III

328 10 0
                                    

Tulad nga ng sinabi kong aalamin ko ang pagkatao ni Mira ay naging mahirap para sakin. Dahil madalas wala si Papa dahil pumupunta sya sa ibang lugar para magdeliver ng mga gulay o prutas, at kung nasa bahay naman sya ay nanjan naman si Mira sa paligid. Mejo naiinis ako sa sarili ko dahil parang traydor ako sa sarili kong kapatid, pero masisisi nya ba ako? Bakit kase ayaw nya nalang sabhin sakin ang totoo at may pasuspense pa sya. Twing tinatanong ko sya naiiwan akong nakanganga dahil sa sagot nyang 'Malalaman mo rin ang lahat lahat sa akin Ate.' Naiuumpog ko panga kung minsan ang ulo ko sa foam ng kama ko dahil sa sobrang pagkainis sa knya. Nakakafrustrate kase nilalamon ako ng curiousity ko. At yung lalaking madalas nyang kausap sa likod ng bahay? Di ko alam kung sino yun. Iniisip ko nga na baka boyfriend ni Mira yun at kaya sila sa likod nag-uusap ay dahil walang alam si Papa. (Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng pumunta kami sa burol ni Donna.) Isang araw, hapon noon ay nagpaalam si Papa na pupunta ulit sya ng ibang lugar dahil idedeliver sa Maynila ang mga Prutas na inani nya kaya baka daw matagalan sya doon, at abutin sya ng tatlong araw kaya pinagbilinan nya kami na kailangan ay diretso uwi sa bahay pagkagaling sa eskwela at wag nang pumunta pa sa kung saan saan. Binilin din ni Papa na pagkagat ng dilim ay dapat nasa loob na kmi ng bahay at nakalock na lahat ng pinto at bintana. Kaya naman kinagabihan ay kaming dalawa nalang ni Mira sa bahay. Sa totoo lang ay natatakot akong tumingin sa bintana twing gabi kapag wala si Papa dahil napakadilim ng paligid, mga puno lang ang makikita mo sa twing maliwanag ang buwan. Kapag nasa bahay kase si Papa ay nasa labas pa sya twing gabi, kaya nakakadungaw ako sa bintana pero ngayon, dhil wala sya ay hindi ko yon ginawa. Sinarado ko lahat ng bintana, sa kwarto ni Papa sa kwarto namin at sa hallway. Di naman ginagamit yung guest room kaya malamang sarado ang bintana dun. Bumaba na ako at tumungo sa kusina dahil si Mira daw ang maghahanda ng pagkain namin. Pagkarating ko sa kusina ay maayos na ang lahat kaya umupo na ako, nilibot ko ang paningin ko sa kusina pero hindi ko makita si Mira. "Mira!" Sigaw ko. Wala akong naririnig na sagot kaya pumunta ako sa likod ng bahay. Nakita ko si Mira sa tabi ng Puno at nagsasalita, lumapit pa ako ng bahagya para makita kung sino ang kausap nya at hindi nga ako nagkamali, isang lalaki. Mahina ang pinag-uusapan nila pero naririnig ko, tumabi ako sa mga matataas na halaman para hindi nila ako mapansin, masyadong seryoso si Mira kaya alam kong hindi nya ko mararamdaman. "Anong ginawa mo dun?" Dinig kong sabi ni Mira sa lalaki. "Nagmanman. Masyadong delikado Mira, lalo na at wala si Icarus (not his real name) ngayon." Sagot nung lalaki, sya yung narinig kong kausap ni Mira dati na medyo malalim ang boses. "Nasan si Icarus, Domus?(not his real name too)" tanong ni Mira. "May pinuntahan sya, may kinalaman yta yun sa Mama mo pero hindi ko alam kung kelan sya babalik." Sagot nung Domus. "Ate, kanina ka paba jan?" Nagulat ako sa tanong na yun ni Mira. Napansin nya na ako, di ko man lang narinig yung tungkol sa Mama nya. "Hindi kararating-rating ko lang, tara kain na tayo baka lumamig yung sabaw ng sinigang." Paglingon ko wala na agad si Domus. "Sige, tara na Ate." Papasok na si Mira sa pinto ng tanungin ko sya. "Sino yun Mira? Domus ba name nya? Sino naman si Icarus? At anong kinalaman nya sa Mama mo?" Tumingin sakin si Mira at medyo kinilabutan ako, di ko alam kung galit ba sya sa tanong ko. Siguro? "Mukhang narinig mo ang lahat Ate, hindi ko naramdaman ang presensya mo dahil abala ako kay Domus. Pero sige sasagutin kita ngayon." Medyo natuwa ako dahil sa wakas sasagot nadin si Mira sakin. "Si Icarus ay matalik na kaibigan ni Mama. 7years old na ko nung magkita kami ni Icarus, dahil palipat lipat ng probinsya sila Papa ay matagal bago ako natunton ni Icarus. Si Domus naman ay Kapatid ni Icarus, sya ang nagbabantay sakin kapag wala si Icarus." Paliwanag nya. "Ahh. E bat kailangan ka naman bantayan? E bukod sa malaki kana ay nandito naman si Papa. Saka wala ba silang pamilya para sumunod sayo kung nasaan ka? Anong klaseng nilalang sila?" Sunod sunod na tanong ko. Napabuntong-hininga si Mira at pinaupo na ko sa upuan. "Kumain na tayo Ate, ang dami mo nang tanong, kung konti lang alam mo ay hindi ka mapapahamak, pero kapag marami ka nang nalalaman ay baka mapahamak ka. Gusto kong mamuhay ka ng normal Ate." Malungkot na sagot nya sakin at nag-umpisa ng kumain. Napatitig ako sa knya bago mag-umpisang kumain. Nang matapos kami ay naglinis muna kami ng kusina bago magshower. Nung nasa kwarto na kami ay nagpapakwento sya sakin ng buhay ko sa Maynila at masaya naman akong nagkwento. Habang nagtatawanan kami ay natahimik nlang kami bigla dahil sa gulat ng tila may isang dambuhalang tumalon sa bubong namin. Tumayo si Mira at nilagay ang hintuturo nya sa knyang bibig na ang ibig sabhin ay wag akong maingay, kaya naman sinunod ko sya. Pinagmamasdan ko lamang ang galaw ni Mira. Dahan dahan syang pumunta sa bintana naming salamin at hinawi ng bahagya ang kurtina. Pagkatapos ay lumapit agad sya sakin at hinila ako palabas ng kwarto kaya dinampot ko yung fone ko sa kama ko at sinilid sa bulsa ng pajama shirt ko. Bat prang ang daming aso sa labas? "San tayo pupunta Mira?" Pabulong kong tanong. "Itatago kita. Wag kang mag-iingay para di ka nila matunton. Maliwanag ba Ate?" Mahinang sagot nya sakin na halos bulong nalang. "Ha? Bat moko itatago? Saka sinong Sila? May bisita ba tayo?" Nalilitong tanong ko sa mahinang boses. "Oo may bisita tayo, pero hindi sila welcome dito kaya sumunod ka nalang Ate okay?" Pabulong na sagot nya muli sakin. Nalilito man ay sumunod padin ako, ngayon ko lang nalaman na may basement pala kami at doon nya ako dinala. "Dito ka lang Ate, wag kang Lalabas hangga't hindi kita pinupuntahan dito." Bilin nya. "Teka teka. Bat ako maiiwan dito? San ka pupunta?" Tanong ko na naman. "Syempre kailangan kong salubungin yung bisita para malaman nila na hindi sila welcome dito at para umuwi narin sila agad." Normal na sagot ni Mira sakin. "Bat ba hindi sila welcome?" Tanong ko na naman. "Kase ayaw ni Papa ng bisita kapag gabi na. Pagagalitan tayo lalo na at wala pa sya dito. Sige na Ate lalabas nako. Dito ka lang ha?" Tumango nalang ako at tuluyan na syang lumabas. Pero hindi talaga ako mapakali kaya naman dinukot ko ang fone kong de keypad sa bulsa ng pajama shirt ko at tinawagan si Papa. Makalipas ang tatlong ring ay sumagot si Papa. "Oh anak bakit?" Bungad ni Papa. "Papa may bisita tayo, andun si Mira sa labas kase pauuwiin nya daw yung bisita dahil hindi welcome dito. Saka papa nagtataka ako kase dinala ako ni Mira dito sa Basement." Mdyo nagmamaktol na sabi ko. "Lira anak, makinig ka sakin wag kang lalabas dyan sa basement. Uuwi ako." Parang natataranta si Papa. "Ha? Bakit ka uuwi Papa?--" hindi ko na natapos pa ang sasabhin ko ng babaan ako ng Linya ni Papa. Mejo matagal narin si Mira sa Labas mahigit kalahating oras na kaya nainip nako at Lumabas. May naririnig na naman akong mga aso na parang galit? Sumilip ako sa bintana sa may likod ng sofa namin at nanlaki ang mata ko ng makita ang tatlo? Hindi, Limang Aso! Hindi lang normal na aso dahil malalaki sila at kulay itim, nagngangalit ang kanilang mga bagang, lumalabas ang mga matutulis na ngipin at parang gustong lapain ang nakatayo lamang na si Mira. Teka? Si Domus din nandoon, anong meron? Para akong nanunuod ng Palabas sa Tv dahil sa nasasaksihan ko ngayon. Kumurap lang ako ay sumugod na ang mga aso kila Mira at Domus, mabibilis ang mga ito kumpara kay Mira, mabilis na nasasalag ni Mira ang mga pagsugod ng aso gamit lamang ang kanyang mga kamay. Mabilis man ang mga Aso ay mas alisto naman si Mira. Dahil nakikita kong hindi sya umaalis sa knyang pwesto pero mukhang ginagamit nya ang talas ng pandinig nya dahil hindi nya masyadong masabayan ang bilis ng pagsugod ng mga Aso. Si Domus naman ay hindi ko makita, nagulat nalang ako ng nakatumba na ang tatlo sa mga aso at hinihingal na syang nakatayo sa tabi ni Mira. Kinusot kusot ko ang mga mata ko. 'Ano yun? Wala naman si Domus kanina dun e. Bat ang bilis? Di ko nga nakita kung ano nangyari dun sa tatlong aso na tumumba e.' Sabi ko sa isip ko. Pero mas lalo akong nangilabot ng mula sa Dilim ng mga punongkahoy ay lumabas ang iba pang Aso. Lumiwanag ang buwan na ntatakpan knina ng ulap kaya nakita ko kung gaano sila karami. Napatingala ako ng makita kong bilog na bilog ang buwan. Likod lang ni Mira ang nakikita ko dahil nakatalikod sila sa akin. Tumakbo ako palabas dahil baka mapahamak na si Mira, ang dami na ng Aso at baka tuluyan na silang malapa. "Mira!" Sigaw ko, napalingon silang lahat sakin maging ang mga aso, hahakbang palang sana ako palapit ng bigla ko nalang maramdaman na tumama na ang likod ko sa matigas na bagay. 'Shet, ang sakit nun ha.' Naubo ako sa pagkakatama ng likod ko sa dingding ng bahay nmin, para akong hinampas ng malaking malaking unan at tumilapon sa malayo. Kinabahan ako kala ko mauubo na ko ng dugo pero hindi pa namn. Matibay yata ang baga ko. "ATE!" Dinig kong sigaw ni Mira. Medyo nanlalabo ang mata ko. Kaya inalog alog ko ang ulo ko at tumayo. "Ayos lang ako Mira." Sagot ko na nauubo parin. Tumakbo sya palapit sakin pero hinabol sya ng mga aso. Kaya bago sya makalapit sakin ay wala syang choice kundi harapin ang mga ito. Dahil sa kaunting liyo na nararamdaman ko ay hindi ko na napansin ang mabilis na kilos ni Mira, naririnig ko nalang ang mga iyak ng aso sa twing matatamaan sila ni Mira sa tyan at napapabaluktot ang mga ito na tila nabalian ng buto. Hindi ko na alam kung ilang oras na ang lumilipas. Nakalapit na si Mira sakin at inalalayan akong tumayo, hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa buwan. "Baka naman madaan ito sa masinsinang usapan. Bigla na lamang kayong sumugod dito ng hindi namin alam kung ano ang pakay nyo." Narinig kong sambit ni Domus, kausap ang mga aso? Hindi, may lumabas na lalaki mula sa likod ng puno. "Narito kami para gumanti." Sagot ng lalaking sa tingin ko ay kaedad ni Papa. Nanatili naman ang mga asong tumumba na nakatumba at ang iba naman ay hindi na sumugod. "Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit." Dugtong pa ng lalaki. "Anong ibig mong sabhin? Wala kaming kinukuha sa inyo!" Galit na sigaw na Mira. Ngayon ko lang sya nakitang galit dahil madalas ay kalmado sya. "Namatay ang anak ko dahil sayo! Kung hindi mo sana ibinuka yang bibig mo, buhay pa sana ang anak ko!" Galit din na sigaw ng lalaki. "Pero bakit ako ang binabalikan ninyo? Hindi naman ako ang pumatay sa anak mo." Seryoso ngunit mahinahon nang sambit ni Mira. "Dahil hindi na namin matunton ang mga sumugod sa tahanan namin para patayin ang anak ko! Kaya ikaw nalang. Tutal parang ikaw narin ang pumatay sa knya dahil sa pagpapatotoo mo. At totoo nga ang sabi sabi na nkarating sa baryo namin na may isang dalagitang may kakaibang kakayahan bukod saming mga Aswang. Anong klase kang nilalang? Bakit may kakaiba kang abilidad?" Galit pero tila namamangha ang boses ng Lalaki. Nakarinig kami ng sigaw mula sa kakahuyan at naaninag namin ang lalaking may hawak ng flashlight, si Papa! "Mira! Lira!" Sigaw ni Papa. Nakita kong ngumisi ang lalaking aswang at nilingon si Papa. "Hindi!" Sigaw ni Mira, tumama ang ilaw ng Flashlight sa mukha ni Mira at nagulat ako ng umilaw ang mga mata nya katulad ng sa Pusa. Maging ang hugis ng itim nito ay hindi na bilog kundi guhit na lamang. Bigla nalang may sumugod na aso kay Papa at napatakip ako sa bibig ko nang makitang sunggaban nito si Papa. Tumama ang braso ni Papa sa mga barbwire na nakapalibot sa halaman namin, (proteksyon sana yun sa mga hayop na naninira ng pananim) bago sya tumumba kaya puro dugo ang kabilang braso ni papa. Halos kasabay ng pagsugod ng aso ang pagtakbo ni Mira pero mas mabilis ang aso sa knya kaya naunahan sya nito kay Papa. Akmang kakagatin na nito si papa kaya iniharang nya ang mga braso nya pero bago pa man yon makakagat ay naitulak na ito ni Mira. Iniharang ni Mira ang sarili nya kay papa at handang protektahan. "ICARUS!" Halos pumiyok na sigaw ni Mira dhil maiiyak na sya at makalipas ang ilang segundo ay may Umalulong ng sobrang lakas! Umatras ang mga aso at kitang kita ko kung paanong napunit ang mga suot ni Domus at nagbago sya ng anyo, naging asong lobo sya! Napakurap kurap ako, hindi makapaniwala sa nakikita, nang tuluyan ng magbago ay umalulong din si Domus. Hanggang sa naririnig na namin ang papalapit na takbo ng isa pang hayop? Lumabas mula sa likod ng bahay namin papunta sa harap ang malaking asong lobo! Mas malaki sya sa mga aso ng aswang at kay Domus, umalulong sya ng sobrang lakas na sinundan din ni Domus dahilan para umatras ang mga aso at ang lalaki. Sa isang iglap ay natumba na ang ilang aso ng aswang, umawang ang labi ko sa gulat, para bang kumurap lang ako tapos ganun na ang nangyari. Sobrang bilis. Doble sa bilis ng mga Aswang. Tuluyan nangang umatras ang lalaki at mga aso, maging ang mga natumbang aso ay inakay ng kapwa aso gamit ang ngipin, hinayaan lamang sila ni Mira na makaalis, nahihilo ako. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay kaya napaupo ako sa lupa. "Salamat Icarus." Sambit ni Mira sa Asong Lobo. Kung gayon ayun si Icarus? Anong klaseng nilalang ba talaga sila? Werewolf? Nanghihina ako sa mga nasaksihan ko ngayon kahit na wala naman akong ginawa kundi ang manuod lamang. Umalis na si Icarus at Domus kaya pinasok na ni Mira si Papa sa loob ng bahay, sya lang ang umalalay dito dhil kaya naman nya at nanginginig pa ang mga kamay ko. Nang makapasok sa loob ay inihiga ni Mira ang walang malay na si Papa sa sofa at doon ko lang napansin na may mga sugat din si Mira sa mukha, sinuri ko syang maigi kaya napansin ko rin na punit ang manggas ng damit nya sa kanang bahagi at may bakas ng natuyong dugo at ang mas malala ay ang kamao nya na namumutok na ang mga sugat. Kinuha ni Mira ang medkit at ginamot ang mdyo mlalim na sugat ni papa na tinamo sa pagkakatusok sa barbwire.
"Mira, gagamutin ko din yung mga sugat mo." Nanginginig na sambit ko dhil parang ang seryoso yta nya? Tumingin sya sakin sa nakakakilabot na paraan. "Pano napunta si Papa dito Ate? Dapat ay tatlong araw sya doon sa ppunthan nya pero bkit sya nandito?!" Napapikit ako sa gulat sa biglaang pagtaas ng boses ni Mira. Galit sya! "Ano kasi Mira, tinawagan ko kase si papa para sabhin na may bisita, sabi nya uuwi sya tas naputol na yung linya." Mautal utal na paliwanag ko. "Alam mo ba kung anong ginawa mo Ate? Kung hindi dumating si Icarus maaaring isa sa inyo ni Papa ang nmatay! Handang pumatay ang mga aswang nayun Ate dahil nalagasan sila. Ngayon sabhin mo sakin kung mali ba ang ginawa kong itago ka sa basement! Kung nanatili ka dun at hindi na tinawagan pa si Papa e di sana hindi mangyayari sa knya to! Pano kung napahamak si Papa kanina? Paano nako Ate? Nawala na nga si Mama pati ba naman si Papa mawawala din sakin? Pano nako?" Umiiyak na sambit ni Mira. Naiyak nadin ako at niyakap sya. Hinalikan ko sya sa ulo at hinaplos ang buhok nya. "Shhh. Andito pa ako Mira. Hindi kita iiwan, saka buhay pa si Papa, wag ka nang matakot okay? Hndi ka nmin iiwan." Humigpit ang yakap nya sakin kaya lalo akong naiyak.

My Half Sister's Abilities by LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon