CHAPTER 2

40 7 1
                                    

(Author's Note: For better reading, click the link on my comment to view JL's cover of Officially Missing You with another Star Hunt Trainee, Mikki.)

JL


Ala sais na ng umaga pero hindi ko ramdam ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng katawan ko gayung hindi naman ako masyadong nakapaglaro kahapon. Hindi na rin naman kumikirot ang paa ko. Ikaw na naman ba ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?


"JL, bumangon ka na. May pasok ka ngayon diba?" narinig kong tawag ni Mama. "Opo, gising na." matamlay kong sabi. 


Tama na, JL. Bakit ba siya pa rin ang iniisip mo ngayong masaya na siya sa iba? 


Dala-dala ang tuwalya, lumabas na ako ng kwarto para maligo. Nasa first floor kasi ang kwarto ko kaya paglabas ko nakita kong gising na rin si Aira. "Kuya, hindi ka kakain? Favorite mo pa naman yung almusal." pagyayaya sa akin ng nag-iisa kong kapatid. "Wala akong gana eh. Ligo lang ako." sabi ko at nagdire-diretso na sa banyo.


-


"Kuya JL! Wait lang!" pagtawag sa akin ni Nate. Tumigil naman ako at hinintay siya. "Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Gusto lang kitang samahan tsaka kakamustahin lang sana kita. Magaling na ba paa mo?" tanong niya. "Ah, oo naman. Kaya ko na ulit tumalon at maglanding nang maayos." pagbibiro ko sa kanya. 


Kahit kalian, si Nate talaga naging kasangga ko sa lahat. Bata pa lang kami, lagi na siyang nandyan. "Anong oras pala klase mo? Baka malate ka na. Malapit na rin mag-alas otso." sabi ko sa kanya. 


"My class starts at 9 but I have a test so I went here early to make tambay in the library." sagot niya naman. Natawa naman ako nang bahagya. Ilang taon na siyang nandito sa Pilipinas pero ganun pa rin ang pananalita niya. 


"Go ahead, Nate. Dito ako sa building na 'to magkaklase ngayon eh." sabi ko sa kanya. "Oh okay, Kuya. See you around!" sabi niya at tumakbo na palayo.


Umakyat na ako sa floor kung saan kami magkaklase nang biglang nagtext ang kaklase ko na wala daw kaming meeting today kasi absent yung prof namin. Well, I guess more time for me to walk around and relax. 


Papunta ako sa cafeteria dahil hindi nga pala ako nag-almusal kanina. Hindi rin ganun karami ang tao dahil nagsisimula na ang klase nila. Sa loob nang dalawang taon kong pananatili dito ay hindi pa rin ako ganun kasanay sa kapaligiran. 


Ibang iba kasi ang Brentville dito sa Saint Howard's Academy. Mas tahimik, mas maaliwalas. Siguro dala na rin ng mga punong nakapalibot dito. Medyo malayo rin kasi sa main road hindi kagaya ng Brentville na kahit international school, malapit naman sa main road kaya napapaligiran ng polusyon. 


Bumili na lang ako ng waffles at naupo sa may garden kung saan may mga estudyanteng nakatambay. May ilang nag-aaral, may ibang tulog, at may iba ring naglalandian. 

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon