CHAPTER 6

25 6 1
                                    

(Author's Note: Warning! This chapter contains a PG-13 scene. Please feel free to skip this part if you are uncomfortable! 😊)


JL


Kahit kinutuban na akong may posibilidad na siya ang maging ka-roommate ko, iba pa rin pala kapag nasa harap ko na talaga siya. Ilang segundo naman akong napako sa aking kinatatayuan bago ko naisipang pumasok sa kwarto.


Agad akong dumiretso sa aking kama at nagkunwaring may inaayos para hindi ko makita ang kanyang mukha. Habang nagkukunwari akong mag-ayos ng aking mga gamit, nararamdaman ko ang maiinit niyang titig sa likuran ko.


"B-bakit nga pala hindi ka nagulat na a-ako yung roommate mo?" pagtatanong ko sa kanya.


Imbis na sumagot ay naramdaman kong tumayo siya at lumapit sa akin. "JL, namiss kita. I'm sorry." sabi niya at niyakap ako nang patalikod.


"Nakikinig ka ba? Sabi ko kasi napansin ko yung keychain sa bag mo." sabi niya naman. Ano ba yan, bakit ako nag-iimagine ng ganun? "A-ah, ganun ba." sabi ko naman, Nakakahiya. Ako yung naunang magtanong tapos hindi ko narinig kaagad dahil sa pag-iimagine ko. 


Sa sobrang hiya ko, naisipan ko na lang mahiga at pilitin ang sarili kong makatulog. "S-sige, matutulog na lang muna ako." sabi ko bago ako humarap sa pader at magtago sa ilalim ng comforter.


Lumipas ang ilang minuto at walang kumibo sa amin. Tanging tunog lamang ng aircon ang maririnig sa buong kwarto. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya dahil nagtatago pa rin ako sa ilalim ng kumot. Sandali nga, bakit ba ako nagtatago? Kriminal ba ako? Sa huling pagkakatanda ko, siya ang nanakit at ako ang nasaktan.


Napatigil naman ako sa pag-iisip nang bigla siyang napatikham. "JL?" pagtawag niya sa akin. Hindi ko alam kung nag-iimagine pa ba ako ulit kaya hindi muna ako sumagot. "Alam kong gising ka. Kanina pang hindi mapakali 'yang mga paa mo." sabi niya naman.


So ibig ba sabihin nito, kanina niya pa akong tinitingnan?


Tinanggal ko ang kumot at umupo nang tuwid nang hindi tumitingin sa kanya. "Bakit?" malamig kong sabi. Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga bago siya nagsalita. "JL, nung gabing 'yun–" naputol naman ang kanyang sinasabi nang makarinig kami ng katok mula sa labas.


"Kuya JL? Are you awake? Kanina ka pa namin tinatawagan ni Kuya Aki." narinig kong sabi ni Nate. Agad naman akong tumayo para buksan ang pintuan. "Bakit? Anong meron? Baka nakasilent ang phone ko kaya hindi ko narinig." sabi ko naman sa kanila. 


"Hindi mo ba muna kami papapasukin?" pagtatanong ni Akira. "Alam mo ikaw. Sige na, pumasok na kayo. Nakakahiya naman kay Sir Akira." sarkastiko kong pagkakasabi. Pumasok naman sila sa loob at tumango kay Gelo nang siya ay makita nila. 


"Ano bang meron?" pagtatanong ko muli. "Ah, yayayain ka lang sana namin maglibot sa labas. Dun sa may beach! Hindi kasi ganung katas yung sikat ng araw tapos malamig pa." pagkukwento naman ni Akira.

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon