CHAPTER 3

32 5 0
                                    


GELO


"Bukas, same time tayo dito sa gym. Kailangan ayusin niyo yang practice niyo dahil magsisimula na ang National Star Cup Tournament. Kailangan nating doblehin ang kayod para umabot sa championship game. Naiintindihan niyo ba?" sabi ni Coach Lyle. "Yes, Coach!" sabay sabay naming sabi. 


"Ok, good. Remember to rest for today dahil mas hihirapan ko ang training niyo bukas." pagpapaalala niya sa amin. "Bakit nga po pala half day lang tayo ngayon, Coach?" tanong ko naman. 


"May training kasi ako for the junior's team. Yung 16 and below. Hindi kasi makakapasok si Ate Queenie niyo dahil umuwi sa probinsya yung yaya nung dalawang bata." pagpapaliwanag niya. "Oh, okay po. Andyan na po yata sila." sabi ko nang makita kong pumasok ang dalawang lalaking may dala-dalang duffle bags.


Iniwan na ako ni Coach Lyle para pumunta sa mga pumasok. Parang kalian lang, ganun din ang itsura ko nang mag-enroll ako sa summer camp ni Coach Lyle. 


Grabe, ang tagal ko na palang nag-lalaro ng volleyball. Palibhasa kasi, nainfluence ako ni Papa maglaro simula pagkabata. Ang dami ko na ring memories habang naglalaro nito. Maraming masaya pero hindi rin maiiwasang may malulungkot.


Pagkatapos kong magpalit ng damit at ligpitin ang mga gamit ko, nakatanggap naman ako ng text mula kay Amy.


Text Message from Bub 10:24am

Bub! Can you we meet at the mall by 12pm? I'm just running some errands and it's Sela's birthday tomorrow so bibili ako ng regalo. Love you!


Text Message to Bub 10:25 am

No problem. See you.


Maaga pa naman kaya magpapahinga na lang muna ako dito sa gym. Hindi ko mapigilang mapatingin sa mga batang naglalaro. Iba talaga ang galaw kapag bata pa. Naalala ko tuloy kapag nagte-training kami noon, kahit araw-araw kaming subsob sa training, parang hindi kami napapagod dahil ang lalakas pa rin ng mga hampas at nare-receive pa rin namin nang maayos ang bola.


"Geo, set-an mo nga ako. Ayusin mo ha? Mamaya palpak na naman hahaha." pagtawag nung isang lalaki. "Grabe ka naman, maayos naman akong mag-set ah. Bano ka lang talagang tumalon at mag-timing, PJ!" pang-aasar naman nung Geo.


"Guys, listen. We have a new member of our team. Please welcome, John Lloyd!" narinig kong sabi ni Coach Lyle paglabas ko ng banyo. Malapit na rin ang interschool competition pero bakit pa sila tumanggap ng bago? Magaling kaya 'to? "Ah, JL na lang po. Hello po sa inyo." sabi nya naman. 


Saan kaya nakuha 'to ni Coach? Hindi rin naman siya basta-bastang kumukuha ng players dahil yung mga ka-team ko ngayon ay mga ka-team ko na simula nang maglaro ako which is 2 years ago. "Anong position mo?" pagtatanong nung isa naming teammate. "Hitter. Pwedeng outside, pwedeng opposite, pwede ring middle, pero mas madalas akong outside." sagot niya. All-around naman pala, kaya siguro ipinasok ni Coach. 

Kung Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon