[•Psensya na kung medyo natagalan akong mag-update, busy kasi ako sa work e. Kapit lang malapit narin itong magwakas•]
Mabuti na lamang at hindi ako nagkasakit kaya nakakapagpractice ako ng maayos sa school. Lumipas ang ilan pang araw at nagsimula na ang District Meet. Magkakaiba ng Schedule ang bawat manlalaro kaya naman napapanuod ko ang bawat laban ni Mira at napapanuod nya din ang bawat laban ko. "Pwede ka naring maging pambato ng Badminton Lira. Kaso graduating kana e. Mukhang kayong magkapatid ang maguuwi ng Gintong tropeyo para sa paaralan ntin ha." Wika ng kateam kong si Jasmine. "Hindi naman, medyo sanay lang tlaga ako sa larong Badminton dhil yun ang sinasalihan ko since Firstyear ako." Sagot ko sa knya at tumango nalang sya. Naunang umusad ang larong Badminton dhil sa mabilis na laban kasabay ng sepak takraw at Volleyball kaya naman kami ang mauunang pumunta sa ibang distrito. Maiiwan ang Players ng Archery, Marathon at Chess. "Ate, bukas ppunta na kayo sa ibang distrito. Mag-iingat ka ha, balita ko maraming manlalason doon kaya wag kang kakain ng pagkain na gawa nila. Susunod naman kmi doon sa makalawa, matapos ng bukas." Paalala ni Mira sakin. Tumango naman ako. Nakita kong may hinugot sya sa loob ng knyang damit at inilabas ang isang kwintas, hinubad nya iyon at isinuot sa akin. Napakaganda ng kwintas, kulay ginto ito na may pendant ng Crescent Moon at may bituin sa gitna na may asul na dyamante. "Isuot mo yan Ate. Pag-aari ni Mama yan at ibinilin nya kay Papa na ibigay sakin kapag 14 na ko. Kaya palagi kong suot yan. Nagsisilbing lucky charm ko yan pero dhil may sarili naman akong abilities ay ipapahiram ko muna sa iyo yan para magtuloy tuloy ang panalo mo sa laban." Wika nya, natouch naman ako dhil ipinagkatiwala nya sakin ang regalo sa knya ni tita Alisha. "Sabi mo ay palagi mo itong suot pero bakit hindi ko nakikita?" Tanong ko. "Lagi kasi yang nakatago sa loob ng damit ko Ate kaya hindi mo napapansin." Sagot nya. Tumango na lamang ako. Kinabukasan maaga kaming gumayak kaya nagpaalam na ako sa knya. "Magkita nalang tayo doon Mira. Hihintayin kita. Mag-iingat ka dito." Bilin ko. "Wag ka mag-alala Ate, nandyan lang si Domus sa paligid." Paniniguro nya. Mabuti nalang at nandyan lang si Domus sa paligid para bantayan si Mira. Kaya kailangan ko din mag-ingat dhil hindi naman ako lumaki sa Probinsya baka mapahamak pa ako kaya kailangan kong sundin ang bilin ni Mira. Nang makarating na kami sa ibang Distrito ay nakaramdam ako ng takot. Di hamak na mas liblib ang lugar na ito at kakaiba ang kanilang mga salita. Nakakatakot kung tumingin ang mga tao dito na animo'y mananakmal sila. "Ang creepy naman dito. Safe kaya tayo dito?" Wika ni Jasmine na kulang nalang ay magpakarga na sakin sa pagkakakapit nya."Siguro naman, kasama naman natin yung mga coach natin e. Saka marami naman tayo." Wika ko. Nang makarating na kami sa harap ng school ay sunod sunod narin kaming pumasok sa hindi kalakihang gate na kinakalawang na. Pagkapasok sa loob ay makikita mo kaagad ang mga rooms na hindi naman nagkakalayo. Maliit lang ang field nila at maliliit lang din ang rooms pero siguro ay kasya na sa knila dhil hindi naman kalakihan ang baryo nato. Tanaw din ang dagat mula dito sa loob ng school dhil nasa likod lang ang dagat ilang layo mula dito. Hapon narin ng makarating kami kaya pinagpahinga muna kami ng coach namin habang hinihintay ang hapunan. Tatlong rooms na magkakatabi para sa Players ng BM, VB at sepak takraw. Sa tapat naman namin ay ang mga PNHS players, tatlong rooms na magkakatabi din sa knila at sa kanang bahagi naman ang para sa BNHS at sa kaliwang bahagi ay para sa mga coaches. Matapos maghapunan ay maaga kming pinatulog upang makundisyon kami bukas (yung hapunan namin, coaches namin ang nagprovide, hindi yung mga tagadito sa baryo nato. Kanya kanyang dala ng foods kada school). Apat kami sa isang room puro girls kbilang si Jasmine. Katabi ko si Jasmine sa higaan at napakalikot nyang matulog, kaya naman bumangon ako at naisipan kong lumabas muna at magpahangin. Nasa labas lang naman ako ng room namin nakaupo ng mayamaya'y nakarinig ako ng sumusutsot. "Pst!" Kaya naman luminga ako sa paligid. Hinahanap kung saan nagmumula ngunit hindi ko makita. "Ate." Wika ng boses. Baka si Mira? Ako lang naman tao dito sa labas e. May nakita akong gumalaw sa isang puno sa gilid ng room ng PNHS at BNHS. Medyo may kadiliman kasi sa bhaging iyon ng puno kaya di ko sya maaninag masyado. "Ate." Tawag nya pang muli. Boses iyon ni Mira. "Mira? Ikaw ba yan?" Tanong ko habang papalapit ng papalapit. "Oo Ate. Halika." Sabi pa nya. "Bakit nandyan ka? Bakit nandito ka na? Sa susunod na araw kapa dapat nandito ha. Natapos ba agad ang Laro?" Tanong ko, hindi naghihinala. Malapit na malapit na ko sa puno kung saan nanggagaling ang tinig ng bigla akong mapatalon sa gulat dhil may humawak ng kamay ko para pigilan ako sa paglapit sa puno. Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang lalaki, dahil nakaharap sya ng bahagya sa room ng PNHS ay hagip sya ng liwanag na nagmumula sa loob ng room kaya maliwanag sa paningin ko ang mukha nya. Nakadilaw syang Jogging pants at nakaT-shirt ng white, maganda ang hubog ng katawan at may katangkaran. Kung inakala kong si Domus na ang pinakagwapo ay nagkamali ako dhil may ibubuga ang isang 'to. Di hamak na mas matangkad at mas maganda ang pangangatawan nya kaysa kay Domus. Pero sino kaya to? Marahil isa ito sa mga manlalaro ng PNHS nakadilaw e. "Saan ka pupunta?" Tanong nya. Napahinto ako, parang may kaboses sya. Kaso di ako sigurado. "Sa kapatid ko. Tinatawag nya ko." Simpleng sagot ko. "Sigurado kang kapatid mo ang tumatawag sayo? Hindi bat sa makalawa pa ang dating dito ng mga Players ng Archery? Paanong mapupunta ang kapatid mo dito?" Tanong nya sa istriktong paraan. "Teka nga. Bat ba nakikialam ka? Sino kaba? Saka ano bang alam mo? Saka bat alam mong player ng Archery ang kapatid ko? Hmm." Nakacross arm akong humarap sa knya. Nagtataray. Natahimik sya sandali bago nagsalitang muli. "Isa ako sa mga player ng PNHS. Nakita ko na kasi kayong magkasama ng kapatid mo doon sa unang distrito na pinagdausan ng unang laban." Wika nya, parang hindi pa sya sigurado sa sinasabi nya pero ang seryoso ng mukha nya. "Hmm. E wala namang taga PNHS dun ha. SNHS and NNHS ang nakalaban namin dun walang PNHS!" Sabi ko. Natahimik syang muli bago nagsalita ulit, para bang nag-iisip pa ng sasabhin. "Nandun ako kasi nanuod ako. Pinag-aralan ko kung paano kayong lumaban." Wika nya na muntik pang mautal. Sa totoo lang natatakot ako dahil ang seryoso nya talaga tapos ang istrikto nya pa kung magsalita, para syang si ano e. Si Icarus ba. Pero natatawa naman ako kapag nakikita ko sa mukha nya ang pangangapa ng mga sasabhin sa harapan ko. "Hmm. Magtatanong nalang ako kay Sir Alvarez para sigurado. Parang hindi ako makumbinsi ng mga pinagsasabi mo e." Wika ko sabay lingon sa pwesto kanina nung tumatawag sakin. Wala na, marahil ay iniengkanto ako kaya naman nahawakan ko ang pendant ng kwintas ni Mira at napatingin din sya doon. Tinalikuran ko ang lalaki ngunit naalala kong itanong ang pangalan nya kaya nilingon ko syang muli pero wala na sya. Ang bilis naman mwala nun. Kibit balikat akong tumungo sa Room nla Sir Alvarez at kumatok, pinagbuksan naman nya agad ako, mbuti nlang at gising pa sya "Goodevening Sir." Pagbati ko. "Oh Lira bakit gising kapa?" Tanong nya. "May itatanong lang sana ako Sir. May dumating naba dito na manlalaro ntin ng Archery o Marathon?" Tanong ko. "Wala pa. Sa makalawa pa sila darating. Bakit? May problema ba?" Balik tanong sakin ni Sir. "Ah. Wala naman Sir. Sige po magpapahinga napo ako. Kayo din Sir pahinga na kayo Goodnight po." Pagpapalaam ko. "Sige, matulog kana at ikaw ang Alas ko sa badminton bukas, Goodnight din." Umalis na ako at pumasok sa loob ng room namin. Humiga na ko sa tabi ni Jasmine at ipinikit ko na ang mga mata ko nang makarinig na naman ako ng boses. "Lira. Lira." Tawag nya sa pangalan ko. 'Sino na naman kaya to?' Naitanong ko sa isip ko. Hindi ko idinilat ang mga mata ko at kinapa ang kwintas ni Mira sa dibdib ko at hinawakan ang pendant nun. "Lira--" tawag nyang muli sakin pero biglang naputol. Anong nangyari dun? Pinakiramdaman ko na lamang hanggang sa tuluyan ng mawala kaya naman nakatulog na ko. Kinabukasan nagising ako na mahapdi ang mata dahil kinulang sa tulog. "Hoy Lira ayos kalang? Mukha kang sabog ha." Pagbibiro ni Jasmine. "Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi e. Ang likot mo kasi." Balik biro ko. "Ay talaga ba? Pasensya na ha? HAHA." Tawa nya kaya natawa nadin ako. "Players lumapit na kayo dito para sa warm up exercises bago tyo mag-almusal." Pagtawag samin ni Sir Alvarez. Nakaline kami paharap kay Sir ng dumaan sa likod ni Sir ang nakalinya ding mga taga PNHS. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila hanggang sa natapos ang linya ay hindi ko nakita ang lalaking kausap ko kagabi. Sayang ang gwapo pa naman nya. HEHE. Ano bayan, hindi pa nga ako nililigawan ni Domus ay nagtataksil na ako. Nag-umpisa na ang warm up at pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng uhaw. "Lira, nauuhaw kaba?" Tanong sakin ni Jasmine. "Oo bakit?" Sagot ko. "Tara bili tayo dun o. May nagtitinda ng samalamig dun." Turo nya sa labas ng gate at hinila nako kaya naman nagpatianod na lamang ako. Pagkarating dun ay may makikita kang tatlong nagtitinda. May nagtitinda ng palamig at mga kakanin. Yung isa naman ay banana cue. Yung isa naman ay mga chichirya at palamig din. "Pabili nga po ng palamig dalawa." Sabi ni Jasmine. Patingin tingin naman ako sa paligid dhil nagkalat ang mga players, hindi naman kami madami, nasa bente yta kami kasama na yung PNHS at BNHS. "Lira oh. Itong sayo." Abot sakin ni Jasmine. Pero bago ko pa man iyon mahawakan ay may ibang kamay na ang umabot dun at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking kausap ko kagabi. Ininom nya ang palamig ko ng dirediretso at inubos pa yun. "Salamat dito ha. Nauuhaw na kasi ako e." Natulala kmi pareho ni Jasmine sa knya. Pero si Jasmine ang unang nakabawi. "Hala Greek God. Ano pang gusto mo pogi? Treat ko?" Biglang sabi ni Jasmine, OA sa greek God. Pero natawa ako. Napatingin sila pareho sakin kaya tinikom ko ang bibig ko. "Pasensya kana dito sa kaibigan ko ha ang OA e." Hinila ko ang braso ni Jasmine at lumayo doon sa lalaki. Lumipat kami sa kbilang nagtitinda ng chichirya at bumili ako ng sealed mineral water. Mabuti nalang sya ang uminom nun. Nakalimutan ko ang bilin ni Mira. Pero marami naman ang bumibili e kaya wala sigurong manlalason dito. "Bat tayo umalis Lira, ang gwapo nun! Bhira ang ganoong mukha dito. Nakakainis ka." Pagmamaktol nya. Natawa ako. "Sige maiwan ka dun at sasabhin ko kay Sir Alvarez na nagpaiwan ka kasi nakakita ka ng pogi." Pananakot ko sa knya. Hindi ako natutuwa sa pagsulpot sulpot ng lalaking iyon sa harapan ko. Nakakatakot pa naman ang awra nya baka mamaya masamang nilalang 'yon. "Hala grabe si Lira. Palibhasa'y sanay kana sa mga gwapo dhil marami nyan sa Maynila e." Nagkatawanan nalang kmi at bumalik na sa room para magpalit at mag-umagahan dhil maya maya lamang ay mag-uumpisa na ang Laban. Magkakampi kami ni Jasmine sa loob ng court, nakakatuwa dhil nagkakasundo kami kaya mabilis ang naging laban namin. CNHS vs. PNHS ay panalo kami. BNHS at PNHS panalo naman ang BNHS kaya naman magiging kalaban namin ang players ng lugar na ito. "Lira napansin mong maglaro yung Player ng BNHS? Nakakatakot." Totoong nakakatakot. Dahil hindi ordinaryong maglaro ang dalawang iyon, ang sabi sabi ay magkakambal iyon at star player sa school sa lugar na ito dahil solid daw silang maglaro sa kahit na anumang laro. Hindi sila magkamukha, bukod doon ay may katangkaran ang isa sa kanila, yung morenang babae, yung isa naman ay medyo mababa na maputla. May nararamdaman akong kakaiba sa kambal na iyon dahil hindi ordinaryo ang mga kilos nila. Masyadong mabilis at madiskarte, naaalala ko si Mira sa knila. Hindi kaya? "Sila pa naman ang makakalaban natin sa makalawa. Hindi kaba kinakabahan Lira?" Tanong ni Jasmine. "Kinakabahan. Napanuod ko ang laban nila e. Masyado silang magaling at mabilis sa loob ng Court. Mukhang matatalo tayo." Sinabi ko yun dahil kung totoong tama ang hinala ko ay wala talaga kaming laban doon. Kinabukasan ay nagdatingan nadin ang ibang Players namin, kaya sinalubong ko si Mira. "Ate!" Patakbo syang yumakap sakin. "Kamusta?" Tanong ko. "Panalo Ate. Ginalingan ko." Nagtawanan kami. "Ikaw dito Ate?" Tanong naman nya. "Panalo din." Sabi ko. "Sabi na nga ba e. Magkapatid talaga tayo. HAHA." Sabi ni Mira.
"Sana nga ay magtuloy tuloy ang panalo e." Sabi ko, seryoso ang mukha. "Bakit naman Ate? May problema ba?" Takang tanong ni Mira. "Wala naman, kinakabahan lang ako kasi magaling dw yung mkakalaban namin bukas e. Taga dito sa BNHS." Sabi ko. Ayokong ipaalam kay Mira ang kutob ko dhil baka mag-alala sya. "Tlaga ba Ate? Pero wag kang mag-alala, may tiwala ako sayo at ichicheer kita." Pagpapalakas ni Mira sa loob ko. Ngumiti na lamang ako at nagpasalamat na nandyan ang kapatid ko. Kinahapunan ay nagsuka si Jasmine. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko. "Ang sakit ng tyan ko Lira. Simula pa ito kninang tanghali e. Pano ako lalaban bukas?" Nag-aalalang tanong nya. Lumabas ako ng room para punthan si Sir Alvarez at humingi ng tulong, pero nakita ko ang iba pang player na nagsusuka din. "Anong nangyayari? Tanong ko ng makalapit kay Mira. "Nalason sila Ate." Wika ni Mira. "Hala. Pano yan?" Tanong ko, nag-aalala. "Kailangan nila humanap ng manggagamot. Hindi basta basta ang lason dito, nakakamatay. Mabuti nalang Ate at sinunod mo ang bilin ko." Wika ni Mira. "Muntik na nga Mira e. Mabuti nalang at iba ang uminom, pero baka napahamak nadin yun." Nag-alala ako bgla dun sa lalaking umagaw ng palamig ko. "Baka mamaya kasama na sya sa mga sumusuka dyan." Sabi ni Mira. Inikot ko ang paningin ko pero hindi ko naman sya makita. Lumapit kami kila Sir Alvarez. "Sir, may nahanap napo ba kayong manggagamot?" Tanong ko. "Oo Lira. Tumawag sakin si Ms. Reyes, kaso mayamaya pa sila makakarating dto dhil may kalayuan ang lugar ng manggagamot dito. Jusko bakit ngayon pa ito nangyari. Sana lang ay gumaling sila agad dhil wala tayong manlalaro bukas kung sakali.
Bukod doon ay malalagot din kami sa magulang ng mga players na'to dhil kargo namin kayo, kaya sana lang ay maging maayos na ang kundisyon nila." Naiistress na wika ni Sir Alvarez. Kinagabihan ay dumating ang manggagamot at napag-alaman ngang nlason sila sa pagkain. "Mabuti na lamang at naagapan. Napakadelikado ng ganitong lason dhil hindi ito ordinaryo." Wika ng manggagamot. "Salamat po sa inyo at nailigtas ang mga estudyante namin." Pagpapasalamat ni Ms. Reyes. "Walang anuman. Iyon ang tungkulin ko." Sabi ng matanda at lumabas na sa room namin dahil si Jasmine ang huling ginamot kasi hindi naman malala ang knya, mabuti na lamang at palamig lang ang nainom nya. Napatigil ang matanda sa paglalakad ng makita nya si Mira na nakatayo sa harapan namin. "Kaygandang buwan." Wika ng matanda kaya naman napatingala kami ni Ms. Reyes sa langit pero wala naman kaming makitang buwan. Nang ibaba kong muli ang tingin ko ay na kay Mira pala ang paningin nya. "Kakaibang liwanag. Napakaganda." Sabi nyang muli. Lumapit naman sakin si Ms. Reyes at bumulong. "Wala namang buwan ha. Ano kayang sinasabi nya?" Sabi nya at tumingala muli sa langit, sinisilip kung nasaan ang buwan. "Mauuna na ako." Pagpapaalam ng matanda na lumingon pa sa amin kaya naman napaayos ng tayo ni Ms. Reyes. "Sige po, mag-iingat po kayo." Nakangiting wika ni Ms. Reyes. "Ikinagagalak kong makilala ka, munting Alisha." Sabi ng matanda kay Mira at tuluyan ng umalis. "Ano daw? Bakit tinawag kang Alisha nun Mira?" Tanong ni Ms. Reyes kay Mira. "Hindi ko po alam." Simpleng sagot ni Mira. Tumango nalang si Ms. Reyes at nagpaalam na aalis na sya. Naiwan naman kaming dalawa ni Mira. Kaya naman lumapit ako sa kanya. "Kilala mo yun?" Tanong ko sa knya. "Hindi. Pero kilala nya si Mama." Sabi ni Mira na nagtataka narin. "Oo nga. Ano kayang kinalaman nya kay Tita?" Tanong ko. Pero nagkibit balikat na lamang si Mira. "Hindi ko alam pero mukhang hindi naman sya masama." Kalmadong sabi ni Mira kaya napanatag naman ako. Kinabukasan ay una akong maglalaro sa umaga at sa hapon naman sila Mira. Mabuti na lamang at medyo maayos na ang lagay ni Jasmine at kaya na daw nyang maglaro. "Galingan nyo girls, alam kong kayang kaya nyong talunin yan." Pagchicheer samin ni Sir Alvarez. Pero ang totoo ay kinakabahan ako, dahil di hamak na sa abilidad palang ay lamang na sila. Dahil dalawa silang hindi ordinaryo. Pero saming dalawa ni Jasmine ay ordinaryo lamang kmi. Naramdaman ko ng hawakan ni Mira ang kamay ko. "Mananalo kayo Ate. Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Hindi ka man katulad ko ay talagang mahusay kana dhil umabot ka dito sa grandfinals. Magtiwala ka, Paaralan natin ang mag-uuwi ng gintong tropeyo." Nakangiti na naman sakin ang kapatid ko. Yung ngiti na pagagaanin lahat ng mabigat. Huling laban na to kaya kailangan manalo kami para may maibalita din ako kay Mommy. "Salamat Mira. Ibibigay ko ang best ko." Wika ko at nagyakapan kaming dalawa. Sinuri ko muna ang raketa ko bago kami pumasok sa loob ng court. Kinakabahan talaga ako pero pilit kong kinalma ang sarili ko at hinawakan ko ang pendant ng kwintas ni Mira. Pagkapasok sa court ng kambal ay napangisi sila sa amin. "Mukhang mananalo na naman tayo, mahihina ang kalaban." Wika ng matangkad na morena, tumango naman yung isa. Kung tutuusin ay magaganda din sila. Sila nga lang yta ang may kakaibang itsura sa lugar na ito e. Yung maputla ay masasabi kong tipikal na itsura ng mga engkanto, pero yung morena? Hindi kaya kapre ang tatay nito? Magsisimula na ang laban. Masyado silang mabilis, kada papalo ang maputlang babae ay sakin nya pinapupunta ang bola ng raketa. Mabuti na lamang at naikakalma ko ang braso ko kaya naisasalag ko ng mhinahon ang raketa ko kaya naman sa twing tatama na ito ay naipapalo ko rin ng maayos ang raketa ko. Kailangan ko ng doble, hindi tripleng focus dhil kung hindi matatalo kami. Sa unang round ay panalo kmi. Sa pangalawang round naman ay talo kami. Change court. 3rd quarter, ay humingi ng sub si Jasmine dhil nanghihina dw sya at parang nadedehydrate kaya naman nagprisinta si Mira na sya ang lalaban sa posisyon ni Jasmine. Noong una ay ayaw pumayag ni Ms. Reyes dhil baka mapagod sya dhil may Archery at Marathon pa sya mamaya. Pero nagpumilit si Mira. Pagkapasok namin sa Court ay tila nagulat ang kambal at napatitig kay Mira sabay ngisi. "Mukhang magiging maganda ang laban na ito." Wika na naman nung morena. Nagsimula ang laro pero nakapagtataka na tila pinagtutulungan nila si Mira, sa knya ng sa knya pinapupunta ang bola at mabuti nalang ay mabilis si Mira kaya hindi nya nailalaglag ito. Nang pumalo ng malakas si Mira ay hindi ito nasalo ng kambal, maging ako ay hindi inaasahan iyon. Nakita kong ngumisi si Mira, nakakakilabot. Ang inosente nyang mukha ay nagbago sa paraang nakakakilabot dhil sa pagngisi nya. Panalo kmi. 4th quarter ang pinakamainit na laban. Walang gustong magpatalo. Halos hindi nagkakalayo ang score. Kapag nanalo kami ay mangunguna na ang Paaralan namin.
BINABASA MO ANG
My Half Sister's Abilities by Lira
TerrorSi Lira ay isang normal na tao lamang, normal mangarap sa normal na mundo. Pero sa kabila ng pagiging normal nya ay may maeecounter syang mga nilalang na magpapabago ng takbo ng normal nyang buhay. Kayanin nya kayang makipagsabayan sa mga ito lalo n...