IX

9 4 0
                                    

Genevieve 

Valentine's Day came.

7 am pa lang nagpahatid na ako kay Kuya Victor kahit 8 pa mag-uumpisa ang program. Paglabas ko ng kotse narinig ko nanaman ang bird chirp kong ringtone.

Ching Chong

I'm in my car. Pasok ka na lang.

Hindi ka ba tutulong mag prepare ng booth niyo?

Ikaw kamo ang magprepare pagpasok ng kotse.

Huh?

Wala. Hindi naman ako kasama riyan. Sumama lang naman ako mag-ikot kahapon kasi pupunta sa room niyo.

"Genevieve, gano'n pa rin ba ang oras ng uwi niyo?" Tanong ni Kuya Victor, binaba niya ang bintana ng kotse. Hindi ako naka uniform at halata naman sa white T-shirt ko na nakatucked in sa brown square pants na suot ko na walang klase.

"Hindi po ako sure. Text ko na lang po kayo," sagot ko.

"Oh, sige. Mag-ingat ka."

"Kayo rin po. Safe driving."

Pag-alis ni Kuya Victor, inayos ko ang shoulder bag ko at naglakad papunta sa kotse ni Bach. Kita ko na agad ang kulay itim na sasakyan niya sama mo pa ang tinted na binatana, itim na itim. Pagbukas ko nang passenger seat, agad na akong hinatak ni Bach at hinalikan. Hindi ko pa nasara ng maayos ang pinto ng kotse. Para siyang kotse niya, maitim, may itim na balak.

Pero infairness ah, natutuwa rin ako sa itim niyang balak.

"Bach, tama na!" Natatawa kong paki-usap. Tinigilan niya namang humalik.

"Did you put some spell on your lips? It's alluring, " he said with husky voice.

"Huwag kang tumigil pumapak ng juice. Ang sarap ng labi mo, I cannot resist," I answered.

Sinubukan niya ulit ilapit ang labi niya sa akin pero pinigilan ko siya. "Inaantok pa ako," nakanguso kong sumbong.

"Wala, panindigan mo ang sinabi mong 'I cannot resist'," biro ni Bach.

Pinikit ko ang mata ko at sinandal sa dash board ng kotse.

"Puyat ka ba? Bakit ka ba napuyat? Kakaisip sa akin?" Tanong ni Bach.

"Ganito talaga ang menstruation, Bach," paliwanag ko. "Ang sakit pa ng puson ko." Bahagya kong hinimas ang tiyan ko.

"Tara, ililipat kita sa likuran para makahiga ka ng maayos," nag-aalala niyang sabi.

Lumabas si Bach ng kotse. Pagtapos ay binuksan ang pinto ng akin para alalayan ako palabas. Agad naman niyang binuksan ang back seat, may inayos pa siya ro'n bago ako pinapasok.

Pagpasok ko, mayroon ng round pillow na emojie sa dulo ng upuan. Kahit kumikirot ang puson, nakangiti akong pumasok. Dahan-dahan pa akong inalalayan ni Bach humiga. Kailangan kong bumaluktot dahil hindi ako kasiya.

Bumalik si Bach sa driver seat. Ako nama'y papaiba iba ng pwesto dahil hindi ako kumportable. Nakaharap sa driver seat ang nahanap kong akmang posisyon. Nakita ko pa si Bach na patingin tingin sa akin sa rear mirror.

"Bach, babaan mo naman ang aircon," malambing kong pakiusap.

Agad niya namang sinunod iyon.

Love is Confusing [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon