CHAPTER 9

11 2 1
                                    

JL


Nang maghiwalay ang aming mga labi ay wala ni isang nagsalita sa aming dalawa sa loob ng ilang minuto. Pareho kaming nanahimik at tumingin sa malayo. Parehong gulat sa nangyari ngunit sa loob ko, alam kong nagtatalo ang saya at guilt dahil sa nangyari. 


Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita upang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "N-noong gabing 'yon, hindi ko talaga ginusto 'yon pero wala akong magawa dahil kailangan kong panindigan ang desisyon ko." sabi niya. Tinitigan ko naman siya habang naguguluhan dahil ko alam kung saan nanggaling ang mga ito.


Inisip ko namang mabuti kung sino ang kanyang tinutukoy at nang maalala ko ay tumango ako. "It all happened because of her. Sabi pa niya, kung hindi niya ako makukuha, wala daw makakakuha sa akin. Cliché ano? Parang pelikula. Akala ko nagbibiro lang siya pero knowing her, once she says that she'll do it, she'll really do it." pagkukuwento niya. 


"She told me that sasabihin niya raw sa pamilya ko yung relasyon natin. She was willing to destroy my relationship with my family for the sake of keeping us apart." pahabol niya.


Napaupo naman ako sa gulat nang marinig ko ito. Kilala ko ang pamilya ni Troy at alam kong malaking gulo ito kung sakaling nalaman nila. Hindi ka pala talaga dapat tumingin sa isang bahagi ng kwento lamang. Maraming version at sides ang isang istorya. Minsan kung ano lang ang nakita natin ay 'yun lang ang pinaniniwalaan natin kaya madalas, maraming hindi pagkakaunawaan.


Dalawang taon niya ring kinimkim ang katotohanan mula sa nangyari noong gabing 'yon. Sa loob ng dalawang taon, paano niya kaya nagawang bitbitin ang lahat ng ito?


Pinunasan niya ang kanyang luha bago nagsalitang muli. "Hindi ko hinihingi ang kapatawaran mo dahil alam kong nasaktan kita. Pero sana, maintindihan mo kung bakit ko nagawa ang ginawa ko." sinabi niya at lumingon sa akin.


"Matagal na kitang napatawad, Troy. Kahit hindi mo hingiin, nagawa ko na. Baka nga kahit ulitin mo pa, mapapatawad pa rin kita. Wala eh, mahal kasi kita." sinabi ko naman sa kanya at natawa nang mapait.


-


"Good morning, athletes! It's our last day today! Excited na ba kayo para sa mga natitira nating mga activities?" pagbati sa amin ni Mari. Mahinang hiyawan naman ang itinugon ng mga kasama namin dahil ang iba ay inaantok pa.


"Mukhang kulang pa sila sa energy, partner!" sabi ni Sam. "Oo nga eh! How about some energizer?" wika ni Mari. "Tama! Dahil may iba pang inaantok sa inyo, magkakaroon tayo ng energizer!" dagdag pa niya.


Bigla namang tumugtog ang isang pambatang kanta at kasabay nito ay nagflash sa pader ang video ng steps na aming gagayahin. Kahit na tinatamad at walang enerhiya ang iba, tumayo pa rin sila dahil sa mga titig ng kanilang mga coach na kasama.


Habang ginagaya ko ang steps ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Troy. Kumpara kahapon nang una kaming magkita dito, mas naging maaliwalas na ang kanyang aura. Naramdaman ko ring nawala na ang pader sa pagitan naming dalawa. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya't tumingin din siya sa akin at nginitian ako.

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon