V

8 4 0
                                    

Genevieve 

Nang makarating sa bahay, si Mama agad ang hinanap ko, gano'n lagi ang ginagawa ko. Love your Parents because you don't know when they will gone. Show your love to them habang nabubuhay pa sila. Agad kong sinalubong ng halik sa pisngi si Mama. Nasa kusina ito at mukhang nagbe-bake.

"Ma, may group project po kami sa bahay ng classmates ko. Dadalhin ko na lang po si Kuya Victor tapos papauwiin ko na lang po siya, magtetext na lang po ako pag magpapasundo," nakangiti kong paalam.

"Okay, take care. Magbihis ka muna, para matikman mo rin itong bake ko," utos ni Mama.

Agad naman akong umakyat. Saktong tumunog ang cellphone at nagtext ng location si Bach kung saan kami magkikita.

"Gutom na ba ang, Babies ko?" Parang batang tanong ko habang inahanda ang pagkain ng mga ibon.

Si B ay nanatili sa pwesto niya. Samantalang si G naman ay lumipad agad kung saan ko inilagay ang pagkain.

"Look, B uubusan ka pa ata ni G oh."

I smiled when B respond with 'tweet' akala mo naiintindihan talaga ako.

I wear my terno denim jacket na hanggang siko lang and my denim short. I also let my short hair to touched my shoulder. And bring my black shoulder bag.

Pagbaba ko dumiretso ako sa hapag kainan. Nakahanda na ang ulam at kanin. Samantalang si Mama ay hinahanda ang kaniyang nabake. Kukuha dapat ako roon ngunit tinapik ni Mama ang kamay ko.

"Mamaya na ang dessert," saway niya.

Tinanggal ni Mama ang apron niya at umupo na rin. Sabay kaming kamain ni Mama. Papa as usual is not here dahil nasa trabaho. Sadyang napaaga lang ang uwi niya kahapon.

Sinadya kong bagalan ang pagkain para kunwari ay marami akong nakain. Paniguradong bubusugin nanaman ako ni Bach mamaya. Nagsimula na rin akong tumikim no'ng cake.

"How is it, Gen?" Tanong ni Mama tukoy sa cake.

"Hindi mo na kailangan magtanong, Ma. Laging masarap naman ang sagot ko," ani ko.

"Binobola mo lang ata ako," Kunwari'y nagtatampo niyang sabi.

"Bigyan mo sila Manang pati si Kuya Victor, ayun din ang sasabihin nila," kumbinsi ko.

Natawa naman si Mama. "O siya, bilisan mo na, may alis ka 'di ba?" 

"Group project, Ma," pagtatama ko.

"Nang ganiyan ang suot?" Hindi naman galit ang tono ni Mama.

Hindi ako sumagot.

"You didn't need to lie, anak. If you want to hang up with your friends it's okay," nakangiting sabi ni Mama.

Lumapit ako kay Mama at yinakap siya. "I'm sorry, Ma. Baka kasi hindi mo ako payagan," nakanguso kong sabi.

"Not enjoying your teenage life is the regretful thing that would happen to someone," payo ni Mama.

Humiwalay ako ng yakap kay Mama at hinalikan ulit siya sa pisngi. Uminom ako ng tubig bago nagpaalam sa kaniya.

"I'm going, Ma."

"Don't wear sandals, Gen. Mag rubber shoes ka, 'yong binili ko sa 'yo last time. Hindi ka magiging kumportable niyan, lalo na paggagala," suhestiyon ni Mama.

Love is Confusing [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon