X

10 5 0
                                    

Genevieve


Dumiretso ako sa banyo at nagpalit ng napkin. Paglabas ko may nagtakip ng panyo sa bunganga ko, piniringan din ang mata ko. Nainis naman ako nang buhatin ako ng parang sako, tumatabingi ang napkin ko.


"Ano ba?!" Sigaw ko nang pinaupo nila ako sa upuan. Tinanggal na rin nila ang piring ko. "L-Lezlie!" Gulat kong sabi ng makita ko siyang nakaupo sa harap ko.


"H-Hi, pasenya na sa abala," nahihiyang sabi ni Lezlie.


"Good luck, Guys. You have 20 minutes to talk. Welcome to Prison Booth!" Sabi ng hindi ko kilalang estudyante at sinara ang pinto. Pamilyar sa akin iyon dahil isa rin 'yon sa pumunta sa room kahapon.


"You have dirt on you shirt," natatawang sabi ni Lezlie.


Napatingin naman ako sa damit ko at nakitang may mantsiya ng tsokolate. "Ahh, sa kinain ko 'yan kanina," natatawa kong paliwanag.


"Sorry ulit ah. Ang kulit kasi ng pinsan ko. Alam niya kasing gusto kita kaya..." nahihiyang ani Lezlie.


Nagulat naman ako sa pag-amin niya. Dinaan ko na lang 'yon sa tawa para hindi awkward 


"It's okay," nakangiti kong sabi. "So anong gusto mong pag-usapan?"


"Hindi ko rin alam. Nabigla rin ako," natatawa niyang sabi.


"Ang ganda mo," bigla kong sabi.


Natawa naman si Lezlie sa sinabi ko. "Mas maganda ka."


"Hindi, totoo. Promise, you're indeed beautiful," pag-amin ko.


Tumahimik saglit ang paligid. Mukhang hindi siya kumportable sabihang maganda. Sino ba namang tibong gusto ang gano'n?


"Mahirap bang maging Senior High? You know, grade 11 na ako next school year," pagbibigay ko ng topic.


"Depende sa kukunin mong strand at depende rin sa 'yo 'yon. May mga bagay na mahirap talaga pero kapag ineenjoy mo nakakalimutan mo ang hirap." Tahimik akong nakikinig sa kaniya. "Huwag mong isipin 'yong pagod, isipin mo 'yong pangarap mo. Magiging worth it ang lahat kapag nakuha mo na ang resulta. Pero depende 'yon, kung gagraduate ka," biro niya.


"Alam mo, pwede ka maging advocacy speaker," biro ko sa kaniya.


"Yeah, future broadcaster here," she said in matter-of-fact tone.


Kumportable na kami dahil nagagawa na naming magbiro sa isa't isa. I thought me and Lezlie can get a long together because of birds but I can actually talked to her in normal way. Since, I mentioned birds, tinopic ko sa kaniya 'yon.


"So, you worked with your Tita. How's life with birds?" Interisado kong tanong.


"Nagkataon lang na nagpatulong si Tita no'ng nagkita tayo no'n. I don't actually worked for her."


"Ow, I thought... So you don't fond of birds? Kasi ako, I really love birds!" Nakakagalak kong kwento.


"I-I like birds, too."


I find it funny dahil tibo siya pero mahilig siya sa ibon. Iniling ko ang ulo ko nagfocus sa topic namin.


"Really? So what bird do you like?"


"Parrot?" Parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya.


"Yeah, me too! Have you heard a rare kind of birds called Alutmahay?" Natatawang umiling si Lezlie dahil sa kadaldalan ko. "Sila 'yong mga ibon na may buhok parang tao. I mean you know the typical hair of korean idol? 'Yong bagsak? May iba't ibang kulay pa," namamangha kong kwento.


Love is Confusing [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon