6

6 3 7
                                    

Nagising nalang ako nang may naramdaman akong malamig na tubig sa ulo ko.

"PUTANGINA MO YOONGI!" Sigaw ko. Buhusan ba daw akong ng malamig na tubig?

"7:00 na hindi kapa babangon? Tapos hindi kapa kumain kagabi." Sabi niya. "Hindi niyo naman ako ginising!" Reklamo ko.

"Mahimbing tulog mo eh. Bilisan mo na nga jan. mag hinintay ako ng 30 minutes. Pag di ka pa dumating don iiwan na kita." Parang si daddy pota.

"Ohh layas kana dito sa kwarto ko." Sabi ko sakanya at naligo na sa banyo.

Mabilis akong nagbihis pagkatapos maligo. At nung lumabas na ako kay wala na si yoongi?!

"Ma! Si Yoongi?" Tanong ko. "Nauna na, late ka na daw ng 3 mins. Bago lang yun umalis." Aba? 3 minutes lang eh! Jusko naman. Sayang effort kong maging mabilis.

Nag-tricycle nalang ako papuntang school. 8 pesos lang naman.

Nakita ko pang naglalakad si yoongi. Bahala siya nauna pa ako. Vinideohan ko siya.

Para siyang tanga. Na naka pakyu sakin. Pinakyuhan ko din, aba. At inend ko ang video at sinend sa gc.

                       7:48am
Kate: sent a video.
Taehyung: pakyu pa nga HAHAHA!
Jimin: naglakad? HAHAHAH!
Kate: nauna pa ako, na siya naman naunang lumayas sa bahay.

Nireact naman nila na 'haha' yung message ko. Mung naka abot na kami sa school ay nagulat ako nang nandoon si Gianna sa gate.

"Unnie!" Sigaw nito nung nakita ako. "Oh?" Tanong ko. "Dito na daw ako mag sschool!" Gahd. Dagdag sakit sa ulo to.

"Eh? Bakit?" Tanong ko. "Wala lang ayaw ko sa dati kong school eh. Gusto ko dito para nandito ka, at si kuya." Sabi niya. Tumango lang ako at sinabayan niyang pumunta sa classroom ko.

"Ah, unnie asan yung section ng 'We are bulletproof pt. 2?" Tanong niya sakin.

(A/n: sorry guyseu! Ginawa kong section yung songs ng bangtan ehe ehe)

"Ah tabi lang sa Grade 9-No More Dreams." Sabi ko. "Asan ba yun unnie?" Tanong naman niya. Ay jusko.

"Asan ba yong kuya mo? Bakit ako yung tinatanong mo kung pwede namang siya?" Tanong ko.

"Sige na kasi unnie! OA nito." Sabi niya aba OA daw ako. "Oo na." Sabi ko at sinamahan siya sa classroom niya.

"Oh yan classroom mo. Tapos kapag recess o lunch punta ka sa canteen. Sa tabi ng bookstore. Nandoon kuya mo pag ganong oras okay?" Sabi ko dito.

"Okay! Salamat unnie mwa!" Sabi niya at pumasok na. Inirapan ko na lamang at pumunta na sa classroom ko.

Pasalamat talaga siya at mabait yung unnie niya hay.

"Ikaw ah, delete mo yung video." Nagulat naman ako dahil naka salubong ko si Yoongi. "Eh? Ayaw ko nga. Papakita ko pa yon kay tita HAHAHA!" I was referring to yoongi's mom.

"Hoy! Subukan mo lang!" Sabi niya. "Sige subukan ko, byee." Napa iling lang siya saakin at pinakyuhan nanaman ako. Juskong pakyu yan yoongi.

Pumunta na ako sa room at nakita si Namjoon na busy sa pagbabasa ng libro. Well, I don't care. Umupo na ako sa 'tabi' niya at nag selpon.

"Okay na kayo nina Jimin?" What the— ba't ko tinanong yon? It just came out from my mouth.

"Y-yeah."

"Nauutal ka jan?" Tanong ko. "Bakit ang bait mo ngayon?" Tanong niya saakin. Ngayon lang ba?

"Mabait naman talaga ako ah?" I said looking at him. Yawa di ko na alam anong pinanggagawa ko.

Falling for the King of Destruction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon