Genevieve
"Genevieve..."
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nang makita siya, agad akong tumayo at napaatras.
"B-Back, how did you know that I'm here—" naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ang balikat ko. Agad naman akong napahawak sa tiyan ko.
Nakita kong tumulo na ang luha ni Bach. "Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin ulit?" tanong niya.
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!" sinubukan kong tatagan ang boses ko.
Bigla akong yinakap ni Bach. Maingat lang 'yon at parang ayaw may masaktan.
Bakit umiiyak din ako? Hindi dapat ako umiiyak!
"You're pregnant, Gen. You have my baby," he said between my neck. I heard his sobbed.
Tinulak ko siya palayo. Nagpunas ako ng luha at hindi pa rin inaalis ang hawak sa tiyan.
"Huwag mo 'kong hawakan!" sigaw ko. Traydor pa rin ang mga luha sa pagtulo.
Pilit lumalapit si Bach sa akin, ako nama'y lumalayo. Napatigil lang siya nang may banggitin akong pangalan.
"Lezlie..."
Tumingala si Bach para pigilan ang kaniyang luha. "Totoo ba?" mahinahon niyang tanong, pero hindi ako sumagot. "Totoo ba?" bahagyang tumaas na ang boses niya.
Naiintindihan ko ang galit niya. Anak ko ang dala niya, anak namin. Alam kong may karapatan siya rito.
"Gusto mong malaman?" matapang kong tanong hindi pa rin inaalis ang kamay ko sa dalawang buwan kong tiyan.
Tumango siya habang naluha. "Oo," nasasaktan niyang sagot.
Huminga ako nang malalim. "Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin pero totoong hindi na kita m-mahal! 'Yung pagmamahal na binibigay ko sa'yo, grabeng sakit ang pinapalit mo! Nakakasawa na! Ayaw ko na sa'yo! Leave us alone! Ayon ang gusto ko, ayon ang totoo!"
Hindi ko alam kung may parte sa aking hindi nakuntento sa sagot ko, parang may mali, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi ko alam kung totoo lahat ng sinasabi ko. Ewan ko. Ngunit may parte sa puso ko ang masaya na siya ang ama ng dinadala ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Lezlie. Nakokonsensya ako para sa kaniya. Sa lahat ng kabaitan niya sa akin, lalo na sa panahong malungkot ako, siya ang laging nandiyan. Iniisip ko kung bibigyan ko siya ng anak ang bilang kabayaran. I know Lezlie wasn't the type of person na humihingi ng kapalit, ako ang may gusto nito pero nasasaktan ako. Hindi naman pwedeng laging sarili ko ang iisipin ko. Hindi ko na alam, nalilito ako.
"I wouldn't settle for a man like you... if you even call yourself a 'man'!" habol ko pa.
"I want you to talk to Kelly. I want to clear everything what happened, I want you to have a peace of mind," mahinahong sagot ni Bach.
Kumunot ang noo ko. Ano nanamang kinalaman ni Kelly rito?
Muli akong yinakap ni Bach, ngayon ay mahigpit na. Hindi ako pumiglas dahil sa pagkabigla. Inaasahan ko ang galit niya sa mga sinabi ko, sa halip naramdaman ko ang pagngiti niya sa balikat ko.
"Si Lezlie ang nagsabi sa akin kung nasaan ka. And Lezlie... has a boyfriend," bulong ni Bach.
What is he talking about?
--
Yellow!👋 Thank you for reading! Puso! ♡
Btw, Bach is pronounced as Bak.
BINABASA MO ANG
Love is Confusing [On Going]
RomanceWould you rather choose to be with your same gender or opposite gender?