"So girl kelan ulit ang balik mo sa Paris?"tanong ni henry.Umupo ako sa sofa at binuksan ang t.v.Napanguso ako at napaisip.Oo nga pala mahigit ilang buwan na ring hindi ako nakakabalik sa paris.
"I really don't know.. tsaka wala naman akong gagawin doon..."Walang ganang sabi ko.Narinig ko siyang humalakhak sa kabilang linya.
"Akala mo iyon and you know what the good news is my offer sayo ang isang sikat na designer dun at gusto daw niyang ipakita ang mga designs mo at pati na din sa mga theme ng iba't ibang occasion na ginawa mo!"aniya.
Mula sa pagkakaupo ay napatalon ako bigla sa gulat."Really?!Bakit ngayon mo lang sinabi!"inis na sabi ko.Narining ko ang pagbuntonghininga niya."Eh pano ko naman sasabihin kung ilang lingo na tayong hindi nagkikita and FYI lang hindi ka man lang nagpaparamdam kahit anino mo nga di ko makita!"mataray niyang sabi.Bigla akong napayuko.Oo nga pala simula nung naging kliyente ko sila steven ay hindi na kami nagkikita.
"Sorry..."mahina kong sabi.
"Apology Accepted basta bumawi ka next time ha!"aniya.Ngumiti ako at nagpaalam na.
Tinignan ko ang orasan at alas singko na ng hapon.Malapit na ring dumilim.Bigla kong naisip na pumunta sa Cloud 999 isang club na dinadayo rin ng mga foreigner.Naligo ako at nagsuot ng isang fitted black dress pair with a black killer stiletto.I want to drink and free myself from stress.Hindi ko na dinala ang kotse ko at nagtaxi nalang.Nang makarating ako doon ay naaninag ko ang napakadaming tao sa paligid.Pagkababa ko palang ng taxi ay nakaagaw agad ito ng pansin ng mga tao doon.Pumunta ako sa entrance at nginitian ang bouncer.Pinapasok naman ako kaagad nito.Sumalubong sa akin ang isang malakas na tugtog sa loob.
Nakita ko rin na puno na ang dance floor dahil sa mga taong nagsasayaw dito.Pumunta ako sa gilid at inilibot ang aking paningin sa buong club."Lei?!"napatingin ako sa tumawag sa akin.Nanlaki ang mata ko ng makilala ito.
"Oh my gosh! Jean is that really you.."Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Mahigit ilang taon na din kaming hindi nagkita simula ng gumaraduate kami nung college.Tapos ngayon ang laki ng pinagbago niya.She got taller at ang sexy niya pa soot niyang fitted na blue dress."Come.. dun tayo sa table namin."aya niya.Sumunod lang ako sa table nilang malapit sa hagdan papuntang VIP section.Nang makarating kami doon ay laking gulat ko ng makitang ang isang pamilyar na lalaking nakangisi sa amin.
"Kody?!"He grin.Tinanguan niya ako.Nagtataka akong tumingin kay jean at nakita ko siyang namumulang umupo katabi ni kody.
"H-his now my boyfriend..."Nahihiyang sabi niya.Natawa ako bigla sa proud na ekspresyon ni kody.Umupo ako sa harap nila at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari.
Habang nagtatawanan kami ay biglang tumayo si kody at parang may tinitiganan na tao sa paligid.Hindi ko iyon pinansin at ininom lang ang iced tea sa harap ko.
"Wait is that...Justin?"aniya.Natigil ako sa pag inom at nanginig ng bigla niyang banggitin ang pangalan ni justin.Unti-unti kong nilingon ang tinitignan ni kody at tama nga siya si justin ang nakita niya kasama ang isang babae...
Hindi ko alam pero parang bumabalik na naman ang naramdaman ko ng makita siyang may kasamang babae noon sa condo niya.Biglang parang hindi ako makahinga.
"Hey.. lei bakit parang namumutla ka?"nag aalalang tanong ni jen.Tinignan ko lang siya at umuling."O-okay lang ako.."sabi ko at ininom ulit ang iced tea sa harap ko.Hindi ko siya matignan dahil natatakot ako sa maaari kong maramdaman."Lei...alam mo ba kung si justin ang nakatuluyan mo hindi ka masasaktan.."Napatingin ako sa seryosong mukha ni kody.Nagtataka din tumingin si Jean dito.
"Anong ibig mong sabihin.."Tumaas ang kilay niya."Hindi ba sinabi sayo ni steven?"aniya.Lalong nanliit ang mata ko at umiling."A-ang alin?"
Kumuyom ang kamay niya."That bastard..."Lalo akong kinabahan sa inasta niya.Huminga siya ng malalim at tinignan ako."Alam mo kasi..si justin ay gusting-gusto ka noon pa..Kapag nga pagkatapos naming magpractice ng basketball ay pupunta siya agad sa bintana ng room niyo para masilip ka lang...Balak ka niya noon ligawan kaso itong si steven ay biglang humarang.Ayaw payagan ni steven ligawan ka ni justin....Ginawa niya ang lahat para masira ang diskarte ni justin...Dahil sa gusto ni steven siya ang manligaw sayo para mapalapit siya kay wendy..."kwento niya.Maraming tanong ang biglang bumagabag sa akin.Naluluhang tumingin ako kay kody.
"P-pero paano hindi ko naman nakikita o kilala noon si justin.."naguguluhang tanong ko.
"Well...kapag kasi nagpapakita ay bigla siyang naduduwag harapin ka.."natatawang niyang sabi."So it make all sense..Kaya pala lagi kapag pupunta ako locker room ay nakikita ko nakatayo sa gilid nun si justin na para bang may pinagmamasdan siya..."ani Jean.Napatingin ako sa kanya at biglang halu-halong emosyon ang naramdaman ko.
Panghihinayang,Galit,Lungkot at iba pa...Tinignan ko sila at nagpaalam.Mabilis akong nagtungo sa kung nasaan sila justin.Pagkarating ko ay napatingin sa akin ang kasama niyang babae.Tinaasan ko siya ng kilay ngunit ngumiti lang siya sa akin.Huminga ako ng malalim at inihanda ang aking sarili sa maaaring sabihin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Endless Tears
RomanceYou will never know what you're finding was just right next to you ....