IX

232 7 0
                                    

Lumipas panga ang ilan pang araw at nakarecover naman ako. Sabi ni Papa kapag si Mira ang nagkakasakit ay twing kaarawan nya lang at paglipas ng araw na yun ay magaling na agad sya. Pero ako inabot ng halos isang linggo, siguro daw ay dahil normal na tao ako at si Mira naman ay hindi. Matapos kong tuluyang gumaling ay eksaktong sembreak na nmin kaya naman sinabi ni Mommy na uuwi na kami bukas ng Maynila. Mga bandang hapon ay lumabas ako para hanapin si Domus, dhil ipinangako ko sa knya na isasama ko sya kapag uuwi na kmi ng Maynila. Pumunta ako sa kakahuyan, tutal maliwanag pa naman. "Domus!" Sigaw ko. "Anong maipaglilingkod ko sayo mahal na reyna?" Bulong nya sa likod ng tenga ko, syempre nagulat na naman ako. Hindi parin kasi ako nasasanay, kaya bahagya na naman syang natawa sa reaksyon ko. "Wala akong kasalanan." Depensa nya agad sa sarili nya, kaya natawa ako. "Bukas na kami aalis papuntang Maynila. Sasama kaba?" Tanong ko. "Isasama mo talaga ako?" Masayang wika nya. "Oo naman. Sinabi ko yun sayo e. Baka madismaya ka pag iniwan ka namin." Sagot ko. "Kasama si Mira?" Tanong nyang muli. "Oo kasama ang kapatid ko, kaya kung iniisip mong maililigaw kita sa Maynila ay hindi mangyayari yun dahil alam kong kayang kaya mong hanapin ang amoy ng kapatid ko. HAHA." nagkatawanan kami. "Lira, nagpapasalamat ako at magaling kana." Malambing nyang wika. "Syempre, bukod sa malakas ako ay nandyan ang pamilya ko." Masayang wika ko. "Nag-alala ako sayo. Ibig kong sabhin ay kaming lahat." Sabi nya. "Alam ko, nakakatakot kaya. Kala ko nga mamamatay na ko e." Sabi ko. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Domus. "Mabuti nalang talaga at ligtas ka, kundi masasaktan akong makita na madurog ang puso ni Mira." Emosyonal nya iyong sinabi. 'Sabi ko na nga ba e. May lihim kang pagtingin sa kapatid ko.' Nasabi ko sa isip ko. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot pero totoong masaya ako para sa knila kung magustuhan man nila ang isa't isa. "Bukas tayo ng umaga aalis. Kaya maghanda kana agad ngayong gabi. Ipinaalam ko narin kay Mommy ang pagsama mo at pumayag naman sya. Gusto mo ba sa amin ka nalang maghapunan?" Anyaya ko nung magkalas kami sa pagkakayakap. "Naku, hindi na. Kailangan magkasabay kami ni Icarus sa hapag." Pagtanggi nya. "E di yayain mo din sya." Sabi ko. "Hindi haharap sa mga tao yun. Ayaw nanga nya humarap sa Papa mo, idagdag mo pa yung Mama mo at ikaw. Lalong hindi magpapakita yun." Sabi ni Domus na tinanguan ko nalang. 'Gaano kaya kalaki ang pagkamuhi ni Icarus sa mga tao?' Naitanong ko na naman sa isip ko. "Oh sya aalis na ko. Bukas ng umaga kailangan nasa tapat kana ng bahay namin ha?" Paalala ko sa knya bago tumakbo pabalik ng bahay. Pero bago pa man ako makarating sa loob ng bakuran namin ay may nahagip akong nilalang na nakatayo sa gilid ng puno. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang lalaking taga PNHS. Kumunot ang noo ko at pinakatitigan sya. Prenteng nakasandal sya sa katawan ng puno at nakapamulsang nakatitig sakin, kaya naman sinigawan ko sya. "Hoy, lalaking kabute. Anong ginagawa mo jan?" Tanong ko habang lumalakad papalapit sa knya. Hindi naman sya natitinag sa pagkakasandal nya at diretso ang titig sakin. Putsa para kong natatae sa kaba e. Bat parang ang seryoso ng mukha nito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong kong muli ng makalapit sa knya. "Wala. Napadaan lang, may pinuntahan kasi ako malapit dito. Bakit mo tinatanong?" Barumbado nyang tanong sakin. 'Aba, ang sarap kutusan neto ha.' "Syempre, nakakagulat lang na makikita kita dito sa tapat ng bahay namin, e taga kabilang baryo ka. Malay ko ba kung stalker ka." Sabi ko sa knya, nagtataray. "Anong ibig sabhin ng stalker?" Seryosong tanong nya. "Ah wala." Sabi ko at tinalikuran na sya. Nkakatawa sya na nakakatakot. Ignorante, parang si Domus. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin para maumpisahan na naming mag-impake. "Ate, nasabihan mo naba si Domus?" Tanong ni Mira pagkapasok ko sa kwarto. "Oo sasama daw sya." Sabi ko. "Mabuti naman kung ganun." Nakangiting sabi ni Mira. Nang matapos mag-impake ay naghapunan na kmi at natulog. Kinabukasan ay bumungad samin ang masayang mukha ni Domus. Nakatayo na sya sa tapat mismo ng pinto ng bahay namin, kaya naman nagulat kami ni Mommy nung pagkabukas nmin ng pinto ay naroon na sya at nakangiti pa. "Magandang umaga ho." Pagbati nya. "Magandang umaga din Hijo." Sagot naman ni Mommy sa knya na nakahawak parin sa dibdib nya. "Ako na ho ang magdadala nyan." Turo nya sa mga maleta namin. Nagulat kami ni Mommy ng buhatin nya ang dalawang malaki at mabibigat na Maleta na tila ba walang laman iyon. "Jusko, engkanto din pala ang isang to." Sabi ni Mommy. Natawa ako.
Nang makasakay kami sa barko ay napansin kong walang dalang bagahe si Domus. "Domus, nasan yung bagahe mo?" Tanong ko. "Ano iyon?" Sagot nya. "Bagahe. Yung katulad nito." Turo ko sa maleta namin. "Wala naman kaming ganyan e." Sabi nya. "Paano ka magpapalit ng damit kung wala kang dalang damit?" Tanong ko. "Kumukuha lang ako ng damit na isinasabit ng mga tao sa labas ng bahay nila." Inosente nyang sinabi. Napatitig ako sa knya saka natawa ng sobrang lakas. Nagtinginan ang ibang pasahero samin at maging si Mommy at Mira ay napalingon. Napahawak ako sa tyan ko at sa balikat nya para sa suporta dhil sa sobrang kakatawa, Jusmiyo napakaignorante ni Domus. "Bakit ka tumatawa?" Inosenteng tanong nya sakin. Maging si Mommy at Mira ay lumapit na at nagtatakang nakatingin sakin. Di kasi nila narinig yung pinag-uusapan namin ni Domus dhil medyo malayo sila samin. "Wala. HAHA." Pahabol ko pa. Makalipas ang isang araw ay nkarating narin kami ng Maynila. Nagpahinga muna kami at namasyal kinabukasan. Marami pang katatawanan na ginawa at sinabi si Domus(pero hindi ko na iisa-isahin dhil sobrang dami at hahaba ang kwento.) Sa loob ng sine, sa Mall, sa Park, sa Star City at sa Bar. Lahat yun ay pinasyalan namin sa loob ng limang araw at puro tawa lang ang ginawa namin ni Mira dahil kay Domus. Mabuti na lamang at marami ng alam si Mira dhil nkikita naman nya ito sa tv. Binilhan din namin ng mga damit si Domus para di na sya magnakaw, isinabay nadin namin si Icarus dhil alam nman ni Mira ang sukat nya. "Bakit mo pa kmi binibigyan ng ganito Lira? Masisira lang to pag nagbagong anyo kmi. Sayang ang gaganda pa naman." Reklamo ni Domus. "E di hubarin mo muna bago ka magtransform." Sabi ko, nagtawanan kami ni Mira. Tulad ng inaasahan ko ay agaw pansin talaga ang mga kasama ko. Lalo na sa loob ng shop na binilhan namin ng damit para kila Domus. Halos lahat yta ng saleslady at customer doon ay humahaba ang leeg sa kakatingin kay Domus at Mira. Mapababae man o lalaki. Agaw pansin naman kasi talaga ang tangkad ni Domus, magandang hubog ng katawan at malabritish na mukha idagdag mo pa ang abo nyang mga mata. Di nla alam engkanto yun! HEHE. Si Mira naman kala mo ay Modelo. Dhil sa makinis nyang balat at maputlang kutis. Slim na pangangatawan, mahaba ang tuwid at itim na itim na buhok at ang pinakanagpapaganda sa kanya ay ang ngiti nya na tila pinagagaan ang paligid. (Alam nyo na kung bat ako naiintimidate? Maganda ako pero mas maganda ang kapatid ko!) Habang naglalakad kami sa loob ng Mall ay may nahagip na naman ako. Pagkalingon ko sa gilid ng isang store ay nakita ko na naman ang lalaking kabute. Dun na ko nakaramdam ng pagkabalisa, nakakatakot kasi ang awra nya at bakit parang sinusundan nya ako. Ayoko mang maging asyumera pero hanggang dito ba naman sa Maynila ay natunton nya ako. Anong pakay nya? Nakacap sya ng black pero madali ko syang nakilala dhil sa ngiti nya. Pagkatapos nyang mag-iwan ng ngiti ay tumalikod na sya at naglakad palayo. Binalak kong habulin sya pero hindi ko na sya makita dhil sa dami ng tao. 'Alam kong sya yun. Ano ba tlagang pakay nya sakin? Anong kailangan nya?' Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng biglang lumapit sakin si Mira. "Ate, kanina ka pa namin tinatawag ha. Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya sakin. Magsasalita palang sana ako ng biglang magsalita si Domus. "Parang naamoy ko si Kuya." Biglang sabi nya. "Ha? Si Icarus nandito? Hindi ko naman naramdaman ang presensya nya kaya imposible yang sinasabi mo. Saka hindi makakasunod dito yun. Ayaw nga nun sa tao e." Wika ni Mira. "Siguro nga, pero naamoy ko talaga sya e. O baka naman nagkamali lang ako. Nasasanay na ko sa Amoy ng Kuya ko HAHA." sabi nya kaya nagtawanan nlang kami. Pinilit kong iwaksi ang lalaking kabute sa isip ko at itinuon ang atensyon sa pamimili. Matapos ang sembreak ay bumalik na kami sa probinsya. Naging abala ako sa pag-aaral dhil nga graduating ako kaya naman wala na akong oras na sumama sa mga lakad ni Mira at Domus kaya hinayaan ko na lamang muna silang dalawa. Dumating nanga ang graduation ko at masaya kaming muli dhil nandun din si Mommy para magsabit ng Medalya ko dahil ako ang Valedictorian. Kaya naman may speech ako(pero di ko narin sasabhin dhil mahaba iyon.) Kasama si Domus at Mira sa mga pinasalamatan ko syempre, hindi nawala si Papa at Mommy, maging si Tita Alisha ay dinamay ko na at si Icarus. Mga teacher at classmates.
Dumating na ang nakakalungkot na eksena. Dahil kinailangan ko nang lisanin ang probinsya upang magkolehiyo sa Maynila. Business Management ang kinuha kong kurso dhil susunod ako sa yapak ni Mommy. One time, nalate ako ng uwi dhil marami akong tinapos sa school. Nakita ko si Mom na nakatayo sa labas ng gate namin at nakatingala sa bahay namin. Kaya sinabi ko sa driver namin na itabi ang sasakyan. Bumaba ako ng kotse para lapitan si Mom. "Mom, anong ginagawa mo jan?" Tanong ko. Ngumiti sya sakin at lumakad palayo. "Mom! San ka pupunta?" Hinabol ko sya at bigla nalang syang lumiko, pero laking gulat ko nang makalapit ako sa nilikuan nya ay pader lamang iyon at walang eskinita o daanan man lang. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya halos madapa na akong tumatakbo pabalik sa bahay. "Mam, ayos lang po ba kayo?" Hindi ko na pinansin si Mang Bert at dumiretso na ko sa loob ng bahay namin. "Mom! Mom!" Sigaw ko habang nagmamadali sa paghuhubad ng sapatos ko. "Hija anong nangyari?" Sinalubong ako ng tanong ng yaya ko pero hindi ko na rin sya pinansin at patakbo akong umakyat sa kwarto ni Mommy. Binuksan ko yun bigla at naabutan ko si Mommy na nakaupo sa kama nya habang nagbabasa ng libro. Bahagya pa syang nagulat dhil sa bglaang pagbukas ko ng pinto.
"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Mommy at tumayo. Tumakbo ako palapit sa knya at niyakap sya ng mahigpit. Umiyak ako ng umiyak sa dibdib nya. "Anak anong nangyayari sayo? Tell me." Sabi ni Mommy habang nakayakap sakin at hinahaplos ang buhok ko. Kumalas ako para harapin sya. "Mom, i saw your doppleganger. Natatakot ako Mom dahil may gumagaya sayo. Sabi sa nabasa kong libro ay masama iyon." Umiiyak na sabi ko. "Shhh. Wag ka nang umiyak okay? Walang masamang mangyayari sakin. Kinopya nya lang ako pero walang masamang mangyayari Lira. Calm down." Pagpapatahan sakin ni Mommy. Unti unti naman akong kumalma, sana nga ay walang masamang mangyari kay Mom. A day passed at wala namang masamang nangyari kay Mom kaya napanatag ako. Yun ang akala ko. A week later, naaksidente ang kotseng dinadrive ni Mom. Nasa out of town sya nun at nasa bahay nako that time kasi 8pm na din. Nagbabasa ako ng libro nun ng katukin ako ni Yaya. "Hija, may tawag para sayo." Sabi nya. "Sino Yaya?" Tanong ko. "Si Mam Iris." Nagtaka ako kung bakit tumatawag dito si Tita Iris e magkasama naman sila ni Mom (Si Tita Iris ay Officemate ni Mom). Bumaba ako at sinagot ang tawag. "Hello?" Bungad ko pagkasagot ng telephone. "Lira? Si Tita Iris mo to." Sabi nya. "Oh Tita? Napatawag po kayo? Wala po dito si Mommy, nasa out of town po. Akala ko po magkasama kayo? Magalang na tanong ko. "Lira, naaksidente ang Mommy mo. Magpahatid ka ngayon dito sa Batangas. Tawagin mo yung driver nyo at sasabhin ko ang address ng Hospital." Sabi ni Tita Iris. Natulala ako sa narinig. Nanginginig ang kamay ko at ni hindi man lang ako makaiyak. "Lira, nandyan ka paba?" Tanong nya. Natauhan ako. "Opo Tita, sandali lang po." Nauutal na sabi ko. Tinawag ko ang driver namin at nakipag-usap sya kay Tita Iris. Nakatulala naman ako dhil parang hindi magsink in sa utak ko na naaksidente si Mom. Matapos makipag-usap ni Kuya Bert kay Tita Iris ay umalis na kami. Ni hindi na ko nakapagpalit ng damit, nakapantulog na kasi ako at nakatsinelas lang. Habang nagmamaneho si Kuya Bert, may nadaanan kaming medyo madilim na kalsada at laking gulat ko ng makita ko na naman si Mom. Nakangiti sya sakin. "NO!" Sigaw ko. Huminto si Mang Bert. Doon na ko tuluyang umiyak. "Mam ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong nya sakin. "Please Mang Bert ituloy mo ang pagmamaneho. Kailangan ko ng makita si Mommy." Humahagulhol na sabi ko. Sumunod naman si Mang Bert at binilisan ang pagdadrive. Para na kong masisiraan ng bait. Pagkarating sa Hospital ay bumaba agad ako ng kotse at tumakbo papasok sa loob, agad kong hinanap si Mommy. Nakita ko si Tita Iris na nasa waiting area kaya tumakbo agad ako palapit sa knya. "Tita Iris, nasan si Mom?" Umiiyak na sabi ko. "Nasa loob pa sya ng OR Lira. Huminahon ka. Magiging maayos din ang lahat." Pag-aalo nya sakin. "Paano ako hihinahon Tita kung nasa loob ng Operating Room si Mom!" Sigaw ko. Napaupo na ko dhil sa pagod na nararamdaman ko. Niyakap naman ako ni Tita Iris. "Shh. Calm down Lira Please." Pakiusap ni Tita Iris sakin. "What happened Tita? Bakit naaksidente si Mom?" Nanlalabo na ang mga mata ko dhil sa luha. "Sabi nya sakin ay uuwi sya ngayon sa bahay nyo ksi baka daw mapahamak ka. Nagmamadali sya kaya hinabol ko sya at pinilit ko syang sabhin sakin kung bat parang nininerbyos sya, sabi nya nakita ka daw nya. Ang dami pa nyang sinabi na hindi ko na naintindhan dhil tumakbo kaagad sya sa kotse nya at mabilis na nagdrive. Hindi ko hinayaang umalis ang Mom mo sa ganoong itsura nya kaya sinundan ko sya. Pero laking gulat ko ng bigla nalang syang lumiko sa may malaking puno at ibinunggo ang kotse nya dun. Sa sobrang lakas ng impact dahil sa biglaang pagkakabunggo ay nawasak ang harapan ng kotse ng Mom mo Lira. Sorry wala akong nagawa. " Naiiyak nadin na sambit ni Tita Iris. Hindi ko na talaga naiintindhan kung anong nangyayari samin at bakit nangyayari samin to? Nakatulala na lamang akong naghihintay sa paglabas ng Doctor mula sa OR. Natuyo na ang mga luha sa pisngi ko at si Mom lang ang laman ng isip ko. Mayamaya'y lumabas na ang Doctor at nagmamadali akong lumapit sa knya. "Doc, kamusta ang Mommy ko?" Tanong ko. "She's okay now, wala na sya sa kritikal na sitwasyon, pero may tendency syang mabulag dhil sa dami ng bubog na pumasok sa mga mata nya kaya natagalan kami sa pagtatanggal ng mga iyon. Bukod doon ay nadamage din ang isang binti nya pero hindi naman malala. Makakalakad pa naman sya after 3months na pagpapahinga. Hintayin mo na lang na mailipat ng private room ang Mommy mo at pwede mo na syang makita doon, i need to go now." Sabi ng Doctor bago sya umalis. Naiwan akong tulala, nanghihina sa mga narinig. Pano pa ko makikita ni Mom kung bulag na sya? Inalalayan ako ni Tita Iris hanggang sa mailipat na ng room si Mom. Pagkapasok ko doon ay kitang kita ko ang dami ng sugat na tinamo nya. Sobrang nadudurog ang puso ko kaya napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang hikbing kumakawala habang lumalapit sa knya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinagmasdan si Mom habang nakaratay sa hospital bed. May benda sa mga mata at binti na bahagya pang nakataas. Puro galos ang kanyang braso at ang kanyang magandang mukha. "Mom." Umiiyak na pagtawag ko sa knya habang hinahalik halikan ang kanyang mga kamay. "Mom, bakit ka umuwi? Dapat tinawagan mo muna ako para hindi ka napahamak." Humihikbi na sabi ko sa nahihimbing na katawan ni Mom. Nakatulugan ko na ang pag-iyak at nagising na lamang ako ng makaramdam ng humahaplos sa buhok ko. "Mom, gising kana." Pinindot ko ang button na nasa gilid ng kama ni Mom at mayamaya lang ay may dumating ng nurse at Doctors para suriin si Mom. Matapos ay naiwan na kaming muli. "Lira, Come here." Nanghihinang sabi ni Mom. Lumapit agad ako sa knya, hinawakan ko ang nakaangat nyang mga kamay. Niyakap nya kaagad ako ng maramdaman ako. "I'm glad you're safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sayo." Sabi ni Mom. I cried a lot. "Mom, why did you do that?" Tanong ko. "I saw your doppleganger baby. I was scared, kasi umiiyak yun nung makita ko. Nung lapitan ko sya ay bigla nalang syang tumakbo at biglang naglaho, kaya hindi na ko nakapag-isip at nagdesisyon akong umuwi nalang agad para makita ka. Pero habang nagdadrive ako. Nakita ko ulit sya na nakatayo sa ilalim ng puno. Nakaramdam ako ng galit nung makita ko sya dahil bukod sa ginagaya ka nya, she smirked at me. I lost my mind, binunggo ko sya. I opened my eyes wider habang papalapit ako sa knya. Hindi ko pinagsisisihan na mabulag ako. It's better kesa makita ko yung gumagaya sayo o sa inyo. Mas okay na nararamdaman kita kesa sa nakikita lang kita, dahil kayang kaya ka nilang gayahin sa panlabas na anyo pero hindi sa pagpaparamdam mo sakin ng pagmamahal. I'm sorry baby pero hindi ko kayang makita pa yun. I felt tired nadin. Matagal ko naring dinala ang kakayahan nato at hindi ko nagugustuhan na maging isa man sa inyo ng pamilya ko ay madamay. Lalo ka na. I suffered a lot kaya i'm letting this ability to go now na." Paliwanag ni Mom sakin. Hindi ko na alam kung ano ang tama at maling desisyon. Pero isa lang ang alam ko. Marami pa kaming pagdadaanan, at kailangan namin ang pagmamahal, tiwala at pananalig sa bawat isa, maging sa Itaas. Ibinalita ko ang pangyayaring ito kay Papa at Mira, nangako naman si Mira na magpapatulong sya kay Domus at Icarus sa pagsasaliksik tungkol dito. Ayoko ng ganitong buhay. Gusto kong maging normal. Ngayon alam ko na kung bakit nagkasakit si Mom ng anxiety, yun ay dahil kinakaya nyang mag-isa ang mga nakikita nya. Pero umaasa parin ako na magpapaopera si Mom. Bumalik ako sa room ni Mom matapos kong kausapin si Mira. Hinalikan ko sya sa noo bago humiga sa tabi nya. "Goodnight Mom. Rest well." Niyakap ko si Mom at ipinikit ang mga mata ko. Panibagong pagsubok na naman ito pero alam kong malalagpasan din namin ito.

My Half Sister's Abilities by LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon