CHAPTER 10

14 3 0
                                    

JL


Mabilis dumaan ang mga araw at sa bawat araw na lumipas ay wala ni isang pagkakataong hindi kami nag-usap. Simula noong araw na nag-text siya sa akin, naging halos oras-oras na ang pag-uusap namin maliban na lang kung may training kami pareho.


Kahit subsob kami sa training nitong mga nakaraang araw, nakikita ko na lang ang sarili kong hinihintay ang mga text niya sa akin. Kahit simpleng "Good morning!" lang o kaya naman ay "Wag mong kalimutang uminom ng tubig" mula sa kanya, ginaganahan na akong mag-training ulit.


Alam ko namang hindi ko itinigil ang pagmamahal ko sa kanya eh pero hindi ko naman akalain na ganito ko pa rin pala siya kamahal.


"Okay, gather around!" wika ni Coach Lauren. Friday na ngayon at bukas na ang tournament na pinaghahandaan namin nang ilang buwan. "You have all been nothing but hardworking athletes these past few weeks and gusto ko lang sabihin na proud ako sa inyo." sabi niya. Nagpalakpakan naman kaming lahat.


"Tomorrow, will be one of the most memorable moments in your life kaya sana, play with no regrets. Higit niyong tatandaan na mas importante ang kaligtasan niyo kaysa sa laro. Kung may masakit at hindi kayang tiisin, magsabi kayo kaagad. Kaya nga marami kayo sa team para may mag-substitute sa inyo. Naiintindihan niyo ba?" paalala niya. "Yes, Coach!" malakas at sabay-sabay naming sinabi.


"Tiwala akong magiging maganda ang laro niyo bukas basta mag-focus kayo sa laro at 'wag kayong masyadong ma-pressure. Okay?" sabi niya at inilabas niya ang kanyang kamay para sa group chant namin.


"JL, may gusto ka bang sabihin?" pagbaling sa akin ni Coach. "Lahat ng sinabi ni Coach, tandaan natin okay? Stay focused. Trust your teammates. Enjoy the game." sabi ko naman at naghiyawan ang bawat isa. 


"On 3." sabi ko sa kanila bilang hudyat ng aming group chant. "1, 2, 3! S-H-A, SHA!" sabay sabay naming sabi na siyang naging tapos ng aming training.


Pagkatapos kong magpalit ng damit at sapatos ay agad kong tiningnan kung may mga messages ba akong natanggap habang nagte-training. Bawal kasi kaming mag-cellphone buong araw dahil last day of training na namin ito.


Text Message from Mama 3:09pm

Nak, kamusta training? Gabi ka pa ba makakauwi?


Una kong nabasa ang message ni Mama sa akin kaya agad akong nag-reply.


Text Message to Mama 4:58pm

Ma, katatapos lang po. Pauwi na rin ako.


Nang mai-send ko ang message ay tiningnan ko ulit ang inbox ko kung meron pang hindi nababasa.


Text Message from Troy 1:29pm

Just checking in. Busy day ahead for both of us ano? Pahinga ka rin! :)


Bukod sa good morning niya kaninang umaga, ito lang ang naging text niya sa akin ngayong araw. Sino ba naman ang hindi mamahalin ang katulad niyang napaka-thoughtful kahit sa simpleng text lang?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon