising through the atmosphere.


"JL, tingin ka naman dito!"

"JL, ngiti ka naman!"

"JL, what can you feel for today's match?"

"JL, are you excited for your rival match today?"

"JL, what can you say now that you're having a match against your greatest rival, Angelo Rivera?"


Pagbaba ko pa lang mula sa kotse, 'yan na kaagad ang narinig ko mula sa mga fans at reporters. Akala ko maiinis ako pero mas nangibabaw ang pagkasabik ko sa larong 'to habang papasok ako sa loob ng arena. 


Dalawang oras pa bago magsimula ang laban pero halos mapuno na ng mga fans ang buong arena. Kitang-kita mula dito sa kinatatayuan ko kung sino ang mga sumusuporta sa akin at sa kanya. 


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang papalapit siya sa akin ー kaba, pagkasabik, takot, o sakit?


Hindi ko inakalang makikita ko siyang muli pero andyan na siya. Nilagpasan niya ako nang mawala ako sa napakagwapo niyang mukha. Wala siyang pinagbago sa loob nang dalawang taon naming hindi pagkikita.


Alam kong nakita niya ako.


Nakita din kita, Troy.

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon