Hi. It's me Lira. If you still remember, i shared my story about my Half Sister here in spookify. It's been 6years since Selene left us. (Selene is the real name of my half sister MIRA.) Kakasix years nya lang nung August 26. She's not dead. Pumunta lang sya sa mundo kung saan nababagay ang isang tulad nya. We went through a lot of hard times, pero hindi naman naisip na iwanan ang side ng isa't isa. We always support each other. Pero may pagkakataon talaga na kailangan nyang lisanin ang mundong ito dahil hindi tlaga sya dito kabilang. Sa bawat oras, araw, linggo, buwan at taon na lumilipas ay mas lalo lang nmin syang namimiss. She had a big part in our Family. She's our Shining Moon in the darkness. Kasama naman nya ang napangasawa nyang si Domus kaya kahit papano ay napapanatag kami. About Icarus? Kung natatandaan nyo ay hindi ko sya masyadong binigyan ng parte sa kinwento ko dahil hindi naman sya ang bida dun, kundi si Selene. Ngayon, ipapakilala ko sya sa inyo. Si Icarus ay yung tipo ng engkanto na mailap sa mga tao, pero mabangis sa mga itinuturing nyang kalaban. Kumbaga 'No Mercy' kapag napahamak ang kung sinumang iniingatan nya. Nung una ay wla tlga akong ideya kung sino sya. Nababanggit na sya ni Selene at Domus pero wala akong ideya sa itsura nya. Natakot ako ng sabhin ni Domus na nakakatakot ang kuya nya, kaya expected ko tlga na malahalimaw ang mukha nya. Akala ko tlga nung una ay isang ordinaryong estudyante lamang sya sa paaralan ng kinalaban naming distrito noon. Mukha lang kasi syang nasa 20's kaya di ako naghinala. Saka may iba pangang mga taga probinsya na mukha pang mas matanda sa knya. Kya naman nung malaman kong sya si Icarus ay nagulantang tlga ang buong sistema ko. Hindi ko akalain na yung inakala kong tao na pasulpot sulpot sa paligid ko ay isa palang kinatatakutang engkanto. Nakwento sakin ni Domus noon na hindi basta basta si Icarus. Mapakahit anong nilalang ay walang awa nyang pinapatay, katulad na lamang ng nangyari sa Pamilyang Aswang na sumugod sa tahanan nmin. Doon plang ay nakaramdam na tlga ako ng takot sa knya. Pero unti unti din iyong nawala, dahil bukod sa pagiging close nila ng kapatid ko ay palagi nyang pinatutunayan sakin na mabuti lagi ang knyang intensyon. Hindi sya nananakit kung hindi sya uunahan. Naging malapit kami sa isa't isa at nagkagustuhan, ngunit bukod sa tutol ang Papa ko ay natatakot din ako sa maaaring kahinatnan kung ipagpapatuloy namin iyon gayong hindi naman kami magkauri. Kaya naman ng dumating ang araw ng paglisan ni Domus at Selene ay nagpaiwan si Icarus upang mabantayan ako. Palagi syang nakasunod sakin saan man ako magpunta. Sa School, Sa Mall, Sa Library at sa khit saang lugar. Natakot akong tuluyan pang mahulog sa knya at maisipang sumama nalang at kalimutan ang lahat ng pangarap ko, kaya nanaig sakin ang kagustuhang mamuhay ng normal at tuparin ang lahat ng pangarap ko sa normal na mundo. Kaya kahit masakit sakin na ipagtabuyan sya ay ginawa ko yun dhil hindi tlga kami pwede. Umulan man o umaraw ay palagi ko syang nakikita sa likod ng bahay nmin na nakatingala sa bintana ko at hinihintay na dumungaw ako. Palagi ko syang sinisilip sa likod ng kurtina ng bintana ko at doon lihim na umiiyak. Gusto ko syang takbuhin sa ibaba at yakapin pero pinipigil ko lagi ang sarili ko. Hanggang isang gabi, habang nakatulugan ko na ang pag-iyak ay naramdaman kong may humaplos ng buhok ko at ibinulong ang katagang "Ikaw lang ang nag-iisang reyna ko." Kasabay nun ay isang malakas na hangin. Nagising ako dhil doon kaya naman bumangon ako at nakita kong nakabukas ang bintana ko at gumagalaw pa ang kurtina. Kaya naman isinara ko na lamang yon muli at napayakap sa aking sarili. Magmula ng gabing iyon ay hindi ko na muling nakita pa si Icarus. Kahit maramdaman ay hindi narin. Nagkaroon kasi ako ng connection sa knya matapos naming malaman na gusto namin ang isa't isa. Kaya naman alam ko kaagad kapag nasa paligid sya dhil ramdam na ramdam ko ang presensya nya. Pero makalipas ang gabing iyon ay wala nang Icarus na nagpakita o nagparamdam man lang sa akin. Pilit kong iwinaksi ang nararamdaman na kalungkutan. Nagfocus ako sa pag-aaral hanggang sa makagraduate at makakuha ng trabaho sa kumpanya na dating pinagtatrabahuhan ni Mommy. Dahil nga nagresign sya ay nabakante ang posisyon nayun kaya naman pinagsumikapan kong makamit ang posisyon na yun at nagpapasalamat ako dahil qualified naman ako. Pero hindi buo yung saya na nararamdaman ko. Parang palaging kulang, gabi-gabi akong nangungulila kay Icarus at sa kapatid ko. Ang presensya sana ni Icarus ay sapat na upang maibsan ang kalungkutan ko sa pagkawala ng kapatid ko pero maging sya ay itinaboy ko. Ni minsan ay hindi ko sya tinawag pero hindi sya nawala sa isipan ko. Nakakatulugan ko nanga kung minsan ang pag-iyak dahil sa sobrang pagkamiss ko sa knya. Kinukumbinsi ko nlang ng pilit ang sarili ko na 'Hindi ba't ito ang gusto ko? Ang makapagtapos, makapagtrabaho at tuparin pa lahat ng gusto ko?
BINABASA MO ANG
My Half Sister's Abilities by Lira
TerrorSi Lira ay isang normal na tao lamang, normal mangarap sa normal na mundo. Pero sa kabila ng pagiging normal nya ay may maeecounter syang mga nilalang na magpapabago ng takbo ng normal nyang buhay. Kayanin nya kayang makipagsabayan sa mga ito lalo n...