CHAPTER 8

17 3 5
                                    

SPECIAL CHAPTER


Pagkatapos ng gabing iyon ay ilang araw na hindi nagpansinan ang dalawang binata. Dahil sa pagkagulat ni JL sa kanyang narinig, minabuti niyang mapag-isa muna upang namnaming mabuti ang mga sinabi sa kanya ni Gelo. Hindi niya rin kasi lubos maisip na sa loob lamang ng maikling panahon ay ganun na ang nararamdaman ng kanyang kaibigan sa kanya.


Dahil hindi maiiwasan ang kanilang pagsasama lalo na kapag mayroong training, sinubukan ni JL na ibuhos ang kanyang atensyon sa pag-eensayo at paglalaro na lamang. Habang naglalaro si JL ay may isang pares ng matang hindi maalis ang tingin sa kanya. 


Kahit na hirap na hirap na siya sa ginagawang paglayo ng binata ay hindi nagbago ang pagtingin ni Gelo para sa kanya. Naiintindihan niya ang kanilang sitwasyon at ang nararamdaman ni JL kaya't kahit mayroong mga pagkakataong gusto na niya itong kausapin at lapitan, hindi na lamang niya ginawa upang mabigyan siya ng privacy sa kanyang nararamdaman.


Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan simula nang aminin ni Gelo ang kanyang nararamdaman. Dahil sa hindi pa rin pagkibo sa kanya ni JL ay naisipan niya na lamang na bitawan ang pangarap na nais niyang maabot. Labag man sa kalooban niya, ito na lamang ang naisip niyang paraan upang maisalba ang pagkakaibigan na mayroon sila.


"Ano ba naman 'yan! Kanina ka pa walang points, JL. Ang pangit ng receiving mo tapos yung services mo kung hindi sakto sa net, outside naman. Isang linggo na lang, magsisimula na ang NSCT! What's happening to you?" bulalas naman ni Coach Lyle nang magkamali ulit ng service si JL. Hindi naman makatingin at makasagot ang binata dahil aminado siyang kanina pa hindi maganda ang kondisyon ng kanyang paglalaro.


"Everyone, 5-minute break. JL, sumunod ka sa akin sa labas." mariing utos ni Coach Lyle.


Nang makalabas ay kinausap ni Coach Lyle si JL nang masinsinan. "Ano bang nangyayari? Ilang buwan nang bumababa ang performance rate mo. Yung accuracy ng hits and blocks mo, ang laki ng ibinaba. May problema ka ba?" matigas na pagtatanong ng coach ngunit maririnig pa rin ang pag-aalala. "W-wala po, Coach. Pasensya na po. Aayusin ko na lang po." sagot naman ni JL habang nakayuko. 


"Go home, JL. Fix yourself. Hindi pwedeng nagkakalat ka sa loob ng court. Kung gusto mong maglaro sa tournament, ayusin mo kung ano man ang problema mo. Pwede kitang tulungan pero nasa sa'yo 'yan kung gusto mong tulungan ang sarili mo." paalala naman ni Coach Lyle sa kanya. Sa huli, umuwi na lang ang binata nang may bahid ng pagkadismaya sa kanyang mukha.


"Hindi ka naman ganito dati ah? Ano bang nangyayari sa'yo, JL?" pagtatanong niya sa kanyang sarili. Mabuti na lang ay hindi pa ganun karami ang dumadaan sa park dahil kung hindi ay mapagkakamalan siyang baliw ng mga dumadaan dahil sa pagkausap niya sa kanyang sarili.


"Dahil ba wala ka nang kasabay umuwi? Dahil ba wala nang nagyayaya sa'yong kumain sa McDo bago umakyat sa unit? Dahil ba wala nang nangungulit sa'yo kung nasaan ka na o bakit late kang pumasok sa isang subject? Dahil ba wala nang nagpapaturo sa'yo sa mga assignment? Yun ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, JL?!" pagtatanong niyang muli sa kanyang sarili. 

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon