Warning: This story has many grammatical errors. I have no time to edit the whole story cause' my passion for writing was gone. Also this was written last 2016. If you're a perfectionist then kindly read another story. Thank you 😊
"Bwisit ka mang-aagaw! Akala mo napakaganda mo hindi porket nililigawan ka ni Steven!Ginagamit ka lang niya wag kang mag pakatanga!Malan-"
Sinampal ko siya ng napakalakas.Wala akong pakialam kung maraming nanunuod sa amin ngayon.Okay lang sana kung sabihan niya ako na mang-aagaw,which is not true pero malandi?Tinuruan ako ng magulang ko na lalaban lang ako kung natatapakan na ang aking pagkatao.Tsaka hindi pa ba ito nakamove-on mahigit 3 years na kami ni Steven.
Narinig ko ang bulungan sa paligid.Tinignan ko ang gulat na gulat na babaeng hindi ko kilala na biglang sumulpot na lang at sinabihan ako ng kung anu-ano.
"Para sabihin ko sayo hindi ako malandi..."Panimula ko."..ikaw ang malandi dahil sa paghahabol mo sa lalaking hindi ka naman gusto!Tignan mo muna ang sarili mo bago mo ko pagsalitaan ng ganyan!"
Iniwan kong umiiyak ang babae sa hallway.Sa totoo lang hindi naman talaga ako ganoong tao na pumapatol sa mga ganung tao kaso nakakahiya na rin kasi ang ginagawa niya at para na rin matauhan siya.Pumasok na ako sa klase ko at ng matapos iyon ay pumunta agad ako sa cafeteria kung nasaan ang mga kaibigan ko.
Pagkapasok ko palang ay lahat ng tingin sabuong cafeteria ay napunta sa akin.Umiling nalang ako at diretsong pumunta sa table namin."Lei! Sikat ka na!" Tuwang-tuwa sabi ni Jean sakin.Matalim ko lang siyang tinitigan kaya tumigil siya.Bumaling naman ako sa tahimik na si Wendy.
"Huy wends okay ka lang ba?"siniko ko siya at bigla naman itong napatalon.Tinitigan ko siya ngunit hindi siya makatingin sa akin ng maayos.Napansin kong namutla siya bigla.
"Wendy namumutla ka!May masakit ba sayo?"nag aalalang tanong ni jean sa tabi ko.Hihipuin ko sana ang noo niya kaso bigla siyang napaatras.
"A-ayos lang ako..sige alis m-muna ako.."aniya at mabilis na lumisan.Nagtataka akong tumingin kay jean pero nagkibit-balikat lang siya at kumain.
Wala akong sumunod na klase kaya pumunta ako malapit sa locker room kung saan ang hintayan lagi namin ni steven.Ilang oras na ang lumipas pero wala pa din siya.Kaya nung lumabas ang kaibigan niyang si Kody ay tinanong ko kaagad ito.
"Huh?Hindi siya pumasok ngayon..Hinanap nga rin siya ni coach eh..."
Nagtaka ako."May sinabi ba siya sayo kung anong dahilan?"nagbabakasakaling tanong ko.Kumunot ang noo niya.
"Teka .. ikaw ang girlfriend bakit hindi mo alam?"Aniya at nagpaalam na.
Natigilan ako at napaupo.That strikes me..Ako ang girlfriend pero hindi ko alam ang ginagawa niya.Mabilis akong umalis sa school at pumara agad ng jeep.Nang makauwi ako ay tinawagan ko agad siya.
Nanlumo ako ng walang sumasagot.Nakailang tawag na ako pero wala pa din.Bigla akong kinabahan.Kaya tinext ko kaagad ito nab aka sakaling matanggap niya.
To:Steven
Hey..ok ka lang pupuntahan kita ngayon sa condo mo.
Independent na kasi siya.Nasa ibang bansa ang magulang niya dahil sa business trip.Bago pa ako makaalis ay tumawag agad ito.
"Hello?"umupo ako sa sofa.Nagtaka ako ng walang sumasagot."Hello steven?"
"L-lei.."Kumunot ang noo ko sa boses niya.
"Okay ka lang ba ? May sakit ka ba ngayon .Tinanong ko kasi kay kody kung anong nangyari sayo.Hinanap ka pa nga daw coach mo.."Tuloy-tuloy kong sabi."Kung gusto mo pupuntahan kita ngayon dyan sa condo mo."
"NO!I- I mean h-huwag na okay lang ako..."
Kinabahan ako sa tono niya.Kaya nilakasan ko ang loob ko at tinanong siya."M-may problema ba?"
Narinig ko ang sunod-sunod niyang buntong-hininga na para bang nahihirapan siya.Ilang minute ang lumipas hindi siya nagsalita.Hinantay ko siya hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"Let's talk tomorrow.."Yun lang ang sinabi niya at pinutol na ang linya.
Hindi ako nakatulog ng maayos nung gabi.Maraming bumabagabag sa aking isipan.Kinaumagahan ay maaga akong pumasok.Tapos naman na ang finals kaya pa easy-easy nalang kami.Pagkapasok ko ng room nun ay sumalubong sa akin ang isang grupo ng babae.Napairap nalang ako at nilagpasan sila ngunit bago ko pa sila malagpasan ay mahigpit nila akong hinawaka n sa braso at hinila pabalik.
"Ano na naman bang kailangan niyo?"naiinis kong tanong.I saw one of them smirk at me.Biglang sumulpot sa harap ko ang babae kahapon.Maangas niya akong tinignan.
"You poor girl..."maarte niyang sabi.Tinignan ko lang siya at hinantay ang susunod niyang sasabihin.
"Nakakaawa ka naman at ibinasura ka ni steven..."aniya.Tumikhim lang ako at hindi naniwala sa sinabi niya.Naramdaman ko naman bigla ang presenya ni steven sa likod kaya mabilis na nagsialisan lahat ng babae sa harap ko.
"Did they hurt you?" umiling ako at akmang yayakapin siya ngunit bigla na lang siyang umatras.Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya kaya tinignan ko kaagad siya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.
"W-why.." bago pa ako makapagsalita ay pinutol na niya agad ito.
"Let's break up..."diretsong niyang sabi.Naramdaman ko sila jean sa likod ko.Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko.Pero tinatagan ko ang sarili ko.
"Your kidding right?"Natatawang kong sabi.Umiling lang siya kaya napawi ang ngiti ko.Naramdaman ko nalang ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi. "Bakit? may mali ba akong nagawa?..."
Hindi siya sumagot.Napamura ako."F*ck!San ba ako nagkulang am I not good enough for you!"sigaw ko.Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas ang kanyang dibdib.Ang sakit..yung feeling na makikipagbreak siya sayo at ng tatanungin mo ay hindi ka niya masagot.Naramdaman ko ang pagdalo ni jean at hinatak ako palayo sa kanya.
Humagulgol ako."B-bakit?.."
Napayuko ako at napahawak sa aking dibdib.Tinignan ko siyang muli ngunit nag iwas pa rin siya tingin. "G-ganun lang yon kadali!Pagkatapos ng ilang t-taon?!"
"Sorry..."aniya at yumuko.Sa sobrang galit ko ay mabilis ko siyang nilapitan at sinampal sampal.Nagulat nalang ako ng biglang nagpakita si Wendy at itinulak ako.Mas lalo ako nagulat ng yakapin siya ni steven.Lalo akong umiyak lalo na ng umiyak si wendy.
"Don't protect me wendy..i can handle her"ani steven.
"M-mga manloloko kayo!"sigaw ko kahit na sobrang nahihirapan na ako.Hinaplos lang ni jean ang likod ko at pinapakalma ako . "At ikaw!"Turo k okay wendy.
Mas masakit pala kapag ang kaibigan mo ang nanloko sayo. "Pinagkatiwalaan kita!tapos ito lang ang igaganti mo?!"sumbat ko sa kanya.
"S-sorry ...lei I'm so sorry..."pagmamakaawa niya.Umiling lang ako at humagulgol.
"B- bakit mo ito ginawa.."Mas lalo akong nasaktan ng makitang umiyak si steven at hinigpitan ang yakap kay wendy.
"M-mahal ko siya..."napatingin ako kay wendy.Umiiyak na rin siya.Maya maya pa ay bigla nalang akong tumigil at pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala...wala akong maramdaman parang namanhid ang buong katawan ko.Kaya tumayo ako at tinitigan sila ng malamig.
"Both of you just go to hell.."madiin kong sabi at iniwan sila.
BINABASA MO ANG
Endless Tears
RomanceYou will never know what you're finding was just right next to you ....