V

257 8 0
                                    

[•Tita Alisha's Identity (Mira's Mom:Not her real name)•]
"Maupo kayo." Wika ni Papa ng makapasok kami ni Mira sa loob ng kwarto nya. Umupo kami sa kama habang si Papa naman ay nakaharap samin at nakaupo sa upuan ng study table nya. "Kasal kami ni Lileth(My mom. But not her real name) dahil mahal namin ang isa't isa. 22 sya noon at 25 naman ako. Masaya ang naging una at pangalawang taon naming pagsasama hanggang sa magbuntis sya, at ikaw iyon Lira. Pero simula nung ipanganak ka ng Mommy mo ay naging abala syang lalo sa kanyang trabaho. Naiiwan ka sa yaya mo sa twing nasa trabaho kaming pareho. Dahil galing sa mataas na antas ng pamumuhay ang pamilya ni Lileth ay di hamak na mas maganda ang trabaho nya kumpara sa akin. Sya ay nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya at ako naman ay nagtatrabaho lamang sa talyer. Gusto ni Lileth na maibigay sayo ang magandang buhay kaya todo kayod sya sa trabaho nya hanggang sa makamit nya ang promotion na pinapangarap ng lahat. Naging manager sya ng isang hotel kaya naman napapadalas ang out of town nya para bisitahin ang ibang branch ng Hotel na pagmamay-ari ng Boss nya. Tuluyan na syang nawalan ng time sakin at sa'yo. Nalulungkot din ako bilang asawa at bilang ama para sayo. Hanggang sa makilala ko si Alisha, ang Mama ni Mira. Nagtatrabaho si Alisha bilang tindera sa isang bakery na malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko alam kung paano pero naakit ako sa ganda ni Alisha. Maganda at sopistikada si Lileth pero maganda na simple naman si Alisha. Madalas akong bumibili ng tinapay at softdrinks sa kanila sa twing natatapos akong magkumpuni ng sasakyan, kaya naman nagkapalagayan kami ng loob ni Alisha. Maasikaso sya at maalalahanin. Mahinhin at palangiti. Maputla ang kulay ng kanyang balat dahil maputi sya. Pero pinigilan ko ang sarili kong makipagrelasyon sa kanya dahil masisira ang pamilya ko. Pero sinubok ng tadhana ang relasyon namin ni Lileth dahil sayo Lira. Dinala ka sa Hospital noong bata ka pa dahil sa sobrang taas ng lagnat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na yun kaya tinawagan ko ang Mommy mo para sabhin ang sitwasyon mo. Pero hindi pa man ako nakakapagsalita ng sagutin nya ang tawag ko ay sinabhan na agad nya ako ng "i'm busy. Nasa meeting ako." At pinatayan na nya ako ng cellphone. Sobrang galit ang naramdaman ko kay Lileth noon kaya napagdesisyunan kong makipaghiwalay nalang. 2years old ka na ng maghiwalay kami ni Lileth at si Alisha ang dumamay sakin ng mga panahong nasasaktan pa ako dahil napakadaling pumayag ni Lileth nung makipaghiwalay ako. Hindi ako makapaniwala na napakatigas pala talaga ng puso nya. Sumama sakin si Alisha at sa probinsya kami tumira gaya ng hiling nya dhil mahilig daw sya sa mapupunong lugar. Nakahanap kami ng Magandang lugar at doon nanirahan. Ilang buwan na kaming nagsasama ni Alisha ng unti unti kong natuklasan ang tunay nyang pagkatao. Madalas ko syang nakikita sa likod ng bahay namin twing gabi na may kausap na isang lalaki. Noong una ay labis akong nalungkot dhil naisip kong marahil ay nagtataksil na si Alisha sakin, ngunit kalaunan ay napag-alaman kong ang lalaking madalas nyang kausap sa dilim ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Icarus. Inamin nya sakin na isa syang engkanto. Na kaya sya lumuwas ng Maynila ay para takasan ang pagiging engkanto at mamuhay ng normal tulad ng mga tao. Pero hindi sya maaaring magtagal, dahil hinahanap ng katawan nya ang kalikasan. Kaya naman nung makilala nya ako ay hiniling nyang sa may kakahuyan kami manirahan. Lumipas ang isang taon, nagdalang tao naman si Alisha at yun ay si Mira. Labis ang pag-aalala ko kay Alisha dahil habang lumalaki ang tyan nya ay unti unti namang humihina ang katawan nya. Isang araw hiniling nya sakin na sa Maynila sya magluwal dahil ayaw daw nyang matunton ng ibang engkanto si Mira. Gusto nyang mamuhay din si Mira ng normal gaya ng tao. Pumayag naman ako. At bago kami umalis ng Probinsya ay namili kami ng ibang kagamitan sa bayan at hindi sinasadya ay nagkita kami doon ni Lileth. Iniwan ko kasi si Alisha sa isang tindhan para bumili ng maiinom na tubig dahil nanghihina na sya. 8months na ang dinadala nya noon. Natanaw ko si Lileth na lumapit kay Alisha at hinawakan ito sa braso upang alalayan. Pinaupo nya si Alisha sa isang malaking bato at inabutan ng bote ng mineral. Narinig ko din ng tanungin ni Lileth si Alisha kung maayos naba ang pakiramdam nya kya tumango naman si Alisha. Tuluyan na akong lumapit at biglang nagliwanag ang mukha ni Alisha ng makita ako. Ipinakilala nya ako kay Lileth bilang asawa. Hindi sila magkakilala kaya hindi alam ni Alisha na ang tunay kong asawa ang kaharap namin nung oras na iyon. Pero nagulat ako sa naging reaksyon ni Lileth. Ngumiti sya sakin at inilahad ang knyang kamay. "Lileth", pakilala nya sakin. Tinanggap ko na lamang iyon kahit nagtataka sa inaasal ni Lileth. Inaya sya ni Alisha sa bahay namin para magmeryenda at hindi naman tumanggi si Lileth. Mukhang nagkakasundo sila dahil nagtatawanan pa hbang nagkukwentuhan na animo'y matagal ng magkakilala. "May pamilya ka naba?" Nasamid ako sa tanong nayun ni Alisha kay Lileth. "Meron akong anak pero wala na akong asawa." Sagot naman ni Lileth, kinakabahan ako. Dahil sa pagkakakilala ko sa tunay kong asawa ay hindi ito basta basta nagpapatalo. Walang makakabali sa prinsipyo nya at prangka, kaya naman nagugulat ako sa mga ikinikilos nya. Napapraning tuloy ako kakaisip kung may ibang motibo ba itong si Lileth kaya sya sumama dito sa bahay namin. "Ilang taon na ang anak mo?" Tanong muli ni Alisha. "Magta-tatlong taon na sya sa susunod na buwan." Sagot naman ni Lileth. "Talaga? Kabuwanan ko din yun e. Baka sakaling magkalapit lang sila ng kaarawan ng anak ko." Masayang sabi naman ni Alisha. Kinakabahan ako sa patutunguhan ng usapan nila. Kaya naman napansin iyon ni Alisha. "Ano't pinagpapawisan ka Gino(not his real name)?" Tanong ni Alisha sakin na kumuha ng towel at pinunasan ang noo ko maging ang likod ko. Nakita ko ng mapaiwas ng tingin si Lileth hanggang sa magpaalam na sya na kailangan na nyang umalis. Kaya naman hinawakan sya sa kamay ni Alisha at nagpaalam. Kinagabhan, tahimik kaming kumakain ng bglang magsalita si Alisha. "Sya ang iyong tunay na asawa hindi ba?" Nagulat ako at napatingin sa knya. Hindi alam kung paano ako sasagot, kaya naman nagsalita ulit sya. "Hindi ako galit. Nalaman ko iyon ng hawakan ko ang kamay nya kanina. Nakita ko lahat at kasama ka doon. Alam kong may dati kang asawa ngunit hindi ko akalain na si Lileth ang dahilan ng pagkadurog ng puso mo noon. Dahil naramdaman kong napakabusilak ng knyang puso. Patawad dahil dumating ako sa buhay mo." Nalungkot ako sa sinabi ni Alisha noon kaya inalo ko sya na wag na nyang isipin pa ang nakaraan na. Kaya pagdating ng sabado ay naghanda na kami para sa pagluwas papuntang Maynila. Nagpaalam si Alisha kay Icarus at pinagbilinan ito. "Icarus, ipangako mo sakin na babantayan mo ang anak ko sa anumang oras. Lagi mo syang tutulungan at poprotektahan. Hanapin mo sya Icarus kapag dinala sya ng knyang Ama sa Probinsya. Protektahan mo sila. Maliwanag ba?" Naiiyak na pamamaalam ni Alisha kay Icarus at nangako naman ito kay Alisha na tutupad. Sumakay na kami ng Barko ni Alisha. Ng makarating kami ng Maynila ay naghanap agad kami ng matitirhan dahil dalawang araw na lamang ay kabuwanan na ni Alisha. Nang makakita ay namahinga muna kami at inayos na ang lahat ng aming gamit. Lumipas ang ilang araw, tanghali noon ay umuwi ako ng bahay upang may makasama si Alisha sa tanghalian dhil malapit lang naman sa inuupahan namin yung trabaho ko. Pero pagdating ko sa bahay ay hindi ko sya makita. Nilamon ako ng kaba sa isiping baka nasundan kami ng mga engkanto at kinuha sya. Pero lumipas ang isang oras ay dumating na si Alisha. Labis ang saya ko ng makita ko sya kaya niyakap ko agad sya at sinabing nag-alala ako. Ang sabi nya ay may pinunthan lamang sya kaya sya natagalan. Hindi na ako nagtanong pa. Makalipas ang ilan pang araw, hatinggabi ng maglabor si Alisha. Tumawag ako ng komadrona at sya ang nagpaanak kay Alisha. Nang lumabas si Mira mula sa sinapupunan ni Alisha ay madaling araw na. Nayakap pa ni Alisha si Mira at nakangiting umiiyak na ibinulong ang katagang "Kasingganda ng liwanag na taglay mo ang liwanag ng buwan anak. Kaya pangangalanan kitang ___ ikaw ang aking Dyosa ng Buwan." Hinalikan ka pa ng Mama mo bago sya binawian ng buhay. Kabilugan ng buwan noon ng buhatin kita at tingalain ang maliwanag na buwan mula sa aming bintana hbang lumuluha dhil sa pagkawala ng iyong ina. Mahilig kasi si Alisha sa mga Deity na nririnig nya sa mga kwento kaya doon nya isinunod ang pangalan mo. Araw ng kapanganakan mo ay sya namang kaarawan ng Ate Lira mo." Mahabang kwento ni Papa. "Hala. Talaga ba? Grabe naman yung coincidence nayan? Ngayon ko lang nalaman na magkabirthday pala tayo Mira." Namamangha at hindi makapaniwalang sabi ko. "Maski ako Ate ay walang ideya. Anong susunod Papa?" Nawiwili si Mira sa kwento ni Papa, maging ako. "Ako ang naging kasa-kasama mo sa lahat. Itinaguyod kita ng mag-isa. Pero nung magdalawang taon ka ay nagulat ako ng maglahad ng tulong si Lileth para sayo at sa edukasyon mo sa hinaharap. Sinabi nya sa akin na ginagawa nya iyon dahil kapatid ka ni Lira na anak namin. Mabuting tao daw si Alisha kaya hindi nya magawang magalit dito kahit na nagkaroon kami ng relasyon at anak. Sa katunayan ay labis ang lungkot nya ng malaman ang nangyari kay Alisha kaya itinuring kading anak ni Lileth Mira. Pero sa twing kaarawan nyo ay madalas kang magkasakit at manghina kaya napagdesisyunan kong iuwi kana lamang sa Probinsya dhil baka katulad ka ni Alisha na nanghihina kapag wala sa mga puno. Nagpalipat lipat tayo ng Probinsya dhil madalas kitang makita na may kausap o kalaro na hindi ko nakikita. Marahil ay isang engkanto din kaya natakot ako na baka kunin ka nila sakin. Hanggang sa matunton tayo ni Icarus dito. Kaya tayo nagtagal dito ay dahil kila Icarus at Domus.
Sila ang pumuprotekta sa atin. Si Icarus at Domus ay mga engkanto din na may mataas na antas gaya ng iyong ina. May kakayahan silang magbago ng kahit anumang uri ng nilalang. Sa katunayan ay kaya mo ring gawin iyon Mira ngunit isang nilalang lang ang nkita kong nagawa mo, dhil kalahating engkanto ka lamang, at yun ay ang pagiging Musang. Noong bata ka pa twing kabilugan ng Buwan ay kinakailangan kitang ikulong, kaya nagawa ko ang basement natin ay dahil sayo. Dhil sa twing nagbabago ka ng anyo ay tumatakbo ka sa kakahuyan at nhhrapan akong hulihin ka dhil sa bilis mong tumakbo. Mabuti na lamang at nandyan si Icarus at Domus. Hindi rin nawalan ng tulong si Lileth sa atin sa Pinansyal kaya nakabili ako ng malawak na lupain at tinamnan ng pagkakakitaan. At ngayon ay ito na kayong dalawa at magkasama na. Masaya ako na hindi man ako naging mabuti Ama sa iyo Lira ay napalaki ka naman ni Lileth bilang isang mabuting bata. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Sana ay nasagot ko na ang mga katanungan nyo." Pagtatapos ni Papa sa kwento. "So Papa hindi werewolf sila Domus?" Tanong ko. "Masasabi natin na parang oo at parang hindi. Asong Lobo kasi ang madalas na anyo ng magkapatid pero minsan ay ibon." Sabi ni Papa. "Woahh. Ang cool." Sabi ko namamangha talaga. "Cool nga pero hindi biro ang maging katulad nila. Mahirap para sa knila ang ganoon kaya naman naiinggit sila sa mga tao at pinapangarap nilang maging normal tulad natin. Hindi ba Mira?" Tanong ni Papa kay Mira. "Opo Papa. Naiinggit ako kay Ate." Wika ni Mira sa malungkot na tinig. "Wag kana mainggit, kasi gusto ko din maging katulad mo. Ayan quits na tayo, okay?" Napangiti si Mira. "Salamat Ate. Salamat din Papa at nalinawan nadin ako. Kaya po pala blurred lahat ng picture ni Mama sa Album natin yun ay dhil engkanto sya." Sabi ni Mira. "Weh? Di nga Papa? Patingin nga po." Di makapaniwalang sambit ko. Kinuha ni Papa ang Photo Album nila. Oo nga, halos lahat ng picture ng Mama ni Mira ay hindi makilala dahil nawawalan ng korte, kung si Mira ay medyo malabo lang sa Picture. Ang Mama nya naman ay halos hindi na matukoy kung tao ba. Yung itsura nya ang madalas makita sa mga creepy pictures na sumasama sa Litrato kasi walang mukha kundi blurred pati katawan. Halos damit lang ang malinaw. Kung hindi ko lang alam na engkanto si Tita Alisha ay paniguradong matatakot ako sa mga pictures na nakikita ko ngayon pero nkakatakot parin tlga syang tingnan. Sa wakas makakatulog nadin ako ng wala ng iniisip tungkol sa kapatid ko. Mukhang side naman ni Mommy ang aalamin ko. Humahanga ako sa kanya sa kwento ni Papa. Pagkatapos ay bumalik na kami sa kwarto
nmin ni Mira at masya kami pareho dahil parehas na kaming nalinawan. Kaya naman napagdesisyunan na naming matulog dhil may pasok pa kami bukas sa school. Pero bago ako matulog ay nagtype muna ako ng message kay Mommy. "I love you Mom. You're the Best Mom in the whole world. Goodnight and have some rest." Matapos nun ay dinalaw nadin ako ng antok.

My Half Sister's Abilities by LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon