4

7 3 9
                                    

ARAY! SABING WAG GALAWIN EH!" Sigaw ko kay taehyung pa tinutusok-tusok ang pimples ko.

Wala talagang utak! Amp!

Hindi pa siya nakontento at tinusok pa niya ito. "TAEHYUNG!" Sigaw ko naman. "Hoy sigaw ng sigaw!" Suway ni yoongi.

"Ang sakit kasi ng tigyawat ko tapos tinutusok tusok pa ni taehyung." Halos ma iyak iyak kong sabi. Ang sakit kasi talaga.

"Ikaw'ng Alien ka! Masakit nga daw eh. Tinutusok pa!" Suway ni yoongi. Mabuti nalang talaga at pinagtanggol ako nito.

"Sorry!" Sabi ni taehyung sakin. "Bahala ka nga jan. wag mokong pansinin." Sabi ko kay Taehyung at di na nga siya pinansin. Kapal.

"Yoongi, asan nga pala si Jimin? Di ko siya nakita kaninang recess." Sabi ko kay yoongi.

"Same." Sabi ni yoongi. "Ako din hindi ko nakita." Sabi ni Taehyung. Na di ko lang pinansin.

"Pag recess naman pumupunta yun sa room ko eh tapos di pa natin kasabay ngayon." Sabi ko. Asan na ba kasi yung maliit na nilalang na yun?

"Wait tatawagan ko." Sabi ni yoongi.

nag ring na kaya niloud speaker ni yoongi.

"Hoy unano." Tawag ni yoongi dito.

[oh? Napatawag ka?] tanong ni jimin. Parang busy.

"Busy ka ba? Ba't di ka nagpapakita?" Tanong ko.

[busy ako.]

"Pinag-bibusihan mo ba?" Tanong ko.

[Basta busy ako geh end ko na.] hala, problema nun? At inend na nga niya yung call.

"Hoy kayo. May ginawa ba kayo kay Jimin?!" Tanong ko sa dalawa. "Oy wala akong ginawa. Nasa bahay lang ako kahapon natutulog." Sabi ni Yoongi. Oo nga naman.

"Taehyung, magkasabay kayong umuwi diba?" Tanong ko. "O-oo."

"Nauutal ka jan?" Tanong ko.

"Nagkatampuhan lang kasi kami." Sabi niya. Ay juskong tampuhan yan. "Anong klaseng tampuhan ba?" Tanong ko.

"Eto kasi yun, naglalakad na sana kami papunta sa mga bahay namin kaso may naka salubong kaming aso. Tapos sabi niya hindi daw tatakbo, tapos natakot ako kasi tahol ng tahol yung aso kaya tumakbo na ako.

Tapos wala ding nagawa si Jimin kaya tumakbo na din siya. Tapos, mabilis kaming tumakbo hanggang sa na dead end na kami. Tapos may puno dun.

Eh ako ang nauna kaya naka akyat ako. Tapos si Jimin yung naiwan sa baba. Binatuhan niya ng kahit ano ang aso para lumayo na ito. Hanggang sa tinakot na niya ito. Buti nalang at natakot at umalis na yung aso. Kaya pagbaba ko ng puno. Di na ako pinapansin ni Jimin."

Di ko napigilang matawa ng malakas pati narin si Yoongi "HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!" Tawa naming dalawa. BWISET NAYAN HAHAHAHA YUN LANG PALA DAHILAN JUSKO! KUNG MAGTAMPO NAMAN SI JIMIN! PARANG ANG SERYOSO! HAHAHAHA!

"Wag nga kayong tumawa!" Suway ni Taehyung saamin. "Eh kasi naman! HAHAHAHA!" Pagtawa ni Yoongi.

Bwiset na jimin HAHAHAHAH!

Pinagtitinginan na kami dito sa canteen. Wala namang sumusuway samin kasi sikat nga kami at magagawa namin kung ano mang gusto namin.

Nakita ko pa yung ibang studyante na nakikitawa samin joiners amp.

"Weyt tawagan ko si jimin." Sabi ko. At dinial yung numero ni jimin.

[tawag ng tawag.] nagtatampo HAHAHAH!

Falling for the King of Destruction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon