X

250 6 0
                                    

[•Psensya na po kung hndi ito msyadong mahaba. Busy po kasi tlaga ako sa work ko ngayon pero gusto ko tlagang matapos itong kwento ko, kaya kapag may free time ako nagtatype ako tas edit ng mga typo's kasi gusto ko maintindhan at mabasa ng maayos ang kwento ko. Sa nacucurious kung may lovestory ba? Meron naman. Salamat muli sa patuloy na pagbabasa. Sana samahan nyo ko hanggang sa wakas ng kwentong ito. Hahabaan ko nalang sa next part. Godbless•]
Hindi naging madali para smin ni Mom ang tatlong buwan na pagpapagaling nya. Nandyan na halos napabayaan ko na ang pag-aaral ko dhil ayoko naman syang iwan. Kaya naman parehas kaming nagsakripisyo ni Mira. Parehas kaming huminto ng pag-aaral para matutukan si Mom. Lumuwas si Mira at Domus para may mkasama ako sa pag-aalaga kay Mom. Noong una ay hindi sya pumayag dhil nga ayaw daw nyang maging pabigat, pero nagpumilit si Mira na hayaan syang alagaan si Mom hanggang sa makapaglakad syang muli. Sa huli nanalo parin kami ni Mira. Makalipas ang apat na buwan ay tuluyan na ngang nakalakad ng maayos si Mom at sinasanay ang sarili nya sa dilim. Hindi ako umaalis sa tabi nya twing gising sya dahil ayokong maramdaman nya na mag-isa lang sya. Mom suffered a lot since she was a kid. Hindi madaling kalabanin o hindi pansinin ang mga entities na nakikita nya. Hindi man ako nakakakita ng mga nakakatakot na entity ay ramdam ko ang hirap na pinag-dadaanan ni Mom. Kaya siguro madalas syang pumunta sa psychiatrist nya. Ang akala ko noong una ay stress lang si Mom. Yun pala ay may Anxiety disorder na sya kaya pala parang lagi syang ninenerbyos. Kung ako siguro ang nasa kalagayan ni Mom. Baka nabaliw na ko. Humahanga talaga ako sa lakas ni Mom, physically at emotionally. Nang tuluyan ng makarecover si Mom ay bumalik na si Mira at Domus sa probinsya, hindi rin kasi pwedeng magtagal si Mira dito dahil walang kasama si Papa doon. Ni hindi nga nila alam kung nasaan si Icarus naglalagi. One time nagising ako ng madaling araw dahil naiihi ako. Pero dahil sa sobrang pagkaantok ko ay nagkamali ako ng gripong nabuksan. Gripo ng shower ang nabuksan ko kaya nagising talaga ako sa sobrang lamig ng tubig. Nasa itaas lang kasi ng gripo para sa balde yung gripo ng shower kaya hindi ko napansin dahil nakapikit pako. Panghugas ko sana yun e. Dali dali akong lumabas ng cr ni Mom at lumabas sa kwarto nya. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. (Sa kwarto na kasi ako ni Mom natutulog simula nung mabulag sya.) Pero lalo akong nilamig ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa kama ko. Nakaharap sya sakin. "Mira?" Tanong ko, kinakabahan. Ngumiti sya sakin pero hindi kasingganda ng ngiti ng kapatid ko. Kaya nakaramdam ako ng galit. Dinampot ko ang throw pillow sa couch ko at inihagis sa kanya. "Go to hell! Stop copying my sister you damn witch!" Sigaw ko pero bigla nalang itong nawala. Binalot na naman ako ng takot dhil sa isipin na baka si Mira naman ang mapahamak. 'May possibility bang magaya ng isang engkanto ang kapwa nya engkanto?' Napaupo ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Mas okay pa na tao ang kalaban mo e kasi nahahawakan at kaya mo silang saktan kesa sa ganto, anong laban ko dito? Pinaglalaruan lang nila kami. "Lira Anak! Where are you?!" Narinig kong sigaw ni Mommy kaya dali dali akong tumayo at tumakbo pabalik sa kwarto nya at naabutan ko syang nasa pinto na. "Mom, I'm here." Sabi ko at hinawakan ang mga kamay nya. "San ka galing? Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong na nag-aalalang si Mom. "Mom, may gumagaya din kay Mira." Sabi ko maiiyak na. "Jusko. Ano bang nangyayari satin? Bakit kailangan mangyari satin to?" Napatakip sa bibig si Mom at nag-umpisa ng umiyak. "Matapos mo ay si Mira na naman? Ano bang gusto nila sa mga anak ko?" Naaawa ako kay Mom. Lalo na't wala syang magagawa ngayon dahil hindi na sya nkakakita. Inakay ko sya sa kwarto at inalalayan sa kama nya. "Anak. Kailangan nating puntahan si Mira. Pupunta tayo don mamaya rin." Sabi ni Mom. "Pero Mom." Pag-aalinlangan ko. Ayoko na madamay pa si Mom sa pangyayaring ito. Nagtitiwala naman ako kay Mira dahil bukod sa sarili nyang abilidad, e nandyan naman si Domus at Icarus para sa knya. "Mas delikado ngayon si Mira. Marahil ang mga engkanto na yun ay gustong kunin satin si Mira kaya nagpapakita na sila ngayon. Alam mo bang may batas sa mga engkanto? Na kapag tumuntong ka ng 16years old ay kukunin ka nila upang doon manirahan kasama nila. Baka iyon ang pakay nila. Kaya Lira anak. Alam kong wala tayong magagawa laban sa kanila pero ang masiguro nating ligtas ang kapatid mo ay malaking bagay na para sa akin. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Kaya pakiusap, puntahan ntin ang kapatid mo." Nagsusumamong wika sakin ni Mom. "Sige Mom. Pupunta tayo doon mamaya rin. Aayusin ko na ang mga dapat ayusin kapag maliwanag na. Magpahinga kana muna Mom." Sabi ko sa knya para mapanatag na sya. Hindi nga namin kakayaning mawala samin si Mira.
Kumbaga si Mira ang liwanag namin sa dilim, kaya kapag nawala sya ay paniguradong maliligaw kami. Gaya ng plano ay pumunta nga kami doon. Pero kinabukasan ng hapon na kami nakarating. "Papa!" Sigaw ko ng nasa bakuran na kami habang akay akay si Mommy. Lumabas si Papa at sinalubong kami. "Lira, Lileth. Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo ngayong araw, e di sana nasundo ko kayo sa Pier." Sabi ni Papa na binitbit ang mga traveling bag namin. "Dito ka ba magpapagaling Lileth?" Tanong muli ni Papa. "Si Mira?" Sagot ni Mommy sa tanong ni Papa. "Naryan lang sa labas. Inutusan ko manguha ng kahoy para gawing panggatong." Sagot ni Papa na medyo nagtaka sa biglaang paghahanap ni Mom kay Mira. "Lira, hanapin mo na ang kapatid mo." Sabi sakin ni Mommy. "Teka ano bang problema?" Tanong ni Papa. Palipat lipat ng tingin saming dalawa ni Mommy. "Mamaya ko ipapaliwanag sayo Gino, sige na Lira hanapin mo na si Mira." Utos sakin ni Mommy kaya naman sumunod ako. Mabuti nalang at maliwanag pa, 5pm palang naman kaya may isang oras pa ko para hanapin si Mira bago ako abutan ng dilim.

My Half Sister's Abilities by LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon