Genevieve
Kinabukasan, inayos ko ang gamit ko dahil isang minuto na lang mag-uuwian na. Nilabas ko ang cellphone ko nang marinig kong ang ringtone kong bird chirp hudyat na may nagtext.
Bach
Nasa gate ako, Gen.
Okay.
"Nasaan si Kelly?" Tanong ko kay Binaca, isa sa kaklase ko.
"Nauna na ata," sagot niya.
Nagkibit balikat ako. Hindi naman talaga kami sabay umuwi ni Kelly. Hinanap ko lang siya dahil wala siya sa upuan niya.
Lagi akong nagpapahuli lumabas dahil ayaw kong nakikipagsiksikan sa ibang estudyante. Maya-maya lumabas na rin ako. Papalapit pa lang ako sa gate nang may makita akong dalawang pamilyar na tao.
"Kelly, stop it. Paulit ulit na lang, I don't want to be friend with you anymore. Anong hindi mo maintindihan doon?" Galit na sabi ni Bach.
Dumistansiya ako sa kanila at hinayaan silang mag-usap. Ang layo ko ay hindi sapat dahil naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila.
Ito ang unang bases na nakita ko si Bach magalit.
Hindi sumagot si Kelly. I only heard sobbed. Si Bach naman ay napahawak sa kaniyang bewang at tumingala.
"Huwag mong ipakita sa akin nakakaawa mong mukha dahil hindi na ako ulit magpapadala riyan," pagpatuloy ni Bach.
"B-Bach, can we forget it? And forgive me," sabi ni Kelly.
"It was a small thing for you, Kelly but a very big deal for me! It caused big impact in my life! Sana nag-isip ka bago mo ginawa 'yon!"
Naglakad na ako palapit sa kanila dahil mukhang lumalalim na ang away.
Kelly didn't answer. Nagwalk out ito at papunta sa direksyon ko.
"Kelly—"
Nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad habang tumatangis at hindi na ako pinansin. Napatangin naman ako kay Bach. Nanatili itong nakatalikod sa akin wala ideyang nasa likuran niya ako. Huminga ako ng malalim.
"Bach," I called him.
Humarap ito sa akin at malambot na ang mukha. He dosen't look mad anymore. He smiled at me, nakita ko nanaman ang kulay pink niyang labi, akala mo talaga ay naglilipstick.
It seems Bach does not have idea that I witnessed what happened earlier. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"You're here, lets go," he announced.
"Wala ka atang practice ngayon?" Tanong ko.
"Two days rest bago ang laro sabi ni Coach. Since P.E. last subject, Teacher ko si Coach Jam, pinapauwi ng maaga ang players," paliwanag niya.
"Hala, ang daya naman no'n! One hour ahead din 'yon," reklamo ko.
"Ako lang 'to, Gen... Bach Avelino," natatawa niyang pagmamayabang.
"Whatever." Pabiro kong inirapan ito. "Where are we going pala?" I asked.
"It's a secret, Gen."
"Baka sa mall pa or park pa 'yan huh. Nakakahiya, nakauniform pa tayo."
"Mall? And park? Why I smell like you considered this as a date."
BINABASA MO ANG
Love is Confusing [On Going]
RomanceWould you rather choose to be with your same gender or opposite gender?