XIV

21 4 0
                                    

Genevieve

Muling humalik si Mama sa pisngi ko bago ako lumabas ng gate. Sa gitna ng aking paglalakad, narinig ko namang tumunog ang telepono ko.

"Hello."

"Hi, Gen. It's Lez.

"Oh, hi Lez!"

"Nasa kanto niyo na ako. Pupuntahan sana kita hanggang sa inyo kaso bawal pumasok."

"Yeah, I'm sorry."

"It's okay."

"Sorry, Village's rule."

Sa malayo pa lang nakita ko na si Lezlie na nakangiting kumakaway sa akin kaya kumaway ako pabalik.

"Ibaba ko na, Lez."

"Okay."

Tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Hi," nakangiting bati ni Lezlie.

"Hi," bati ko pabalik.

"Hintayin na lang nating dumaan ang jeep."

Magkatabi kaming nakatayo ni Lezlie sa gilid ng kalsada. Walang nagsasalita sa amin kaya medyo awkward. Since hindi pa naman din ako medyo closed. Buti na lang narinig ko ang ringtone kong huni ng ibon.

Ching Chong

Baka maligaw ka nanaman.

Not again.

Baka maligaw ka nanaman sa puso ko.

Bach, ang aga aga!

Good morning.

Good morning. Ang aga mo ata magising?

Baka nga kasi maligaw ka nanaman.

Psh. Ibon kaya ako. Ang ibon ay hindi naliligaw (except kahapon) Ang ibon ay malaya.

Ngi. Malaya? Pero nakakulong ka sa puso ko.

Luh, sa puso mo lang?

Syempre kinulong din kita sa isip ko.

Kulong kita sa bisig ko riyan e!

Mali! Tatawag ako ng pulis dahil ninakaw mo pala ang puso ko!

"Why are you smiling?" Nakangiting tanong ni Lezlie.

Napakurap ako at pinigilan ngumiti. "A-Ahh, wala. May nakita lang akong memes," sagot ko. Nakakahiya naman kung sabihin kong nagbabasa ako ng harutan namin ni Bach.

"Gen, come on. Ayan na 'yong jeep," anunsyo ni Lezlie.

Nagulat ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko at hilain ako pasakay. May ilan din kasi kaming kasabay at nag-uunahan. Mukha hindi naman napansin ni Lezlie ang paghawak niya sa kamay ko, mukha sa akin lang big deal. Binitawan niya rin naman iyon nang makasakay na kami.

"Nakita mo 'yong kulay ng jeep? Dapat sa blue ka sasakay at hindi sa orange dahil iba ang ruta no'n," payo ni Lezlie.

Napatango ako. "Noted."

Love is Confusing [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon