CHAPTER 7

27 5 2
                                    

SPECIAL CHAPTER


Isang maulang umaga ang sumalubong kay Amy paglabas niya ng kanyang bahay. "Hay, umuulan na naman, parang ang sarap pa tuloy matulog. September na nga pala kaya bukod sa lumalamig na ay nagsisimula na ring umulan." naisip niya habang patuloy na naglalakad papasok sa eskwelahan.


Si Amy ay isang estudyante mula sa Brentville Colleges. Tinagurian siyang Angel Amy ng kanyang mga kapwa estudyante dahil sa kanyang mala-anghel na mukha at pag-uugali. Maraming tao ang humahanga sa kanya dahil bukod sa mga naunang nabanggit, isa rin siya sa mga kilalang magagaling na sumayaw at kumanta sa buong campus.


Nang makarating sa eskwelahan ay agad na nakita ni Amy ang kanyang kaibigang si Gelo. "Gelo!" pagtawag niya. 


Si Gelo ang pinakamatalik na kaibigan ni Amy dahil simula nang mag-aral siya sa Brentville, si Gelo lang ang tanging nagpakita sa kanya ng tunay na pagkakaibigan. Madalas kasi sa mga nakilala ni Amy ay ginagamit lamang siya dahil sa kaniyang mga talent o para lang maligawan siya.


"Wazzup, Ames? Anong meron?" masiglang bati sa kanya ni Gelo na itinupi muna ang binabasang script para sa kanilang play sa Disyembre. "Ah, wala lang nakita lang kita." sabi naman ni Amy bago umupo sa tabi ni Gelo. 


"Ikaw ha. Akala mo ba hindi ko nakita yung ginawa mo kahapon?" pang-aasar ni Gelo kay Amy. "Huh? May ginawa ako kahapon?" nagtatakang tanong ni Amy. "Sabi mo sa akin kahapon, uuwi ka nang maaga kasi masama pakiramdam mo." panimula ni Gelo at tumango naman si Amy. 


"Eh bakit kita nakita sa may clean-up drive ng kabataan kahapon?" pagtatanong ni Gelo kay Amy at sinamahan pa niya ng mapang-asar na tingin. 


"Ay, nakita mo pala. Hahaha, oo na wala akong sakit. Kinuha kasi nila akong representative kaya sumama ako. Buti nga hindi rin ako masyadong busy kahapon." pagkukuwento naman ni Amy. 


"Hay nako, ang cute mo talaga!" sabi ni Gelo at kinurot ang kanyang pisngi. "Aray ha! Masakit po ano." pagdaing naman ni Amy.


Maya-maya pa ay tumunog na ang bell kaya't pumasok na sila sa kanilang klase. Magkaiba ang section nina Gelo at Amy pero kahit ganun ay hindi nawawala ang pagiging matalik nilang magkaibigan.


Pagpasok ni Amy sa kanyang classroom ay agad siyang binati ng kanyang mga kaklase. Hindi nagtagal ay pumasok na rin ang kanilang guro ngunit siya ay may kasamang bagong estudyante.


"Everyone, I'd like you to meet your new classmate. Please introduce yourself." sabi ni Ms. Amor, ang kanilang adviser. "Hello! Ako nga pala si JL Toreliza. Pwede niyo akong tawaging JL." pagpapakilala niya. 


"JL is a late enrolee because he is a student athlete and a scholar of Brentville. I hope you'll take care of him, okay?" pagpapaliwanag ng kanilang guro. Tumango naman ang lahat at tumungo na si JL sa bakanteng upuan sa may harapan.

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon