"Ba't ka nawala sa gc?" Tanong ni Yoongi sakin. "Pinagalitan ako eh. Nahuling nagseselpon. First time tsk." Reklamo ko.
"Diba sabi mo magkatabi kayo ni Namjoon? Kamusta?" Tanong ni Jimin. "Ayaw ko. Tapos wala din akong pake. Di ko siya pinapansin." Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong ni Taehyung. "Kasi naman diba kilala tayo bilang magkalaban?" Sabi ko.
"Minsan nagtataka ako kung bakit tayo nakilala bilang magkalaban. Eh ang konti lang ng dahilan eh." Sabi ni jimin.
"Tanong niyo dun sa baklang mahilig sa pink." Sabi ko sabay irap. "Naks bakla HAHAHA" sabi ni Taehyung.
"Bakit hindi ba?" Tanong ko. "Makipagbati na kaya tayo?" Tanong ni Jimin. "Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi naman eh. Miss ko na sila." Sabi ni jimin. "Miss ko din sila." Sabi ni Taehyung. "Edi makipag bati kayo. Wag niyo akong damayin." Sabi ko at nauna nang umuwi.
~Yoongi~
Nagalit ata yon. Bigla ba daw na uuwi na di ako sinasama?
"Kayo kasi." Sabi ko. "Anong kami? Miss lang namin sila eh. Ikaw ba hyung, hindi mo sila miss?" Tanong ni Jimin.
"Malamang namimiss din." Sabi ko. "Makipagbati na kasi tayo hyung." Sabi ni Jimin.
"Magagalit si Kate ano ba." Sabi ni Taehyung. "Hindi siya magagalit. Kilala ko ang pinsan ko. Hindi naman yun magagalit kapag makipag bati kayo eh. As long as wag niyo siyang piliting makipag bati. I think sasaya pa nga yon kapag okay na kayo. Kaya sige na. Balitaan niyo lang ako mamaya. Bye!" Sabi ko't umalis na din.
Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nasa kwarto lang niya si Kate nagseselpon. Katabi lang kasi niya yung kwarto ko which is nasa second floor.
"Hoy" tawag ko. As usual pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Makikipagbati na daw sila kela Jin-hyung." Sabi ko. "Pake ko. Edi makipag bati sila." Sabi niya at tumalikod sakin.
Ano ba kaseng nangyare dito sa babaeng to. Pumunta ako sa higaan niya.
Wag kayong manyak. Tsk.
"Hoy babae nag ini-OA ka nanaman. Makikipag bati lang sila eh." Sabi ko. "Oo nga. Lakompake." Sabi niya naka tingin parin sa cellphone nito.
Nasapo ko nalang ang noo ko at pumunta na sa kwarto ko.
~Seokjin~
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Jungkook. "Oo kaya umuwi kana rin."
"HYUUUUNGGG~" kilala ko ang boses na 'yon. At miss ko na din.
"Jin hyungg~" sigaw ni Jimin. Lumingon kami nila Hoseok sakanila.
"Ano?" I tried to sound cold. Nagulat ako nung niyakap nila ako. Niyakap nila kami.
Ano ito?
Pinagtataksilan ba nila si Kate?
A/n: pinagtataksilan talaga?
Oo.
"We miss youu!" Sabi ni Taehyung. "Same. Bakit kayo nandito?" Tanong ni jungkook.
"Para makipagbati." Sabi ni Jimin. "Bakit? Si Kate? Asan? Si Suga?" Tanong ko.
"Si Kate ayon pumayag. Kaso wag daw siyang damayin. Tapos si Yoongi umuwi na." Sabi ni jimin.
"Sabi nang ikaw ang manghingi ng tawad eh." Bulong ni hoseok sakin.
"Dahil namiss ko kayo. Ipagluluto ko kayo sa bahay ko." Sabi ko na ikinasaya ng dalawa. Kaya't pumunta kami sa bahay ko.
~Kate Andreana~
Okay lang naman na makipag bati sila. Okay lang talaga. Miss ko din naman si Jin ay gusto ko na maging okay na kami.
Pero kasalanan naman sa jowa ni Jin yon. Kaya kasalanan din ni Jin. Bahala siya ma pride ako eh.
*phone rings*
"Ohh?"
[patulooongg~] hay nako naman.
"Asan ba yung kuya mo?" Tanong ko.
[nasa kela Jin]
"Oh edi tawagan mo. Hihingi ka answer ng assignment."
[ikaw na kasi unnie. Gusto ko ikaw magtuturo]
"Ayaw ko kasi. Tamad akong bumangon."
[Please na unnieee]
"Send mo nalang sakin number ng kuya mo. No buts." Sabi ko't inend ang tawag.
5:27pm
Gianna: 0927*******
Nilike ko lang at tinatawagan yung kuya niya.[Hello, sino to?]
"Si Kate."
[oh napatawag ka?
Jungkook: sino daw hyung?
Jin: manahimik ka kase
Jungkook: okeh sorry]"Yung kapatid mo, si yanna."
[bakit? Anong nagyari]
"Ang OA, sagutan mo daw assignment ng kapatid mo. Sakin nagpapatulong eh ikaw naman ang kuya. Bye na busy ako." Sabi ko't inend ang tawag.
Natulog na ako pagkatapos. Gusto kong magpahinga.
Magpinsan nga talaga kami ni Yoongi. Hay, good afternight na.
BINABASA MO ANG
Falling for the King of Destruction
FanfictionA Kim Namjoon fanfiction. A girl who's falling for Kim Namjoon, our King of Destruction.