CHAPTER 5

26 7 1
                                    

(Author's Note: The Yay or Nay portion is based from the real Yay or Nay they did in Star Hunt Trainee TV. Check out the comment for the link of the vlog!)


JL


"I'm the captain of our men's volleyball team. I'm JL Toreliza." sabi ko naman. Tila tumigil ang mundo nang magtagpo ang aming mga mata. Halos nabingi at naparalisa ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Alam kong nandito siya pero bakit ganito pa rin ang pagkabigla ko nang makita ko ang mukha niya?


Bumalik naman ako sa katinuan nang sikuhin ako ni Nate. "Kuya, are you okay?" bulong niya sa akin at tumango na lang ako. Natapos na ang pagpapakilala sa amin kaya't bumalik na kami sa aming upuan. 


Ngayon ko lang din napansing magkalapit pala ang mga lamesa namin. Nahuli kasi ako ng baba kanina kaya't dahil sa pagmamadali, hindi ko na napansin kung anong school ang malapit sa amin.


"Kuya, what happened? You were spacing out kanina. Para kang nakakita ng ghost." pabirong sabi ni Nate. "Oo, multo. Multo ng nakaraan na bumabalik para ako ay guluhin muli." sabi ko sa kanya. "Huh? What do you mean?" pagtatanong niya. Hindi ko na lang siya kinibo at pinilit ko na lang ang sarili kong makinig sa sinasabi ng mga host.


"For our first activity today, you will be divided into groups with 5 members each." sabi ni Mari. "But! Since this is a team building activity, you will not be grouped with all of your schoolmates. Baka yung iba maging ka-group niyo, pero yung iba mapuunta sa kabilang team." pagpapaliwanag naman ni Sam. 


"The coaches have already arranged your groupings. Now, we will give you 5 minutes to know your group and sit together before we explain the activity." sabi naman ni Mari.


Agad namang tumayo si Coach Lauren para sabihin ang aming mga grupo. "Okay, listen. Carla and Jodie, you'll be grouped with Brentville's Jake, Westfield's Paula, and St. Thomas's Ree." paunang banggit ni Coach. 


Medyo matagal din bago nabanggit ang pangalan ko. "Lastly, Aki, Nate and JL, you will be grouped with Brentville's Mikki and Gelo. That's it, guys. Go to your groups now." sabi niya.


Tama ba pagkakarinig ko? Brentville? Gelo? Seryoso ba 'to? Mukhang wala na rin naman akong magagawa kaya kahit labag sa kalooban ko, pumunta na lang din ako sa grupo namin at naupo sa may dulong bahagi ng bilog na ginawa namin. Maya-maya pa ay dumating na siya at kung nagbibiro nga naman ang tadhana, sa tabi ko pa ang bakante kaya't dun na lang siya naupo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano kahihinatnan ng araw na ito dahil hindi niya rin naman ako kinakausap o tiningnan bukod sa kanina.


"So before we begin, we would like to let you know that the group you now have will be your groupmates until the end of our team building activity." sabi ni Sam. What?! Seryoso ba? Magiging kagrupo ko siya nang halos dalawang araw?! "Now, what we are going to do is an activity called Yay or Nay. Are you guys excited?" panimula ni Mari. 


"Ang instructions lang dito ay magsasabi kayo ng tatlong statements tungkol sa inyo tapos huhulaan ng mga kagrupo niyo kung tama ito o mali sa pamamagitan ng pagsasabi kung Yay kung sa tingin mo ay tama at Nay naman kung sa tingin mo ay mali." pagpapaliwanag naman ni Sam. 

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon