VI.Reminiscing good times

5.3K 100 0
                                    

Pumunta kami sa isang amusement park.Pagkapasok naming doon ay bumalik lahat ng mga alala naming dati.Napatingin ako kay justin na nakangiti lang sa akin.


"You must learn to remember first the good times..."aniya .

Pumunta ako sa swing kung saan kami dati ang first date namin.Umupo ako doon sa eksaktong lugar ng sinagot ko siya at pinikit ko ang aking mata habang inaalala ang mga magagandang nangyari noon.

"Lei.."bulong niya.Tumingin ako sa kanya at pinanood siyang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.Huminga siya ng malalim at tinitigan ako.



"Can you be my girlfriend?"He said.Ijust stared at him.Shock was written all over my face.Yumuko siya at napasabunot sa kanyang sarili na para bang nahihiya siya.

"You know.. I don't do any romantic things.. pero kung para sayo gagawin ko.."seryosong sabi niya.



Tumawa ako bigla."Ang corny mo!"sabi ko at inirapan siya.Kaso nagulat ako ng bigla siyang tumayo at padabog na umalis.



"Uy san ka pupunta?"tanong ko.Pero hindi siya lumingon.Napangiti nalang ako at tumayo.


"Sige ka iwan mo ko dito.. sasagutin  na sana kita kaso mukhang magbabago ang isip ko dahil sa pagwalk out mo."ani ko.Nakita ko siyang natigilan at unti-unting tumingin sa akin.Ngumiti siya ng napakalaki at dali-daling lumapit.

"So sinasagot mo na nga ako?!"Masaya niyang sabi.


Napairap ako."Ayaw mo?!"mataray kong sabi.Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit napangiti ako sa ginawa niya."Sorry na ito naman ..."



Napangiti ako ng maalala ko iyon.Tumayo na ako at nilibot ang buong parke.Pinuntahan ko ang mga lugar kung saan kami may magagandang alaala.Nang matapos iyon ay biglang lahat ng sakit ng naramdaman ko ay napalitan ng saya.


"You done?"napalingon ako sa pinagmulan ng boses.Nakita ko si justin na nakapamulsa habang pinagmamasdan ako.Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."Thank you.."bulong ko.


"Your welcome..."aniya.



Hinatid niya na ako sa bahay."Salamat talaga ha..i owe you this one.."Ani ko.Umiling lang siya at nagthumbs up."Anything just for you..."he said.


I bit my lip and look at him."So.. anong gusto mong wish.."Tila nagulat siya sa sinabi ko.Nakaawang ang bibig niya habang tinitignan ako .


"No...kahit wag na.."aniya at umiling.


I sigh."I insist so ano what's your wish?Kahit ano ibibigay ko basta wag lang bahay or kotse kasi di ko pa afford..."Natatawa kong sabi.Ngumiti siya at tumawa din.Pinaglaruan niya ang kanyang daliri bago bumaling muli sa akin.


"Sabi mo kahit ano diba?"aniya.Tumango ako.


"Then be my girlfriend..."seryoso niyang sabi.


"P-pero...-"


Pinutol niya agad ako."And I mean for real... walang kunyari o kontrata..."Tinignan ko lang siya at napapikit.Huminga ako ng malalim at bumaling sa bintana. "You know what I should go..."


Lalabas na sana ako ng bigla niya akong pigilan."P-please...."pagmamakaawa niya.Umawang ang bibig ko ng makita ko pumungay ang mata niya at kumislap ito.No he couldn't be crying in front of me.Inalis ko ang kamay niya at malungkot siyang tinignan.


"S-sorry..."ayun lang ang sinabi ko bago sinara ang pintuan ng sasakyan.Tumakbo ako papasok ng bahay at pumanhik sa aking kwarto.Pagkabukas ko ng pintuan ay sumandal agad ako sa pintuan nito.Biglang nagbara ang aking lalamunan at ng pumikit ako ng mariin ay tuloy-tuloy ng tumulo ang aking luha.


"I-I hurt him...."garalgal na ang boses ko.Parang mas masakit pala kung yung taong pinagkakatiwalaan ka ay sinaktan mo.Inuntog ko ang likod ng aking ulo sa pintuan."Stupid!A-ang tanga tanga ko!"


Pagkatapos niya akong tulungan ay ganun lang ang igaganti ko.In fact,parang nawala na nga ang sakit na dulot sa nangyari noon.Ang tanga ko talaga para saktan ang isang napakabait na taong tulad niya.


Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog ako.


Endless TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon