IV

10 5 0
                                    

Genevieve 

"Dante's Inferno Circle 6 Bolgia 8, 'The Hypocrites.' Virgil and Dante are chased into the sixth bolgia by flying demons," I presented as I report in front of our class.

"So, how they punished?" Tanong ni Ma'am Ramirez, tinuro pa ang projector.

"They are or Hypocrites are punished to wear robes of leads in the shape of a monk's robe and walk on a narrow track," sagot ko habang may tinuturong picture sa projector.

"That's right, class. Ang robe na suot nila ay hindi basta bastang robe, isa iyong mabigat na robe then maglalakad sila without resting," paliwanag ni Ma'am Ramirez sa klase. "Proceed, Ms. Agoncillo."

"Isa sa mga nandito ay si Caiaphas-"

"Kindly write it on the board para matake down notes ng mga kaklase mo," singit ni Ma'am.

Kumuha ako ng chalk at hinarap ang board para magsulat. Sa kalagitnaan nang pagsusulat napahinto ako nang may isigaw ang kaklase ko.

"Panalo school natin sa soccer!"

Lahat ng kaklase ko ay nasa kaniya ang atensyon at nagsimula na ang masasayang bulungan.

"Quiet, class! Ms. Soco! Sinong may sabing pwede ka mag phone sa time ko?" Sita sa kaniya ng guro.

Napaupo naman ang kaklase kong si Era. "Sorry, Ma'am hehe."

"Proceed, Ms. Agoncillo."

May ngiti sa labi nang mapatingin ako kay Ma'am. "Caiaphas' sin was counceled the Pharisees to crucify Jesus," patuloy ko.

Natapos ang reporting at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko.

"Kapag nanalo kayo, sasagutin na kita, kaya galingan mo." Naalala ko ang binulong ko kay Bach.

"Ang saya mo naman," salubong sa akin ni Kelly pagbalik ko sa upuan.

"Ayos ba report ko?" Paglihis ko ng usapan. Alam kong ayaw tina-topic ni Kelly si Bach.

"Okay naman! Kinakabahan ako sa report ko sa next monday!" Sabi ni Kelly.

"That's all for today, class. Reporter tomorrow get ready," paalam ni Ma'am Ramirez.

"Ma'am, walang English bukas!" Sigaw ng kaklase ko.

"Then, the other day," sagot pa ni Ma'am bago umalis.

Iniwan ko saglit si Kelly at lumapit kay Era.

"Era! Totoo, panalo tayo sa soccer?" Paninigurado ko.

"Oo, gago." Pinakita niya pa sa akin 'yong post sa Twitter.

Wala pang pictures ang mga players tanging 'Congratulation, South Haven University!' pa lang ang nakalagay.

"Nagchat din sa akin girlfriend ko," habol pa ni Era.

"Girlfriend? May girlfiend ka?" Tanong ko.

Era is pretty but boyish also, and that's cool for me, that's evident that she wasn't straight. Pero natawa pa rin ako at hindi makapaniwala. Hindi ka talaga pwedeng humusga sa mukha. Ang gagandang babae pero babae rin pala ang gusto.

Tumango ito. "I'm bisexual. Matinik kaya 'to. Nasa grade 11 siya," paliwanag niya.

"I didn't know," natatawa kong sabi.

Love is Confusing [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon