Warning: SPG.
Genevieve
"My Mom won't eat you. Relax, trust me," alo ni Bach sa akin habang nagmamaneho siya ng kotse papunta sa bahay nila.
"How about your Dad?" Kinabahan kong tanong.
"I don't have Dad," mapait niyang sagot.
"Umayos ka, Bach. Okay, how about your stepdad?"
"Don't mind him. Kung may gawin man siyang hindi mo nagustuhan mamaya, huwag mong pansinin. Focus ka lang kay Mommy," payo niya.
"Hindi ako natutuwa sa biglaan mong desisyon, Bach!" Sumbong ko sa kaniya. "First month talaga natin napagpasiyahan mong i-celebrate ng ganito? Pinapakaba mo ako."
"I don't celebrate monthsary, Gen. I only celebrate anniversary," Bach replied.
Nakarating na kami sa bahay nila at pinasok niya na ang sasakyan sa gate. Lumabas ng kotse si Bach at ako naman ay pinagbuksan niya. Paglabas ko dumoble lalo ang kaba ko.
"How's my dress? Is it bad?" Natataranta kong tanong.
Inayos ni Bach ang clip sa buhok ko. "Don't be nervous," Bach advised. "You will just meet my Parents. Hindi sila nangangain ng tao. Maliban sa akin," malisosyo niyang biro.
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ni Bach. Paulit ulit kong tinitingnan ang itim kong long sleeve sweater, ang puti kong short at white sneakers. Nacoconcious nanaman ako sa sarili ko.
Siraulo kasi 'tong Ching Chong na 'to. Sabi niya lang kanina date lang daw at pumayag naman ako dahil first monthsary namin. Malapit na kami sa bahay nila nang sinabi niyang ipapakilala niya na ako sa magulang niya. Hindi man lang ako nakapag handa. Kung sinabi niya ng maaga e 'di sana nagpapratice ako ngayon sa harap ng salamin.
Hinawakan ni Bach ang kamay mo papasok sa bahay nila. Pinipisil niya pa iyon habang naglalakad.
"Ate Gen!" Nagulat ako nang salubingin ako nang yakap ni Sophie.
"Hello, Sophie," malambing kong bati. Medyo nawala ang kaba ko.
"Sophie," narinig kong tawag ng isang Ginang sa bata, galing ata sa kusina nila. "I told you to learn how to clean your own stuff, 'di ba?
Lumayo naman si Sophie sa akin. "But, Mommy we have Yaya!"
"Sophie, you should not always rely to Yayas. You're already big-" Napahinto ang matandang babae nang lumabas ito galing sa kusina. Naka-apron pa siya.
"Nandito na pala kayo," gulat niyang sabi. "Bach, paupuin mo siya," utos ng Mommy niya pagtapos bumalik sa kusina.
Dinala ako ni Bach sa sofa nila sa sala. Dalawa ang sofa nila rito, pa letter L ang pwesto. Sabay kaming umupo ni Bach. Si Sophie nama'y nakisali at umupo sa pagitan namin ni Bach hawak hawak ang ipad niya habang nilalaro.
"Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Kinakabahan kong tanong kay Bach.
"Ayos lang, gusto naman kita," bulong niya.
Hinampas ko ang braso niya. Natawa ako nang ginaya ako ni Sophie at hinampas din ang braso ng Kuya niya. Walang sinabi si Sophie at bumalik lang sa ginagawa niya.
Napaupo ako ng maayos nang may matandang lalaki ang umupo sa kabilang sofa. Umupo iyon na parang walang bisita sa harap niya at tinuon lang ang pansin sa hawak niyang dyaryo.
"Pasensiya na sa paghihintay," nahihiyang sabi ng Mommy ni Bach pagbalik nito. Hindi na rin ito nakaapron pero may dalang malaking plato na may cake, mukhang sariling bake niya.
BINABASA MO ANG
Love is Confusing [On Going]
RomanceWould you rather choose to be with your same gender or opposite gender?