Nang makarating kami sa bahay ng manggagamot ay bumaba agad ako sa likod ni Icarus. Sinabi kong sa likod ng bahay na lamang sila magdamit, sa parteng madilim at sumunod naman sila sakin. Inilapag ko ang damit sa upuan na nasa ilalim ng puno at iniwan na silang dalawa doon. Pagkalapit ko sa may pintuan ng bahay ng manggagamot ay akma na sana akong kakatok ng bigla na lamang itong bumukas. Bumungad agad sakin ang nakangiting mukha ng matandang manggagamot. "Tuloy ka. Inaasahan ko na ang inyong pagdating." Wika ng matanda. Tumingin din sya sa likuran ko kaya napalingon ako. Nasa likod ko na pala yung dalawa, ang bibilis talaga nito. Pagkapasok namin ay nagtanong agad ako. "Paano nyo po nalaman na paparito kami?" Ngumiti sya. "Dahil sa munting Alisha. Hindi ba't nasa kamay na sya ng mga engkanto?" Sabi nya. Nagkatinginan kaming tatlo. "Pano nyo ho nalaman?" Tanong ni Domus. "Dahil kaibigan ko si Alisha. Kaya naman bata pa lamang ang kanyang anak ay nakamasid na ako mula sa malayo. Hindi ba Icarus?" Sabi nito at bumaling kay Icarus. Kaya naman napatingin kami kay Icarus. "Sabi mo nakita mo lang sya nung district meet? Ibig sabhin matagal nang nagkukrus ang landas nyo dahil kay Mira?" Tanong ko kay Icarus. "Oo kilala ko sya. Kaibigan sya ni Alisha. Pero ayokong makipagkaibigan si Alisha sa mga tao dhil mapapahamak lang sya. Kaso msyado syang mabait kaya minamanmanan ko yang matanda na yan, napatunayan ko naman na wala syang masamang balak kay Alisha kaya hinayaan ko nalang sila." Mahabang wika ni Icarus.
"Totoong napakabuting engkantada ni Alisha. Simula pagkabata ko ay nakikita ko na sya sa mga bundok. Marami na syang natulungan sa iba't ibang probinsya at iba't ibang paraan, kaya naman talagang nirerespeto sya ng mga nakakakilala sa knya. Kaya naman nung maulila ako ay sumusunod ako sa knya saan man sya pumunta, pero matagal kaming hindi nagkita ng lumuwas sya ng Maynila hanggang sa tumanda na ako at mamatay si Alisha." Wika ng matanda. Napatango tango naman kami ni Domus habang si Icarus naman ay nakatingin lang samin. "Oh sya simulan na natin ang ritwal. Kailangan nating mabawi ang munting Alisha bago sumikat ang araw, kundi mahihirapan na tayo sa mga susunod." Nagsimula na syang maglabas ng mangkok, kandila at kung anu ano pa at nagsimulang maglagay ng langis sa mangkok. Nag-usal ng ritwal at sinindihan ang kandila. Kami naman ay nakaupo lamang sa harapan nya at pinanunuod ang mga ginagawa nya. Hindi lumilikha ng kahit na anumang ingay. Pagkasindi nya sa kandila ay ipinatak nya ito sa langis. Nagkorteng (ㅏ) ganto ang itsura ng ipinatak na kandila. Matapos ay tila pinaghihiwalay nya ito ng hindi hinahawakan. Tila gumagamit sya ng salamangka o enerhiya. Nang mapaghiwalay nya ito ay bigla syang tumayo. "Humayo na kayo. Nasa kakahuyan na ang katawan ng munting Alisha. Madali kayo bago nila ito muling makuha. Dumako kayo sa bandang timog." Pagkasabi nyon ng matanda ay walang sabisabing nagbago ng anyo ang dalawa kaya naman sumakay agad ako sa likod ni Icarus at nagpunta sa timog. Malayo palang ay natatanaw ko na ang babaeng walang malay kaya ng makalapit kami ay bumaba agad ako kay Icarus at tinakbo iyon. Nakaputing kamison ang kapatid ko at masyadong mahaba na ang knyang buhok kumpara sa huli. Umaabot na sa kanyang tuhod at mas lalo syang pumutla. "Mira, Mira gising. Nandito na si Ate. Mira. Please." Sambit ko habang hawak ang pisngi nya at pilit ginigising. Sumilip ang liwanag ng bilog na buwan at unti unti ng bumabalik sa dating kulay ang balat ni Mira. Maging ang kanyang buhok ay umikli na muli na aabot lang sa kanyang bewang. Tila kumuha sya ng hangin dahil napasinghap sya pagkamulat nya ng kanyang mga mata. Pero iba ang itsura nito. Katulad ng sa pusa. "Ate." Maiiyak na sambit ni Mira at isinuksok ang knyang sarili sa leeg ko. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Shh. Nandito na si Ate. Wag ka nang matakot. Wag kang mag-alala hindi ka na namin pababayaan." Umiiyak din na sagot ko sa knya. "Halika na, kailangan na nating bumalik sa bahay. Baka malaman ng mga engkanto na nawala ka at hanapin ka pa nila." Inakay ko si Mira patayo para makauwi na kami pero bago pa man kami makasakay sa dalawa ay may nagpakitang isang magandang diwata samin. "Mira. Anak, halika. Sumama ka na sakin. Dito ka nabibilang at hindi sa mundo ng mga tao." Wika nito at ngumiti. Napakaganda nya. "Mama?" Wika ni Mira. Humarang naman si Icarus at Domus sa amin. Ngumiting muli ang babae at inilahad ang kanyang kamay. "Oo anak. Halika na." Wika nitong muli. Umalulong si Icarus at sinundan ni Domus. Nagngangalit ang panga ni Icarus. Bumitaw sakin si Mira kaya kinabahan ako. "Mira, no please. Hinihintay ka ni Mommy at Papa sa bahay. Don't do this. Hindi si Tita Alisha yan. Patay na sya." Sabi ko. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa mata ni Mira bago sya nagsalita. "Sobra akong nangungulila sa Mama ko. Pero hindi ako papayag na gayahin mo sya. Dahil walang sinuman ang makakagaya sa Mama ko!" Sigaw nya at bigla na lamang syang nagbago ng anyo. Ito naba yung sinasabi ni Papa na nagiging isang musang si Mira? Tumakbo sya palapit sa diwata at sinunggaban iyon. Pero sumabog ito ng bumagsak ito sa lupa at naging maliliit na liwanag na tila mga alitaptap. Napaatras ako ng magsama-sama ito at umaktong susugod. Tinulak ako ni Domus gamit ang kanyang ulo kaya npasakay ako sa likod ni Icarus. Umayos ako ng pgkakadapa para mkakapit ng maayos. Patuloy lmang kami sa pagtakbo, nangunguna si Mira at nsa likuran nmin si Domus. Sumabog muli ang liwanag at naghiwahiwalay. Sinalubong kmi nito kya napahinto kami hanggang sa palibutan kami nito. Bumaba ako kay Icarus para makagalaw sya ng maayos kung sakaling sumugod man ito. Umatras ako ng bahagya, ngunit nanlaki ang mga mata ko ng pumorma na naman itong susugod papunta sakin! Isinalag ko ang mga braso ko pero wala akong naramdaman na kahit ano. Nakita ko na lamang si Icarus sa harap ko dahil napaupo ako. Lumingon samin si Domus at Mira ng makitang mapaluhod si Icarus. Tumayo ako at tiningnan sya, doon ko napagtanto na nagkaroon sya ng mga paso dahil sa tila alitaptap na mga ilaw na yun. Nilapitan ko agad sya at niyakap. "Icarus, kaya mo paba?" Tumayo sya at umalulong. Sumakay ako kay Domus at nagsimula muli kaming tumakbo. Malapit na kaming makalabas sa kakahuyan kaya mas binilisan pa nmin ang pagtakbo. Nang makalabas ay tinahak na namin ang daan patungo sa bahay namin. Nang makapasok sa loob ng bakuran namin ay sumigaw agad ako. "Papa! Narito na kami!" Lumabas naman agad si Papa at sinalubong kami. Nakita ni Papa ang mga sugat na tinamo ni Icarus kaya pinasunod nya ito sa kwarto, sumunod din naman si Domus kila Papa. Nakita namin si Mom na nakatayo sa tabi ng sofa at magkahawak ang dalawang kamay. "Lira? Mira? Naryan naba kayo?" Tanong nya. Lumapit ako at hinawakan sya sa kamay. "Oo Mommy nandito na kami. Mira umakyat kana sa kwarto, doon kana magpalit ng anyo at magbihis. Susunod ako doon." Utos ko sa knya. Sumunod naman sya. "Mom. Hintayin mo kami dito ha. Tutulungan ko lang si Mira." Tumango naman si Mom. "Sige Anak. Asikasuhin mo muna ang kapatid mo." Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay naabutan kong nakahubo na si Mira at naghahanap ng damit sa loob ng aparador. "Ako na Mira. Pumasok kana sa loob ng banyo at maligo." Ngumiti sya sakin bago ako iniwan. Matapos ko syang mahanapan ng damit ay inilapag ko ito sa kama. Umupo ako doon at hinintay syang matapos. Nang matapos ay lumabas na sya at nagsimula ng magbihis, lumabas din kami agad at bumaba. Sinalubong naman ako ni Papa sa hagdan at iniabot sa akin ang Medkit. "Umakyat ka sa kwarto. Gamutin mo ang mga sugat ni Icarus. Binihisan ko narin sya. Nandoon si Domus." Sabi ni Papa. Tumango naman ako at pumanhik muli sa itaas. Nang makapasok sa kwarto ay tumayo naman si Domus. "Lira. Ikaw na muna ang bahala kay Kuya. Bababa muna ako." Wika nya kaya tumango ako. Pagkalabas ni Domus ay lumapit ako kay Icarus. Nakita ko ang malaking paso na tinamo nya sa tagiliran, bandang bewang paakyat sa may ribs at likod. "Icarus. Gagamutin ko ang sugat mo." Sabi ko. Ngumiti naman sya sakin. Hindi ko alam pero nasasaktan ako na makita sya sa ganitong kalagayan. Inangat ko ang damit nya at Hinugasan ko ang sugat gamit ang tubig ng dextrose saka pinahiran ng ointment at saka tinapalan ng gaza. Nang matapos ay ibinaba kong muli ang knyang damit. "Magpahinga ka muna dito Icarus. Babalikan kita mamaya. Pupuntahan ko lang sila Mira sa baba." Tumango naman sya at ngumiti. Bat ba napapadalas ang pangngiti nito sakin? Iniling ko ang ulo ko para hindi mag-assume. "Sya nga pala. Salamat ulit sa pagliligtas mo sakin Icarus. Kung hindi mo ginawa yun ay ako sana ang nasa kalagayan mo ngayon." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay maiiyak ako. "Ginawa ko yun Lira dahil gusto kitang protektahan. Kaya walang anuman." Wika nya bago ipinikit ang kanyang mga mata. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto pero hindi muna ako bumaba ng hagdan. Nakatayo ako sa poste ng hallway namin kung saan tanaw sila Mommy mula sa baba. Yakap yakap ni Mommy si Mira habang si Domus naman ay nakaupo sa couch at nakatingin sa kanila. Si Papa naman ay niyakap si Mommy at Mira. Habang pinagmamasdan ko sila ay bigla na lamang tumulo ang luha ko. Naisip ko na lahat kami ay nagsusuffer dahil dito. Siguro kung hindi nagkulang si Mom kay Papa ay hindi sya maghahanap ng iba. Siguro hindi nya makikilala ang engkantadang si Tita Alisha na may kumplikadong buhay. Wala sanang Mira, at siguradong normal lang ang pamumuhay namin. Pero dahil tadhana ang nagdugtong dugtong sa amin ay hindi ito maiiwasan. Masyadong mapaglaro ang tadhana para maranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko, kung saan kumplikado ang lahat. Marahil ay sobrang nahirapan si Papa. Sa pagtatago kasama si Tita Alisha, sa pag-aalaga, pagpapalaki, pasensya at pagmamahal nito kay Mira. Pareparehas kaming dehado dito. Pero sa twing titingnan ko ang sitwasyon ng kapatid ko ay naiisip ko na sya ang pinakanakakaawa kumpara sa aming lahat. Ang mabuhay bilang kalahating engkanto at tao ay hindi madali. Kailangan nyang limitahan ang kanyang sariling lakas, bawal makipagkaibigan, at higit sa lahat ay bawal umibig sa tao dahil maaaring magaya sya kay Tita Alisha. Walang kalayaan si Mira. At sa twing titingnan ko naman ang maamo nyang mukha, tila ba sinasabi nitong magiging maayos din ang lahat. Ganun si Mira, meron syang aura ng positive vibes. Mahal na mahal ko si Mira at masaya ako sa pagdating nya sa buhay namin. Naniniwala naman akong malalagpasan din namin ang lahat ng ito basta't magkakasama kami. Walang ibinibigay ang Diyos na pagsubok na hindi kayang lagpasan ninuman. Mahirap pero kung tatayo ka at hahakbang ay madadaanan mo rin ito at malalagpasan.
Nahinto ako sa pagmumuni muni ng bigla nalang may bumagsak sa bubong namin. Lumikha naman ng kakaibang ingay ang mga ibon at umalulong ng sabay sabay ang mga aso. Kinilabutan ako sa mga naririnig kaya tumakbo ako pababa. "Ano yon?" Tanong ko. "Narito na ang mga engkanto." Wika ni Domus. "Magtago kayo sa basement. Domus, kunin mo ang kuya mo at dalhin mo sa basement. Hindi pa nun kayang lumaban kaya ako na ang lalabas." Wika ni Papa. Pumunta sya sa kusina at lumabas na may dala ng galon ng gas at lighter. "Papa anong gagawin mo?" Tanong ko. "Takot sa apoy ang mga engkanto anak. Itataboy ko lang sila." Wika nya. "Hindi Gino! Bakit ka lalabas? Pano kung atakihin ka nila?" Nag-aalalang wika ni Mom. "Papa wag na po." Pigil naman ni Mira sa braso ni Papa. "Sasamahan ko nlang si Mang Gino." Wika nman ni Domus. "Lira, ikaw na ang bahala kay Kuya." Bilin sakin ni Domus. Bago pa man makapaglakad patungo sa main door sila Papa ay pababa na si Icarus ng hagdan. "Narito na pala sila. Halika na." Wika ni Icarus. "Kuya." Madiing sabi ni Domus. "Icarus, wag kanang sumama sa kanila. Samahan mo nalang kami sa basement." Sabi naman ni Mira. "Kailangan ko silang samahan. Baka mapahamak sila." Sabi ni Icarus. Hinawakan ko sya sa braso at hinatak. "Sa amin ka sasama at hindi kila Papa. May tiwala ako kay Papa at Domus. Hindi pababayaan ni Domus si Papa kaya wag matigas ang ulo mo at sumunod ka samin." Hinila ko na sya papuntang basement. Inalalayan naman ni Mira si Mom. 'Gusto pang sumama doon e halos hindi nga nya maibaba yung braso nya dhil tatamaan yung sugat nya sa tagiliran' nasabi ko sa isip ko. Nang makapasok sa loob ng basement ay naupo na kami. May sofa kami sa loob nun kaya doon kami naupo. Nakahiga si Mira sa Lap ni Mom, nsa harap nman nila kmi ni Icarus. Natutuwa ako dhil ang sweet nlang tingnan. Nalungkot siguro si Mira nung mkita nya ang mukha ni Tita Alisha knina. Si Icarus naman sa tabi ko ay napansin kong nakatitig sa akin dahil nakikita ko sya sa gilid ng mata ko kaya nilingon ko sya. "Bakit?" Tanong ko. "Noon sa malayo lang kita tinatanaw pero ngayon ay katabi na kita." Feeling ko ay kinilig ako sa sinabi nya pero hindi ko ipinahalata. "Ano bang pinagsasabi mo? Siguro stalker talaga kita no? Crush mo ko no?" Pabiro kong tanong pero kinakabahan. "Hindi ko nauunawaan ang mga sinasabi mo." Wika ni Icarus kaya natawa ako, pinigil ko din agad ng makita kung gaano kaseryoso ang mukha nya. "Wag mo nang intindhin. Sya nga pala hindi ba't ayaw mo sa mga tao? Bakit ka lumalapit sakin? Dahil ba kapatid ako ni Mira?" Tanong ko. "Totoong ayaw ko sa mga tao. Pero nung makita kita ay nagbago ang paniniwala ko. Simula nung dumating ka dito ay tinatanaw na kita mula sa malayo. Kahit saan ka man magpunta ay nakasunod ako. Kaya madali kitang naiiligtas sa twing may gagawin kang hakbang na padalos dalos." Wika nya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi nya. "Bakit mo naman ako tinatanaw? At bakit kailangan mo akong iligtas? Bakit kailangan mong bantayan ang mga kilos ko?" Halos mautal na mga tanong ko. Kinakabahan. "Sa tingin ko ay umiibig ako sayo. Sa totoo lang ay ayaw ko sayo dahil tao ka. Ayokong matulad kay Alisha ang isa man sa atin pero hindi ko mapigilan ang nararam---." Tinakpan ko ang bibig nya agad at hindi na sya pinatapos pang magsalita. Pagkatapos ay sinampal ko ang sarili ko at kinurot ang braso ko. Nananaginip ba ko? "Anong ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang iyong sarili?" Seryosong tanong nya. Nakakatakot. "Ah Wala. HEHE." Lutang na sabi ko sa kanya. Napalingon ako kila Mommy pero parehas na silang tulog ni Mira. Tumingin muli ako kay Icarus, halos magkalapit na ang mga mukha namin kaya naman nagulat ako ng biglang pumasok sila Papa kaya napatayo ako agad at tumama ang ulo ko sa mukha ni Icarus. "Aray." Sabi nya habang hawak ang ilong. Hindi naman ako nakaramdam ng sakit at humarap kila Papa. "Naitaboy na namin sila. Magpahinga ka nadin Lira at luluwas tayo ng Maynila mamaya. Hindi na ligtas si Mira dito." Sabi ni Papa. Tumango naman ako at umupo sa kbilang side ng sofa na inuupuan namin ni Icarus. Ipinatong ko ang paa ko at nagtalukbong ng kumot. 'Mukhang hindi ako patutulugin ng Confession ni Icarus. Kaya naman kinabukasan ay nagising akong parang sabog. "Lira. Ayos kalang ba? Para kang Lutang. Maligo na kayo. Doon na lamang tayo sa barko mag-almusal." Wika ni Papa. Bumangon ako at inikot ang paningin, wala na ang magkapatid. Tila napansin naman ni Papa ang hinahanap ko kaya nagsalita na sya. "Umuwi muna ang magkapatid. Ihahatid nila tayo mamaya sa Pier." Tumango naman ako at lumabas na sa basement. Inakay ko na si Mira at Mommy sa taas. Sabay sabay kaming naligo. Nang matapos makapagbihis ay lumabas na kmi ng kwarto. Naabutan namin ang magkapatid na nasa baba na at naghihintay. Umalis din kami kaagad ng mailock ni Papa ang bahay. Nang makarating kami sa Pier ay inihatid na kami nito sa barko. "Domus. Mag-iingat ka dito ha? Kayo ni Icarus." Nag-aalalang bilin nito kay Domus habang magkahawak sila ng kamay. 'Sabi nanga ba may something tong dalawa na to e.' Sabi ko sa isip ko at napangiti habang pinagmamasdan sila. "Mag-iingat ka doon at wag kang gagawa ng mga hakbang na padalos dalos." Biglang sbi ni Icarus kaya naman napalingon ako sa knya. "Ako ba ang kausap mo?" Tanong ko. "Oo ikaw lang naman ang kaharap ko." Sagot naman nya. Kung magsalita kasi ay animo'y isang Ama na nagbibilin lamang sa kanyang Anak. Wala man lang lambing. "Oho Itay." Sabi ko. "Anong Itay?" Tanong nya. Natawa nman ako. "Oo nga. Hndi na ko mgpapadalos-dalos. Mag-iingat din kayo dito." Wika ko sa knya. Tinawag na kmi ni Papa na nakaalalay kay Mommy. Kaya nman lumingon kami ni Mira kay Papa saka muling bumaling sa kaharap. "Sige na Icarus. Hanggang sa muli." Sabi ko at tumalikod na, pero bago pa man ako makapaglakad ay hinawakan nya ko sa kamay dahilan para mahinto ako. Nang lingunin ko sya ay hinalikan nya ang likod ng palad ko. "Hanggan sa muli. Aking prinsesa." Wika ni Icarus sa sweet na paraan. Pakiramdam ko namula ang mukha ko kaya ngumiti nalang ako saka tumalikod at tumakbo. Napahawak ako sa mukha ko at kinikilig. "Ate ayos kalang ba? Namumula yang mukha mo. Naiinitan kaba?" Tanong ni Mira nang makasakay na kami sa barko. "Ah HEHE. Hindi. Ayos lang ako Mira." Tumango naman si Mira at lumapit na kami kila Mommy. Kinabukasan, ng makarating sa bahay ay nagpahinga muna kami. Lumipas ang ilang buwan ng pamamalagi namin sa Maynila at sumapit na ang ikalabing anim na kaarawan ni Mira at ilabing syam naman ng sakin. Tulad ng inaasahan ay isang linggo na naman akong nakaratay. Mabuti na lamang ay lumuwas ang magkapatid upang magdala ng Langis para sakin. Tulad noong una ay sumuka muli ako at nakaramdam ng ginhawa. Sinabi din ni Domus na maaari na muli kaming bumalik ng Probinsya dahil lumipas na ang aming kaarawan. Sumama kaming muli sa knila pero makalipas ang ilang buwan ay nagpasya akong umuwi ng Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa darating na pasukan. Dahil balak kong sa Maynila magtrabaho. Sinabi ko naman kay Mom na maiwan nalang muna sya dito para may kasama sya. Noong una ay hindi sya pumayag pero napilit ko naman sya. Bumalik nadin sa pag-aaral si Mira hanggang sa makagraduate sya. Habang nasa Maynila naman ako ay hindi ko maiwasang mapailing nalang sa twing nahahagip ng paningin ko si Icarus. Sa totoo lang ay natatakot ako dahil feeling ko unti unti narin akong nahuhulog sa knya. Ayoko na sanang madagdagan pa ang mga kumplikadong pangyayari sa buhay ko. Pero ayoko naman syang saktan. Ang akala ko ay maayos na ang lahat. Pero hindi pa pala. Akala ko na naman. Isang gabi. Tumawag sakin si Papa. "Lira Anak." Paunang salita ni Papa. "Bakit Papa? May problema ba?" Tanong ko. "Oo Anak. Si Mira, napagbintangan syang Aswang ng mga taga Baryo. May dayo kasi dito at sa pagkakaalam ko ay iyon ang Aswang. Nanginginain sya ng mga alagang hayop dito. Dahil sa concern ni Mira sa mga tao ay sya ang naabutan sa pangyayari. Nandoon sana sya para pigilan ang Aswang dhil natatakot na ang mga tao. Pero dahil bihira naman nilang makita si Mira ay ito ang pinagbintangan nila ng makita nila si Mira sa pinangyarihan. Gusto nilang palayasin si Mira dhil kung hindi ay papatayin daw nila si Mira." Mahabang kwento ni Papa. "Ano? Bakit nila gagawin yun? Napakawalang puso naman nila, paano na si Mira? Uuwi ba kayo dito?." Tanong ko. Nag-iinit ang ulo ko. Isa to sa mga dahilan kung bakit pinipili naming itago ang mga kakayahan ni Mira. Dahil bukod sa makitid ang utak ng ibang tao ay hindi nila ito nauunawaan o pinaniniwalaan. "Hindi. Nagdesisyon si Mira na sumama na lamang kay Domus. Tutal matagal nang gustong mapangasawa ni Domus si Mira pero sinabi kong pagtapusin muna ng pag-aaral si Mira kaya naghintay naman sya. Sa tingin ko ay maigi nadin ito para sa knya Anak. Doon ay malaya syang ipakita ang tunay na sya na walang sinuman ang huhusga, wala nang magbabalak na kumuha pa sa knya, wala nang mananakit pa sa knya doon. Pero maaaring hindi na natin sya makita pang muli." Malungkot na sabi ni Papa. "Kailan sasama si Mira?" Tanong ko. "Sa makalawa, hihintayin ka daw nya bago sya umalis." Sabi ni Papa. "Sige Papa, pupunta ako dyan bukas." Matapos ang usapan namin ni Papa ay natulala ako. Nilamon ako ng lungkot sa isipin na mawawala na ang kapatid ko sa piling namin. Kunsabagay ay tama si Papa. Magiging malaya si Mira doon. Naiyak na lamang ako dhil sa sobrang lungkot hanggang sa makatulog. Kinabukasan ay umalis kaagad ako patungo sa Probinsya. Nang makarating ay syang araw din ng pag-alis ni Mira. "Ate. Mamimiss kita. Kayo ni Mommy at Papa." Umiiyak na sabi ni Mira habang nag-uusap usap kami sa sala. Nasa labas naman ng bahay ang magkapatid. "Ako din Mira. Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Tanong ko na umiiyak nadin. "Kailangan Ate. Ito nalang ang naiisip kong paraan dahil doon naman talaga ako kabilang. Hindi ko maipapangako na magkikita tayong muli dhil sabi nila kapag pumasok kana sa mundo nila ay hindi kana basta-basta makakalabas pa. Maraming tao pa ang lilipas bago iyon mangyari, kaya sana ay mahintay nyo ako." Naiiyak na sabi ni Mira. Niyakap namin sya ng mahigpit. "Maghihintay kami Anak. Hihintayin namin ang pagbabalik mo." Umiiyak na wika din ni Mommy. Si Papa naman ay hindi na nagsalita pero namumula narin ang knyang ilong at mata. Niyakap na lamang nya si Mira ng mahigpit at hinalikan ito sa noo bago tuluyang magkalas. Lumabas na kami at sinalubong naman ni Domus ang kanyang mapapangasawa. "Aalis na ho kami. Hanggang sa muli Lira." Sambit ni Domus. Naiiyak na yumakap ako kay Mommy dahil hindi ko kinakaya na makita ang papalayong bulto ni Mira. Lumipas ang ilan pang taon at namuhay na muli kami ng normal. Maliban pala sa akin dahil may engkanto parin na sunod ng sunod sakin. Pinilit kong ipagtabuyan si Icarus palayo sakin dahil hindi ganoon kadali ang malink sa mga engkanto. Mahal ko si Icarus at masakit para sa akin ang ginagawa kong pananakit sa damdamin nya, pero hindi kami pwede. Ayoko nang ulitin pa ang History ni Tita Alisha at Papa. Palagi ko syang itinataboy hanggang sa tuluyan na syang mawala. Labis akong nalungkot ng hindi ko na maramdaman pang muli ang presensya nya. Umiiyak ako gabi gabi sa twing naaalala ko ang mga luhang pumatak mula sa mga abong mata ni Icarus. Nagdarasal na sana ay tao na lang din sya o kaya naman ay engkantada nalang din ako para pwede kami. Sa ngayon ay nagtatrabaho na ako dito sa Maynila. Ni anino ni Icarus ay hindi ko na nakita pa. Twing bakasyon ay umuuwi ako sa Probinsya dahil doon narin namalagi si Mom dahil nagkabalikan na sila ni Papa. Ayaw lisanin ni Papa ang bahay namin doon dahil naroon lahat ng ala-ala ni Mira. Si Mom naman ay nakakakita na. Nagpaopera na sya Last year February sa US. Sa twing naroon ako sa Probinsya ay palagi akong pumupunta sa kakahuyan o kaya sa ilog, nagbabaka-sakali na magpakita ang isa man sa kanila pero umuuwi lang akong bigo. At dahil nga modern na ang panahon ngayon, ay dumami narin ang mga kabahayan sa Baryo nila Papa, kaya bihira na lamang ang usaping engkanto. Naging alamat na lamang ang mga nagdaang pangyayari sa Baryong ito.
[•Salamat sa pagsama sakin hanggang wakas. Sa mga matyagang naghihintay na mapost bawat part ng Story ko. Sa mga naluha, natakot, at kinilig ay masaya ako dahil parehas tayo ng mga naramdamang emosyon nung nasa pangyayari pa ako. Nalulungkot din ako dahil hanggang dito nalang ang kaya kong maikwento sa inyo. Hindi rin po ako Author sa wattpad, ibang level napo iyon. Dahil kapag writer ka ng fiction stories, kailangan malawak ang imagination mo. Hindi po ako qualified doon. Nagpapasalamat din ako sa matyagang pageedit at pagpopost nito ni Admin CrisJoy at Admin Chai. Actually nalaman ni Papa na nagkukwento ako dito about sa mga pinagdaanan namin at pinagtalunan namin ito. Narinig nya kasi na nagkukwentuhan kami ni Mommy about dito sa Spookify. Ayaw kasi talaga ni Papa na maexpose ang mga nangyari sa nakaraan lalo na at involve ang kapatid ko. Pero natapos ko na e, kaya wala na syang magagawa. Ipinaliwanag ko din naman sa knya na hindi ko naman sinabi lahat lahat dito. May mga itinago naman akong ibang detalye at sa huli ay napabuntong hininga na lamang sya. HAHA. Tigas ulo talaga si Lira no? Btw, sa mga nakakaranas ng katulad nito, alam kong malalagpasan nyo din lahat ng pagsubok basta't may pagkakaisa at pagmamahalan sa loob ng pamilya. Sa mga naiwan na katulad namin, wala tayong ibang magagawa kundi ang maghintay sa muli nilang pagbabalik.•]
Alam kong hindi nyo nababasa to pero gusto ko lang ishare sa readers. HEHE.
To Icarus : Thankyou sa lahat. Iloveyou, goodbye.
To Domus : Salamat din sa lahat, and please Take care of my Sister.
To my Sister : We miss you at nandito kami lagi, Naghihintay kami sa pagbabalik mo kahit ilang taon pa ang lumipas. Stay Healthy kung nasan kaman ngayon My Titania.
To Our Titan Goddess of the Moon.
Iloveyou Selene 🌙.
BINABASA MO ANG
My Half Sister's Abilities by Lira
HorrorSi Lira ay isang normal na tao lamang, normal mangarap sa normal na mundo. Pero sa kabila ng pagiging normal nya ay may maeecounter syang mga nilalang na magpapabago ng takbo ng normal nyang buhay. Kayanin nya kayang makipagsabayan sa mga ito lalo n...