Genevieve
Napabitaw ako kay Bach sa nakita. Naglakad pa ako lalo papapasok at pumunta sa bandang gitna.
"Back you bring me in a Greenhouse with birds!" Masaya kong sabi, abala pa rin sa pagtingnan ng paligid. "Or should I say Glasshouse," natatawa kong sabi.
It is a structure with walls and roof made chiefly of transparent material, such as glass. Alam ko mas maganda iyon para sa halaman dahil nakalantad ito sa sikat ng araw. Nagiging mas mainit iyon kaysa sa panlabas na temperatura, pinoprotektahan ang mga nilalaman nito sa malamig na panahon.
Hindi makakatakas sa akin ang sobrang daming lumilipad na ibon. Ang iba ay malayang lumilipad ang iba ay nakadapo sa puno, may dumaan pa nga sa harap ko. Mayroon ding mga nasa kanilang cage lang.
Nakuha ng atensiyon ko ang fountain. Kahit medyo malayo pa sa amin 'yon, alam kong sobrang ganda niya. May estatwa ng ibon na nandoon habang may umaagos na malinis na tubig. Mayroon ding nakadapong totoong mga ibon ro'n.
Parang nasa ibang mundo ako.
"How did you know this place?" Mangha kong tanong, abala pa rin sa pagsuri sa paligid.
"This is my Mom's garden. Did you know she also like birds," sagot ni Bach.
Napatingin ako kay Bach. Pagtingin ko nakuhaan niya na ako ng litrato sa cellphone niya. Natawa naman ako.
"Really? That's why you know few things about birds." Lalo akong namangha.
Tumango ito nang nakangiti.
"Soon, bubuksan ni Mommy ito sa public," kwento ni Bach nakalapit na pala sa akin.
"Dapat lang. Ang ganitong kagandang lugar hindi dapat tinatago lang."
"Ikaw ang unang bisita rito, alam mo ba?" Kwento ni Bach.
"Talaga?" Kinikilig kong sabi.
"Come on, Gen. May lamesa ro'n." Ginaya ako ni Bach sa isang kubo.
Sa loob no'n ay isang lamesang kahoy. Mayroong nakatakip na pagkain, at kandila pang hindi nasisindihan. Inalalayan ako ni Bach umupo at sinindihan niya na ang kandila.
This is the most romantic date I ever had.
"Thank you, Bach," I said sincerely.
"You're welcome," he said calmly.
Pinanood ko lang siya maghain habang nagkukwento ng nangyari sa laro nila kanina.
"You know Justin, pabuhat dati iyon sa laro pero kanina gumaling ang gago. Tinanong ko kung bakit, sabi niya nandiyan daw crush niya," kwento ni Bach habang inahanda ang pagkain namin.
Tumawa ako. "Sino raw ang crush niya?" Namamangha kong tanong.
"Ewan ko sa kaniya at wala akong balak alamin."
"Sana lahat gano'n 'no? 'Yong manonood 'yong inspirasyon mo," parinig ko sa kaniya. "Ang swerte ng magiging girlfriend ni Justin kasi papayagan niyang manoood lagi ng laro niya."
Natatawa ako nang tinakpan ni Bach ang tenga niya. Tinanggal niya ang takip sa tenga niyang mapansing tapos na ako magsalita.
"May sinasabi ka? Sorry hindi ko narinig," sarkastiko niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Love is Confusing [On Going]
RomanceWould you rather choose to be with your same gender or opposite gender?