CHAPTER 4

28 5 0
                                    

GELO


Umaga na muli at nakita kong nakailang missed calls na pala si Coach Lyle sa akin. Kahit na pupungay-pungay pa ako ay nagmadali akong tawagan siya dahil mukhang importante ang dahilan kung bakit siya napatawag. Pagkatapos magring nang isang beses, agad na sinagot ni Coach ang tawag ko.


"Nasaan ka na ba? Ikaw na lang ang wala dito!" iritang sabi ni Coach sa akin. "Bakit po? Ano po bang meron?" inaantok kong sabi. "Ngayon ang team building niyo! Nakalimutan mo ba?" sabi niya sa akin. 


Napatingin naman ako sa orasan at napabalikwas dahil late na nga ako sa team building namin. "Hala, oo nga! Magda-drive na lang po ako papunta sa venue, Coach. Pakitext na lang po yung address!" nagmamadali kong sinabi bago ko ibaba ang tawag. Agad-agad akong tumakbo papasok ng banyo at naligo.


Hindi ko namalayang tumunog pala ang alarm ko kanina dahil ngayon nga pala ang team building na in-organize ng National Star Cup Tournament Association para ma-ensure na ang gagawing tournament ay hindi magiging mitsa ng mga away sa bawat teams. Hindi lang volleyball players ang mga kasama sa event na ito kundi pati na rin ang mga basketball players, cheerleaders, at iba pang student athletes ng mga sports na kasali sa NSCT.


Buti na lang ay naayos ko na ang gamit ko kagabi kaya't mabilis ko na lang itong kinuha at isinakay sa kotse. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Mama at Ate Pat dahil unti-unti nang tumaas ang sikat ng araw. Mag-aalas otso na rin pala kaya nagsisimula nang sumikip ang daanan. Saktong kumalam ang sikmura ko nang may tumawag sa akin.


"Hello? Sino 'to?" panimulang bati ko. "Grabe, hindi mo pala nagawang i-save ang number ko." sabi ng nasa kabilang linya. "Sino ba 'to? Masyado pang maaga para sa prank call." sabi ko naman. 


Nako, 'wag niya akong sisimulan dahil unang-una, late na ako sa event. Pangalawa, traffic. At pangatlo, gutom na ako! "Chill, bro! This is Mikki. Have you forgotten me already?" sabi niya. Mikki? Si Claver na kababata ko? "Claver Jr.?" pagtatanong ko. "Yes, sir! The one and only." sabi niya naman. 


"Oh, tol! Kamusta? Bakit ka napatawag?" pagtatanong ko sa kanya. "I guess you haven't heard. I was late for the shuttle on the way to the event place. Coach Lyle told me that you were going to use your car. I was hoping that maybe I could get a ride from you." sabi niya. 


"Oh, okay sige. Nasaan ka ba? Dun ka pa rin ba nakatira?" pagtatanong ko. "Yep! But I'm here in the McDo near our house ordering some breakfast." sabi niya. 


"Ayos! Pasabay na rin ako. I'll pay you later." sabi ko sa kanya. "Noted. What's your order?" pagtatanong niya. "Whatever you're having. I'll see you in about 10 minutes." sabi ko at binaba na ang tawag. 


Sabi nga nila, everything happens for a reason talaga. Kung hindi siguro ako late nagising, hindi ko maisasabay 'tong si Mikki, kawawa naman. Buti na lang din at hindi naman ganun kalayo ang bahay nila mula sa amin.


Grabe, ilang taon na rin nga pala kaming magkakilala ni Mikki pero simula nang mag-high school kami, hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap dahil na rin siguro sa magkaiba naming taste sa mga bagay-bagay. Si Mikki kasi ang captain ng basketball team, ako naman sa volleyball team. Medyo nababad na rin ako sa theatre at iba kaya siguro hindi ko na rin siya nakakamusta.

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon