Hi, Tawagin nyo nalang ako sa nickname kong Lira. Gusto ko lang ishare yung mga kakaibang abilidad ng Half sister ko. Actually sa Province sya lumaki kasama ng Papa ko, kasi yung mama nya namatay nung ipanganak sya. Bale silang dalawa nlang ni Papa ang magkasama, habang ako naman ay sa Manila lumaki kasama ang Mommy ko. When i was 17 dinala ako ni Mommy sa province para daw matuto ako ng buhay probinsya at para maging close nadin kami ng Half sister kong si Mira (not her real name) kaya napilitan akong tumira sa Province kasama ang Half sister ko at si Papa. Mabait naman si Papa dahil nakakausap ko na sya sa cellphone noon dahil hindi pa naman uso ang videocall nung panahon nayun at wala pang magagarang gadgets, pero ni minsan ay hindi ko pa nakausap si Mira kaya naman nung makita ko sya ay medyo nagulat ako. Dahil sa isip ko pag sinabing promdi ay maitim at manang manamit, pero iba sya dahil sobrang ganda nya. Maputi, matangkad, payat at mahaba ang itim at tuwid nyang buhok na mukhang malusog, samantalang yung buhok ko ay halos naluto na sa kakakulay. She was 14years old that time 2ndyear Highschool at ako naman ay 4thyear Highschool. Nagtransfer ako sa school na pinapasukan nya kaya sabay kming pumapasok. Nakakailang syang kasama dahil agaw pansin sya, may itsura naman ako pero mas maganda sya at hindi ko ipagkakaila yun. Palagi pa syang nakangiti at mukhang mahinhin samantalang ako ay laging nakasimangot at bara bara kumilos. Palakaibigan sya at ako naman ay hindi. Pero sa kabila ng mga ngiti at pagkamahinhin nyang iyon ay may itinatago syang kakaibang abilidad. Minsan inutusan ako ni Papa na kunin yung mga kahoy na panggatong sa harap ng bahay namin at dalhin sa likod ng bahay kung nasaan ang kusina namin dahil dun din yun sinisibak ni Papa nagulat ako ng makita yung mga kahoy dahil malalaki at mahhirapan akong buhatin yun kaya naman paisa isa lang ang kaya ko at kinakaladkad ko nalang sa lupa. Nakakatatlong balik nako ng dumating si Mira bitbit ang isang malaking basket na may lamang mga manggang hinog. Nang makita nya ako ay tinulungan nya akong buhatin ang mga kahoy at laking gulat ko na tatlo tatlo ang binubuhat nya at ipinapasan nya pa sa balikat nya na para bang napakagaan lang nito. Kung tutuusin ay mas malaman ako kay Mira kaya nagtaka ako sa lakas nya pero inisip ko nalang na baka dahil sa probinsya sya lumaki kaya ganun nalang ka-easy sa kanya yun. Makalipas ang ilang araw ay inutusan nman ni Papa si Mira na manguha ng buko dahil gagawa daw si Papa ng Buko Salad kaya naman sa pagkaexcite ko ay nagprisinta akong sumama kay Mira pero nagkatinginan sila ni Papa na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata. Tumango si Papa kay Mira bilang pagsang-ayon na pasamahin ako kaya pumasok ako sa bahay para kumuha ng sako na paglalagyan. Pagkalabas ko naabutan kong nag-uusap si Papa at Mira ng seryoso pero hindi ko nadin narinig dahil umistop din sila ng makita ako ni Mira at ngumiti sya sakin. Sa bukid sila Papa nakatira kaya medyo malayo ang mga kapitbhay, may dalawang palapag na yari lamang sa matibay na kahoy ang bahay nila papa, may tatlong silid pero mgkasama kami ni Mira sa iisang silid at magkahiwalay ng kama na pinapagitnaan lang ng bedside table, malawak din ang natatamnan nila Papa ng mga iba't ibang uri ng puno at gulay, kaya malaya kaming kumuha ng kahit ano. Masasabi kong hindi naghhrap sila Papa dahil may mga appliances din sila tulad ng ref at tv dahil may kuryente naman doon sa Baryo nila. Nang mkarating kami sa mga puno ng niyog ay nlapag ni Mira ang sako mga ilang metro lang ang layo mula sa punong aakyatin nya, ako naman ay sumunod sa knya. Nang makarating kami sa puno ay nakisuyo sya sakin na kunin ang sako, medyo nabadtrip ako kase bat kailangan nya pa iiwan sa malayo tapos ngayon ay ipapakuha din naman nya. Habang naglalakad ako pabalik sa puno ay hindi ko na makita si Mira. "Mira nasan ka?" Sigaw ko. "Andito ako Ate!" Sigaw naman nya pabalik, pagkatingala ko ay nakita kong nasa ibabaw nasya ng puno ng Niyog at pumipitas na ng buko. "Pano ka nakaakyat jan? Ang taas taas nyan ang bilis mo naman makarating jan!" Sigaw ko na naman. "Mabagal kalang talaga maglakad Ate kaya di mo naabutan ang pag-akyat ko!" Sigaw na naman nya pabalik, ipinagkibit balikat ko na lamang iyon dahil baka normal nga naman yun sa mga taga probinsya, pero kase kung titingnan ang kapatid ko ay hindi mo maiimagine na magagawa nya yung mga bagay na ginagawa nya ngayon. Pagkauwi ay sya rin ang nagbuhat ng sako at tanging dalawang buko lang ang bitbit ko. Lumipas pa ang mga araw at nagsimula na ang pasukan sa paaralan. Maraming kaibigan si Mira sa eskwela kaya maraming bumabati sa knya sa twing may madadaanan kaming kakilala nya, nagbibisekleta lang kami sa pagpasok at pag-uwi. Binilhan kami ni Mommy ng tig-isa para hindi nadaw kami mapagod sa paglalakad dahil medyo malayo.Hindi naging maganda ang unang araw ko sa klase, mahirap makipagsabayan sa mga taga probinsya, sa twing wala ang guro ay lumalabas ang mga siga. Akala ko ay sa syudad lang ang bully, kahit saan pala dahil hindi ako nakaligtas doon.May isang babae na maangas ang lumapit sakin, ibang lahi sya dahil hindi bisaya ang salita nya tinatapangan nya ko at tumatawa tawa sa mga kaibigan nyang lalaki sa twing inaambahan nya ko dahil napapapikit ako. Hindi ako lumalaban sa knya kaya mas lalo syang naasar kaso dumating na ang guro kaya naman hindi na natuloy ang pangbubuyo nya sakin. Akala ko tapos na, pero akala ko lang pala, dahil nung mag-uwian ay kinaladkad ako ng mga lalaking kaibigan ng kaklase kong babae papunta sa likod ng school. Sa dami ng puno at sa lawak ng school ay walang makakapansin o makakarinig samin dahil maingay na ang mga estudyanteng naglalabasan. Sinikmuraan nya ako dahil naiinis daw sya sa mga maaarteng katulad ko. Sa totoo lang ay hindi ako maarte, sadyang magara lang ang mga gamit ko dahil galing ako ng Maynila at hindi talaga ako gaano pang sanay sa banatan ng buto. Hindi ko alam kung anong atraso ko sa babaing ito para gantuhin nya ko. Dumudugo na ang bibig ko dahil sa ilang ulit na sampal nya pagkatapos ay hihilahin naman nya ang buhok ko patayo dahil napaluhod ako sa sakit ng pagkakasikmura nya sakin. Akmang sasampalin nya muli ako ng biglang may kamay na pumigil sa knya. Nabitawan ako ni Donna at tumingala ako upang makita ang taong mukhang tutulong sakin at nanlumo ako ng makita ko si Mira. Anong laban nya sa babaeng kaharap ko at sa tatlong lalaking kaibigan nito sa payat ng katawan nya? Mukhang madadamay pa sya. Pero kitang kita ko kung paanong umatras ang tatlong lalaki at manginig na tila ba natatakot sila kay Mira, nanlalaki ang mata ni Donna habang nakatingin kay Mira. "Mira. Bakit ka nandito?" Tanong ni Donna na tila kinakabahan. "Ate ko kase iyang sinasaktan mo." Simpleng sagot ni Mira na sumulyap saglit sakin. "Hindi ko alam." Halos mautal na si Donna sa pagbigkas nun. "Ngayon alam mo na." Sagot na naman ni Mira. "Oo, oo alam ko na. Sige uuwi na kami." Natataranta na sagot ni Donna. "Donna." Sa pagbanggit ni Mira nun ay tila kinilabutan ako. Malalim pero malumanay na may halong pagbabanta ang boses nya, ito ang unang beses kong marinig ang kakaibang dating ng boses nyang iyon. Napalingon si Donna kay Mira at takot na takot tlaga sya. "Magkikita tayong muli Donna." Pagkasabi nun ay ngumiti ng napakaganda si Mira at tumakbo naman si Donna kasunod ang mga lalaki. Nkangiti parin sya habang tanaw ang mga nagmamadali at papalayong sila Donna. 'Anong meron sayo Mira? Gangsta kaba?' Nasabi ko sa isip ko. 'O baka naman lady ka ng isang Gang?' Hindi ko talaga maiwasan ang mag-isip ng ganoon. Inalalayan ako ni Mira at tinanong kung kaya ko paba magbike. Sa tingin ko naman ay kaya ko pa kaya tumango ako. Habang nagbabike kami pauwi ay hindi ko na maiwasan pa ang magtanong sa knya kung Gangster ba sya, pero tumawa lang sya ng malakas at sinabing. "Makikilala mo din ako Ate. Hindi magtatagal ay malalaman mo rin ang lahat lahat sa akin Ate." Nakangiti na naman sya sakin. Yung ngiti nya pa naman ay nakakatunaw ng puso sa sobrang ganda. Pagdating naman sa bahay ay pumunta agad sya sa likod ng bahay namin. Susundan ko sana sya pero nasa pintuan palang ako ng marinig ko syang magsalita. "Sinaktan nila ang Ate ako. Kaya kailangan lang na iganti ko sya." Sabi ni Mira. "Hindi pwede, kapag ginawa mo yun ay malalaman sa baryo nila na may kakaiba kang kakayahan. Kaya wag mo nang padamihin pa ang may alam Mira dahil mapapahamak ka." Sagot ng isang malaking tinig na akala mo ay nanggagaling sa ilalim ng Balon. Boses lalaki. "Patatahimikin ko sila tulad ng iba." Desididong aniya ni Mira. "Bahala ka, basta mag-iingat ka, kundi maraming magkakainteres sayo." Sagot ng Lalaki. Hindi ko na narinig pa ang iba dahil tinawag ako ni papa kaya umalis ako agad. Lumipas na ang ilang oras ay hindi parin nakakabalik si Mira, malapit na ang hapunan ay wala parin sya sa bahay, wala narin sya sa likod bahay kaya tinanong ko si Papa kung saan maaaring magpunta si Mira. Ang sagot naman ni Papa ay baka daw nasa kakahuyan lang. Napapaisip na naman ako kung anong gnagawa ni Mira doon gayong madilim na. Mayamaya ay may narinig akong umaagos na tubig sa kusina namin sa likod ng bahay kaya tumakbo ako papunta dun dhil baka si Mira nanga iyon. At hindi naman ako nagkamali, naabutan ko syang naghuhugas ng kamay kaya tinawag ko sya. "Mira san ka galing?" Tumingin sya sakin at ngumiti. "Dyan lang sa kakahuyan ate." May nakita akong dugo sa pisngi nya kaya tinanong ko kung nasugat ba sya pero ng pahirin nya yun ay wala namang sugat. "Nangaso lang ako Ate. Pakisabi kay Papa may dala akong baboy ramo." Pakisuyo nya sakin. Gulong gulo tlaga ang isip ko sa mga pinaggagawa nitong kapatid ko, kaya kahit nagtataka ay tinawag ko si Papa at sinabi ang sinabi sakin ni Mira. Kinatay ni Papa yun at nilinis dahil masarap daw sa adobo yun.
Kinabukasan pagkapasok namin ay wala si Donna sa klase, hanggang sa maging tatlong araw na syang absent. Isang araw tinanong ako ng isa kong kaklase kung hindi daw ba ako pupunta sa burol ni Donna. Nangilabot ako sa narinig kaya tinanong kong muli kung totoo bang burol ang narinig ko? Ibig sabhin ay patay na si Donna at sinabi nilang Oo daw. Apat na araw na daw ang nakakalipas, natagpuan daw sa kakahuyan si Donna na wala ng buhay at puro kalmot ang katawan. Nangilabot ako ng maisip ko ang duguang si Mira. Hindi kaya sya ang may gawa?
BINABASA MO ANG
My Half Sister's Abilities by Lira
HorrorSi Lira ay isang normal na tao lamang, normal mangarap sa normal na mundo. Pero sa kabila ng pagiging normal nya ay may maeecounter syang mga nilalang na magpapabago ng takbo ng normal nyang buhay. Kayanin nya kayang makipagsabayan sa mga ito lalo n...