IV.Taking a risk to fall in love again

6.4K 134 3
                                    

Ilang araw akong nagkulong sa bahay at pinagisipan ang sinabi sa akin nung lalaki kahapon.Ang tanga ko lang dahil hindi ko natanong ang pangalan niya.Hinatid niya ako kagabi sa bahay kaya naiwan ko ang kotse ko sa bar kagabi.

"I want to see him..."bulong ko.Dali-dali akong naligo at nagbihis.Pagkatapos ay nagpatawag ng taxi.

Pagkapasok ko sa loob ng taxi ay sinabi ko kaagad ang bar."Sa West District po tayo and pakibilisan po.."sabi ko.Tinignan ko ang phone ko at maraming text doon si henry.Binuksan ko ang dito.


From:Henry

Girl!Bakit mo iniwan sila Mr. and Mrs. Samaniego.Gusto ka daw ulit nilang makausap..

Nagreply agad ako,

To:Henry

Sabihin mo humanap nalang sila ng iba .

I sigh.Ayoko pa silang makita.I need time and space para makapagisip at kung handa ko na ulit silang harapin  ay tsaka na ako magpapakita.Bago pa ako makarating ay nagtext ulit si henry.

From:Henry

Ayaw nila ng iba gusto nila ikaw lang ang mag design..Please naman Leian wag mo naman ako ipahiya sa kliyente TT___TT.

Huminto na ang taxi at nasa tapat na kami ng bar.Binigay ko na ang bayad sa driver at lumabas ng taxi.Bago pa ako pumasok sa loob ng bar ay nireplyahan ko na si henry bago ipatay ang phone ko.

To:Henry

Sabihin mo  maghintay sila at kung hindi sila makakapaghintay ikaw nalang ang magdesign tutal kasing galling mo rin naman na ako. ;)

Nakita ko ang sasakyan kong nakaparada pa rin kung saan ko ito iniwan.

"Good afternoon ma'am...."bati ng guard.Nginitian ko lang ito at tinignan ang buong bar.Wala pang masyadong tao sa loob nito.Pumunta ako sa lugar kung saan kami nagkakilala.Nang makita ko ang bartender na nagserve sa amin kahapon ay nilapitan ko kaagad ito at tinanong.

"Uhm.... Kuya kilala mo ba yung lalaking kasama ko kagabi?"tanong ko.Kumunot ang noo niya at nag isip."Ah! si Sr. Justin.. minsan lang yun pumunta dito eh.."aniya.Tumango ako.So justin pala name niya..it sounds like i heard it before.


Minsan lang?Kelan kaya siya babalik dito.Napanguso ako at bumaling ulit sa bartender.Kahit nakakahiya ay tinanong ko na.Hindi ko alam pero parang gusting-gusto ko talaga siyang makita.


"Alam mo ba kung saan siya nakatira?"mahina kong sabi.Nakakahiya kasi baka kung ano pa isipin nitong bartender.Mabuti nalang at hindi medyo mausisa si kuya kaya binigay niya agad ang address nito.So sa Makati pala siya nakatira.Umalis agad ako at pumunta sa Makati.


Pagkarating ko sa harap ng condominium ay pumasok agad ako ditto at pumunta sa receptionist."What can I do for you ma'am?"pormal niyang tanong.


"W-well you see I'm looking for J-justin.."nahihiya kong sabi.Nakita kong biglang naging mataray ang babae."Anong kailangan niyo kay Mr. Dela Torre?"tinaasan niya ako ng kilay bago pa ako makapagsalita ay naaninag ko ang pamilyar na mukha na kalalabas lang elevator.


Tatakbo na sana ako palapit sa kanya ng makita kong may kasama siyang babae.Sa ayos pa lang ng damit at buhok ng babae at sa meddy hair ni justin.God knows what they did.Hindi ko alam pero biglang gusto kong tumakbo paalis.Bago ko pa magawa iyon ay napatingin na agad sa direksyon ko si justin.Nanlaki ang mata niya at parang hindi makapaniwala.


"Leian?"Kumunot ang noo ko ng tawagin niya ang pangalan ko.Kilala niya ako?Eh kagabi lang naman kami nagkita.Naalala ko naman ang mga nangyari kagabi and wala doon ang pagsabi ko ng pangalan ko sa kanya.Nakita kong may binulong siya sa babae dahilan para umalis ito.Nakaramdam ako ng inis sa babae habang sinusundan ito ng tingin.Nagulat nalang ako ng nasa harap ko na si justin.


"Mr. Dela Torre may kailangan yata siya sayo.."masungit na sabi ng babae.Matalim ko itong tinitigan pero inirapan lang ako nito.Sa totoo lang ang sarap niya sisantihin.

Bumaling ako kay Justin."A-ano ... about dun nga pala sa advice mo.."Napanguso ako at hindi masabi ang gusto kong sasabihin.Ito naman talaga ang pinunta ko ditto so bakit pa ako aatras?Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "So.. pwede mo ba akong tulungan tungkol nga dun sa advice mo?"

He smirk.Bigla akong pinagpawisan sa ginawa niya.Why is he so handsome and even his smirk is so sexy.

"Okay.."He said.Napatitig ako sa kanya."P-pero paano?"

Ngumuso siya at parang pinipigilan ngumiti."Diba sabi ko na take a risk and start over again and forget the past.."aniya.Tumango lang ako.


"Then..be my girlfriend."Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.What?!Be his girlfriend.Nababaliw nab a siya.Narinig ko ang pagsinghap ng babaeng receptionist sa gilid ko.Habang ako ay hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.


"Y-you're kidding right?"wika ko.Umiling siya at sumimangot.


"Take it or leave it.. kung gusto mo talagang mawala ang sakit na nararamdaman mo then you must face your fears and that is by falling in love again.."seryoso niyang sabi at tinalikuran ako.


Endless TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon